Umpisa
Pangalawa.
Salitang lagi nating naririnig pero hindi natin alam kung gaano kasakit ang pakiramdam nang maging gano’n. Ako rin, noon, hindi ko pa alam ang pakiramdam.
Pero ngayon? Alam ko na. Ang sakit-sakit pala. Nakakainis, nakakainsulto, nakakahiya.
It was our recognition day when I received my silver medal, I was the second honor.
Abot ang tahip ng aking dibdib habang pinapanood ko siyang umakyat sa stage. Mayabang siyang tumayo sa gitna at nagsimula nang maging abala ang mga tagapahayag sa pagbanggit ng mga awards na nakuha niya... siya ang aming first honor.
Sa palagay ko ay aabutin kami nang hating-gabi dahil sa dami ng awards na nakuha niya. At sa totoo lang ay gusto kong takpan ang aking mga tainga. Hindi ko gustong malaman kung ano-ano ang mga awards na nakuha niya o kung ilan ang medalya na isinabit sa kanya.
That should be me. I should be the one to receive those awards. I should be the one on his position. I should be the number one... How I wish that I could turn back time. Back when I was still on top of the school’s geniuses. Pero alam kong imposible iyon.
Naalala ko ang unang araw na nakita ko siya, it was the first day of school when I was in eleventh grade. He’s a transferee and his name is...
“Hi... my name is Enrick de Vera,” aniya nang utusang magpakilala ng aming adviser.
May kung ano sa kanya na kinainisan ko. Then he started to excel in anything, in everything. And I hate it.
“Beatrix? Ryle? Saan n’yo gustong mag-celebrate?”
Naputol ang linya ng aking mga alaala dahil sa tanong ni Daddy. Natapos na ang aming recognition at nakasakay na kami sa aming sasakyan upang pumunta sa kung saan, para mag-celebrate.
“Kayo na po ang bahala, Daddy.” Pagod kong inihilig ang ulo ko sa bintana.
Nasa tabi ko ang aking nakakabatang kapatid na si Ryle, parehas kaming nasa backseat. Narinig kong nagsabi siya kung saan niya gustong pumunta, pero hindi ko iyon naintindihan dahil masyado akong abala sa pag-iisip ng ibang bagay.
I know that I’ve disappointed my Mom, big time. I know that she expected a lot from me. Dahil simula bata pa lang ay mayroon na akong Kumon classes, marami akong tutors, at isinali niya rin ako sa mga personality development classes.
I was still young back then, but my future was already planned, I would be a doctor.
Kaya naman lagi akong nangunguna sa klase. I’ve received so many medals, trophies, and certificates in different categories of education. And this was the first time in my life that I didn’t get any special award in our recognition day...
Because it was all given to Enrick de Vera, our first honor and my mortal enemy.
Hindi naman ako pinagalitan ng mga parents ko dahil doon, pero alam kong na-disappoint ko sila, lalong-lalo na si Mommy.
Nang nakarating kami sa restaurant na ni-request ni Ryle ay tahimik kaming kumain at nang natapos ay tahimik ding umuwi sa bahay. Ang buong akala ko ay matatahimik na rin ako sa gabing iyon, pero nagkamali ako.
“Ma’am Beatrix?” Kumatok ang aming kasambahay sa pinto ng aking kwarto.
“Bakit po?” tanong ko nang nabuksan ko na ang pinto.
“Pinapatawag po kayo ni Madame sa sala, kailangan niya raw po kayong makausap,” sabi ng aming kasambahay, tinutukoy si Mommy.
“Sige po.”
Bumaba na ako sa sala.
Nadatnan ko si Mommy at Daddy na nag-uusap sa couch namin. Malamang ay tulog na si Ryle dahil alas-otso na ng gabi. Pero nagulat ako nang nakita ko na nakaupo sa kabilang couch ang pinsan kong si Courtney.
Ngumisi siya nang malaki sa akin. “Hi, Trix!”
Ngumiti rin ako pero agad kong nilingon si Mommy. “Mommy, bakit n’yo po ako pinatawag?”
“As you can see my dear, nandito si Courtney. Pinagpaalam ka niya sa amin ng Daddy mo dahil may pupuntahan daw kayo at naisip kong pasamahin ka na... para makapag-enjoy ka naman.”
“Talaga po?” Halos hindi ako makapaniwala.
Paano ba naman kasi ay mahigpit sa akin ang mga parents ko. Sa katunayan nga ay mayroon akong curfew. ‘Tapos ay papayagan nila akong sumama kay Courtney?
“Yes, hija. Magbihis ka na at baka mahuli pa kayo sa pupuntahan ninyo ni Courtney,” paalala ni Daddy sa akin.
Kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta ng pinsan ko ay tumango na lang ako at bumalik sa aking kwarto para makapagbihis. Sumunod sa akin si Courtney. Isang white sleeveless top at denim jeans with matching white sandals ang isinuot ko.
“Ano iyan?” tanong ni Courtney nang pinasadahan niya ako ng tingin.
“Bakit?” tanong ko at tiningnan ang suot ko.
“We’re going to a party! ‘Tapos iyan ang suot mo?”
“Ano bang mali rito?” nagtataka kong wika at napatingin na sa suot niya. She’s wearing a short black fitted dress.
“You should, at least, wear a dress!” aniya at umambang papasok sa walk-in-closet ko, kaya lang ay tumunog ang cellphone niya dahil sa isang tawag. “Hello?” Malaki ang ngisi ni Courtney habang kausap ang nasa kabilang linya. “Alright, alright. We’ll be there!” Tumalon-talon pa siya bago niya ako hinila paalis sa bahay namin.
Sumakay kami sa sasakyan niya. Ang swerte nga niya dahil mayroon na siyang sariling sasakyan kahit na eighteen pa lang siya.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa Foursquare!” sigaw niya.
Foursquare? Parang pamilyar iyon. Iyon ang bar na lagi niyang pinupuntahan.
“Isn’t that a bar?” Halos pasigaw na ang tanong ko. I’ve never been into a bar. Bukod sa ayaw ko ay pinagbawalan din ako nina Mommy. “Bawal ako roon! Hindi pa ako eighteen!”
“Who cares? Mag-e-eighteen ka rin naman.” Kinindatan niya ako. “Hindi ka man lang ba masaya na nakalabas ka na sa bahay n’yo?”
“Masaya... pero bawal akong pumunta sa bar. Magagalit sina Mommy!”
“Pinayagan ka nila, ‘di ba?”
“Kasi hindi nila alam na sa bar tayo pupunta! Pero kung alam nila, for sure, hindi tayo papayagan!”
“Hayaan mo na. Huwag kang KJ. Besides, nandoon ang mga kaklase natin noong elementary na friends ko na ngayon.”
Courtney is my one and only best friend, ever since I was a kid. Mas matanda siya sa akin ng ilang buwan, pero magka-grade level pa rin kami. Magkaklase kami mula elementary, pero nag-transfer siya sa ibang school nang nag-grade nine na.
Hindi ko na siya natanggihan sa pagpunta sa Foursquare.

BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...