Yugto 28: Hate And Love
Nang dumating ang hapon ay inimbitahan ni Courtney ang mga kaibigan niya sa bahay namin. Sina Jane, Ella, at Kenneth. Agad naman na naghanda ang aming mga kasambahay. Nagdagdag sila ng mga outdoor chairs sa poolside dahil doon gusto ng pinsan ko.
Si Jane ay dumiretso kaagad sa pool at lumangoy-langoy. Si Ella, Kenneth, at Courtney ay nakaupo sa outdoor chairs tulad ko.
“You looked... more beautiful, Beatrix,” si Kenneth. Nakatitig siya sa akin. Sasagot na sana ako kaso ay may idinugtong pa siya. “No. I mean, maganda ka naman talaga pero mas gumanda ka ngayon.”
“You mean, she’s blooming,” si Ella at ngumiti sa akin.
“Oh, yeah! Nagseselos kasi iyan!” Tumawa ang bugak na si Courtney.
Mabuti na lang at malayo siya sa akin, kung hindi ay baka inabot ko na siya at kinutusan. Ang ingay niya kasi.
“Nagseselos? Nagseselos si Beatrix?” Kumunot ang noo ni Kenneth.
Umiling na lang ako.
“Kanino?” singit ni Ella at mas inilapit pa niya ang tainga niya. Para bang wala siyang maririnig kapag hindi niya ginawa iyon.
Umiling ulit ako pero mas maingay si Courtney. “Oo. Nagseselos si Beatrix kaya siya blooming. Pero hindi ko sasabihin kung kanino siya nagseselos.” Humagikgik si Courtney at hindi ko nabilang kung ilang iling ang nagawa ko dahil doon.
“What did you say? Blooming siya kasi nagseselos siya?” Mas lalo pang kumunot ang noo ni Kenneth. Para bang gulong-gulo na siya dahil sa mga sinabi ni Courtney.
“Well, nagseselos lang naman ako kapag ang lalaking kina-i-in-love-an ko, ay nilalandi ng ibang babae,” si Ella.
Mas lalo namang lumaki ang ngisi ni Courtney, kung may mas ilalaki pa iyon. “Exactly! Blooming si Beatrix dahil nagseselos siya. Which on the other way, it means, she’s in love!”
Sa gabi ng araw na iyon ay hindi ako nakatulog. Nakailang gulong ako sa kama ko pero hindi ako nagawang hilahin ng antok. Something bothered me. At sa tuwing iisipin ko kung ano iyon ay bigla na lamang nagfa-flash sa isip ko ang mukha ni Enrick.
Nakakainis na. Bumangon ako sa kama ko at sinabunutan ko ang aking sarili. Ang dami-dami namang pwedeng isipin, bakit siya pa?
Bumuntong-hininga ako at nagdesisyon na lang na pumunta sa kusina para uminom ng gatas. Pababa ako sa hagdan, nang napansin ko na nakasindi ang ilaw sa aming library. Binalewala ko muna iyon at kumuha ako ng fresh milk sa refrigerator. Baka nandoon si Mommy o si Daddy sa library, kaya’t nakabukas ang ilaw.
Nang natapos ako sa pag-inom ay nagtungo ako sa library. Sumungaw ako sa pintuan ng library at natanaw ko si Daddy na nakaupo at nakaharap sa kanyang laptop. Ilang sandali pa bago niya naramdaman ang presensya ko.
“O, Beatrix? Bakit gising ka pa?”
“Hindi po ako makatulog,” simple kong sagot at tumabi ako kay Daddy.
“I’m just checking different emails from different investors,” aniya. Tumango naman ako. “You should better be asleep by now. Baka magalit sa ‘yo ang Mommy mo kapag nalaman niya na nagpupuyat ka.”
“Hindi po ako makatulog,” sabi ko ulit. Tiningnan ko ang isang damukal na emails sa laptop niya.
“May bumabagabag ba sa ‘yo?” Kumunot ang noo ni Daddy pero nanatili pa rin ang mga mata niya sa kanyang laptop.
Napaisip ako at bigla na lamang lumabas sa bibig ko ang isang tanong. “Dad, paano n’yo po ba nalaman na mahal n’yo si Mommy?”
Parang tumigil ang mundo kay Daddy dahil sa tanong ko. Huminto siya sa pagtitig sa laptop at bumaling sa akin. Ngumiti siya. “Bakit mo naitanong?”
Umiling ako. “Wala lang po.”
“Well, walang exact date. I just knew it. Nalaman ko na lang na kaya ko pa lang isakripisyo ang mga bagay para sa Mommy mo. Nalaman ko na lang na handa akong masaktan para sa kanya. Nalaman ko na lang na gusto ko siyang laging mapasaya... And then I knew it was love.”
Tinanggal ni Daddy ang kanyang salamin at tumingin doon nang ilang sandali.
“Gano’n lang iyon, Dad? What about pasimula? Paanong nagsisimula ang love, Dad?”
Bumuntong-hininga siya. “About that... I don’t really know. But many people say na nagsisimula ang love sa crush. Then nagiging attraction. Saka pa lang nagiging love kapag mas malalim na. Minsan naman, nagsisimula ang love sa hatred.”
“Hatred? So, you’re saying that it’s possible to fall in love with someone that you hate?”
“Oo naman. There is a thin line between hate and love, totoo iyon. Iyong mga tao na nasa hate stage ay tumatawid sa manipis na linyang iyon nang hindi nila namamalayan, at napupunta sila sa stage ng love. Kaya sinasabi pa nga ng iba na, the more you hate, the more you love.”
Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. December came so fast. Agad na naging usap-usapan sa school ang tungkol sa Christmas party at exchange gifts.
“December na. I can’t believe it! Malapit na ang Christmas party, pati ang Christmas break.”
Pati si Courtney ay iyon na rin ang bukambibig. Pati ang kapatid kong si Ryle ay nanghingi na ng regalo kina Mommy at Daddy.
“Nakakairita naman itong type D ng PE uniform natin!” reklamo ng isa kong kaklase habang nasa comfort room kami at nagpapalit.
Mayroon kaming voleyball para sa PE. Tiningnan ko ang type D namin o ang volleyball jersey. T-shirt iyon at shorts. Nagrereklamo ang iba dahil masyado raw maikli.
Habang ako naman ay nagrereklamo dahil ayaw kong maglaro ng volleyball. Hindi talaga ako marunong sa mga sports, pero dahil parte iyon ng pag-aaral ay wala akong magawa.
Sa gymnasium ginanap ang laro. At halos lahat ng sections ng grade twelve ay nanood. Hiniram ng aming PE teacher ang time ng ibang subjects para lamang sa larong iyon.
Sa first game ay tinawag ang mga pangalan ng maglalaro. Alphabetical order iyon. Kaya naman sa fourth game pa ako nakasali.
Pumito ang aming teacher at agad na nag-serve ang nasa kabilang team. Una namang nakapuntos ang aming team. Inaamin ko na kung matatalo man ang team namin, ay baka dahil iyon sa akin. Sa sumunod na pagtira ng kalaban ay lumipad ang bola patungo sa aking direksyon. Ngunit hindi naman ako nakapuntos.
I suck at sports.
Pero sa huli ay nanalo ang team namin.
Kinuha ko ang aking tumbler at uminom ng tubig. Nakita ko si Enrick na nakaupo sa mga bleachers at katabi ang kanyang mga kaibigan. Muntik na akong masamid.
Nakakahiya. Paano kung napanood niya ang kalampahan ko sa volleyball? Nakakahiya talaga.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
