Yugto 15

122 11 0
                                    

Yugto 15: Leadership Training

Napasinghap ako dahil sa ginawa ng mga babae ni Enrick.

“Ayos ka lang?”

Halos mapatalon ako nang nakita ko si Harold sa likuran ko. Nag-aalala niya akong tiningnan. Nakita niya pala iyong ginawang pagbunggo sa akin ni Janine.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

“I’m worried. Sabihin mo lang kapag inaway ka pa nila ulit.”

Ngumiti ulit ako sa kanya. “Hindi mo na kailangang mag-alala, Harold. I think they won’t do that again.”

Hindi roon natapos ang interaksyon ko kasama si Harold dahil hanggang sa naka-order ako at hanggang sa pagkain ko ng lunch ay sinamahan niya ako. Nakakapagtaka, dahil hindi naman siya gano’n sa akin dati. Dati ay halos hindi niya nga ako tinitingnan o kinakausap.

Habang kumakain ay marami ang sinabi sa akin ni Harold pero hindi ko naman inintindi ang mga iyon. Bakit nga ba ako ang kasama ni Harold? Hindi ba dapat ay kasama niya ang mga kaibigan niya na sina Enrick?

Days of weekend passed by, hanggang sa dumating ang panibagong linggo sa eskwela.

Nakaupo ako sa madalas kong upuan sa classroom namin at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Hindi okay ang pakiramdam ko. Feeling ko, mayroong mangyayari na hindi maganda.

At napatunayan ko nga iyon.

“There will be a leadership training for the presidents and vice presidents of every section at grade twelve. It will be held at the auditorium. Kaya ang lahat ay uuwi nang maaga maliban sa ating class President at Vice President.”

Nang sabihin iyon ng aming adviser ay parang gusto ko na lang ipakain ang sarili ko sa lupa. Leadership training? Para sa mga class president at vice president? Ibig sabihin, kami ni Enrick ang pupunta sa training na iyon.

“Alright, so, Mr. de Vera and Ms. Soledad. Maaari na kayong pumunta sa auditorium dahil baka nagsisimula na ang training,” anang adviser namin.

Nilingon ko si Enrick na nasa bandang likuran ng classroom. Tumayo siya at kinuha rin niya ang kanyang bag. Parang may balak na siyang pumunta sa auditorium. At ako? Ayaw kong pumunta dahil makakasama ko siya roon. Ayaw ko nga siyang kasama. No, no.

Bumaling ako sa aming adviser. “Pwede po bang... hindi po ako pumunta? Pwedeng ibang class officer na lang po?” tanong ko kay Mr. Dimaano. Baka pwede. Kahit alam kong hindi.

“Hindi pupwede ang gusto mong mangyari. Kailangan ang vice president ang pupunta sa training na iyon. Dahil magkatuwang ang VP at ang president, ‘di ba?”

Dahil sa sinabing iyon ng aming adviser ay wala akong naging choice kundi ang pumunta sa naturang training kasama si Enrick. Habang naglalakad kami papuntang auditorium ay binilisan ko ang paghakbang ko para mauna ako sa kanya. Bahala na kung maiwan siya sa likod ko. Wala akong paki.

Halos mabali ang leeg noong mga babae na nakakatanaw kay Enrick. Iyong iba ay huminto pa talaga sa ginagawa nila para lang masilayan siya.

Ano ba kasing nakita nila kay Enrick? Bakit gustong-gusto siya ng mga babae sa campus? Okay, I got it, that he’s tall, athletic, popular, rich, genius, and handsome... but he’s still a playboy.

“Hey, bakit ka ba nagmamadali?” biglaang tanong ni Enrick habang binibilisan din niya ang kanyang paglakad para magkasabay kami.

Mas binilisan ko rin ang lakad ko.

“Beatrix, hey. Just wait,” aniya at sumabay ulit sa akin. “Ang bilis mo namang maglakad.”

“Anong pakialam mo?” tanong ko at mas binilisan pa ulit ang lakad. My pace was so fast that I almost feel like I’m running.

“Beatrix...” Sumabay na naman siya sa akin.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang auditorium. Mas binilisan ko pang maglakad. Sa sobrang bilis ay itinuloy-tuloy ko na, tumakbo na ako at hindi ko nilingon si Enrick kahit pa tinawag niya ako.

“Hey, Beatrix! What are you doing? Hintayin mo ako!”

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa narating ko ang pintuan ng auditorium. Doon lang ako huminto at hinabol ko ang hininga ko. Nakita kong medyo marami nang tao sa auditorium at mukhang malapit na ring magsimula ang leadership training. Umalis ako sa pinto at dumiretso ako sa mga nakahandang silya. Humanap agad ako ng mauupuan.

Sa harapan ay mayroong naka-set na malaking white screen na inilawan ng projector. Nakita kong mayroon na ring mga naghahanda ng wireless podium para sa magiging lecturer.

Lumipas ang ilang sandali...

Suminghap ako at nilingon ko ang pinto ng auditorium. Wala pa si Enrick. Luminga ako sa buong auditorium para hanapin ang katawang lupa niya.

Nasaan na siya?

Lumipas pa ulit ang ilang sandali...

Wala pa rin ang bakas ni Enrick. Halos lahat ng estudyante ay nakaupo at mukhang handa na. Nilingon ko ulit ang pintuan ng auditorium. Maybe I shouldn’t have left him?

Bakit ko ba kasi siya iniwan? Balikan ko kaya siya? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Tatayo na sana ako para lumabas ng auditorium at para hanapin si Enrick, kaso ay biglang bumukas ang pintuan ng auditorium. Iniluwa noon si Enrick. Dumirekta agad ang mga mata niya sa akin. Kinabahan ako at nagwala ang mga paru-paro sa aking tiyan.

Thank God he’s okay. Nag-alala ako.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at agad akong sumimangot. Tiningnan ko na lang ang white screen sa harapan. Ramdam ko ang paglapit ni Enrick sa kinauupuan ko.

Mayamaya pa ay umupo na siya sa upuan na katabi noong akin.

“Bakit ka tumatabi sa akin?” tanong ko at bahagyang umusog palayo sa kanya.

“Why? Got a problem with that?” he asked, his brow shot up.

Kinunot ko ang noo ko sa kanya at humalukipkip. Nakakaasar.

Narinig kong bumulong siya. “Sungit.”

“Anong sabi mo?” Medyo tumaas ang boses ko.

“Hindi mo ba narinig?” Nag-smirk siya at itinagilid pa niya ang ulo niya.

Nakakainis talaga.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon