Yugto 43

91 6 0
                                    

Yugto 43: Pinakamalayong Kangkungan

“Break na kami.”

“W-What?” Nakita kong nagulat si Janine pero mabilis lang iyon. Nakabawi agad siya at tinapik niya ang balikat ko. “W-Well, Enrick deserves that. He’s an asshole. Mabuti at naniwala ka sa akin. Mabuti at nakipag-break ka na habang maaga pa.”

Tipid akong ngumiti. “Thanks for telling me the truth.”

“Walang anuman.”

Hapon, malamig ang simoy ng hangin na nanggaling pa sa labas ng classroom namin, pero taliwas iyon sa init ng ulo ng teacher namin.

“I’m going to repeat my question! What is eight hundred seven thousandths cube if eight and seven hundredths cube is equal to five hundred twenty-five and five hundred twenty-five thousand nine hundred forty-three millionths?!”

Halos mapapikit ako dahil sa lakas ng boses ng teacher namin. Noon ko lang siya nakitang nagalit nang gano’n. At hindi ko in-expect na kay Enrick siya magagalit.

“Anong sagot? Mr. de Vera!”

Nag-angat ako ng tingin kay Enrick na nakatayo at nakatitig sa whiteboard.

“Hindi ko po alam.”

“Anong hindi mo alam?! You are the first honor in this class! You’re the best in Mathematics pero hindi mo ito alam?!”

“Hindi ko po talaga alam,” sagot ulit ni Enrick.

“Ma’am!” Nagtaas ako ng kamay. “Alam ko po kung ano ang sagot.”

“Of course, Ms. Soledad! Alam mo ang sagot dahil napakadali lang ng tanong na ito! Kahit grade one, masasagot ito!”

Ibinaba ko na lang ang kamay ko at hindi ko na ipinagpilitan pa ang sarili ko. Gusto ni Ma’am na si Enrick ang sumagot ng question.

“Mr. de Vera! Anong nangyayari sa ‘yo? Dati, ikaw ang pinakaunang nakakasagot ng mga tanong na ganito, pero ano na ngayon?”

“Sorry po talaga. Hindi ko po alam ang sagot.” Naupo na si Enrick.

Pero paanong hindi niya malalaman ang sagot? He’s good at Math. And the given question was very easy. Nagpapanggap ba siya na hindi niya alam ang sagot? Para ano?

Hindi lang sa Math naging gano’n si Enrick, pati rin sa Science.

“Mr. de Vera! Ano itong pinagsusulat mo sa observation mo?” Ipinakita ng teacher namin ang papel ni Enrick. “Your grammar and spellings are incorrect! Pati na rin ang observation mo, mali! Hindi naman ganito ang nangyari sa halaman, ah?”

“Sir, iyan po kasi iyong na-observe ko,” simpleng tugon ni Enrick habang nagkikibit-balikat.

“The plant melted?! Ito? Ito ang na-observe mo? How is this possible? Hindi naman nalulusaw ang mga halaman!”

Nagtawanan ang buong klase.

Nanatili ang kalmadong ekspresyon ni Enrick sa kanyang mukha. Wala siyang reaksyon sa mga nangyari.

“I can’t believe this, Mr. de Vera. Grammatical errors, wrong spellings and a very wrong observation!” Umiling-iling ang matandang teacher. “F ito,” aniya at sinulatan ang papel ni Enrick.

Hindi roon natapos ang mga katangahan ni Enrick. Sa bawat subject ay laging hindi niya alam ang sagot sa tanong ng aming mga teacher. O hindi kaya ay mali naman ang sinasagot niya.

Sa English ay puro wrong grammars ang isinulat niya noong gumawa kami ng four paragraphed essay. Sa PE naman ay halos abutin siya nang kalahating minuto para lang takbuhin ang one meter dash.

Lagi siyang napapagalitan ng mga teacher dahil sa mga mali niyang sagot at performance. They would say, “Ano nang nangyari sa ‘yo, de Vera?”

Gusto ko rin na itanong iyon. Ano na ba ang nangyari sa kanya? Bakit nagkagano’n siya? Naging tanga na ba siya?

Lumipas ang mga araw at nagbago na kami ng seating arrangement. Hindi ko na katabi si Enrick. Pero kahit na nabago na ang seating arrangements, hindi pa rin siya nagbago.

Day by day, he became worse.

Isang araw, habang nasa library ako ay tumabi si Janine sa akin para lang kausapin ako tungkol kay Enrick. “Grabe na talaga si Enrick! Nitong mga nakaraang araw ay sobra na iyong mga ginagawa niya!” sabi niya sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagbasa ng libro na hawak ko habang nakikinig sa kwento niya.

“Sigurado ako na mababa ang magiging grades ni Enrick ngayong fourth quarter!”

“Talagang magiging mababa ang grades niya dahil wala siyang pinapasa na mga requirements at projects. Puro F pa ang outputs niya. ‘Tapos zero pa siya sa quizzes. Baka nga hindi pa umabot sa seventy-five ang magiging grade niya,” sabi ko naman.

Tumango rin si Janine sa akin.

“So, tell me... Anong sabi ni Enrick noong sinabi mo na nakikipag-break ka na? Anong reaction niya? Nasaktan ba siya? Nagulat? O nagalit sa desisyon mo?” biglaan at walang koneksyon niyang tanong.

“Hindi ko alam. Basta ang importante sa akin ay break na kami.”

Ang totoo niyan ay alam ko kung ano ang naging reaction ni Enrick noon. Nasaktan siya. Pero hindi ako sure kung puso o ego ba niya ang nasaktan. O siguro, nagulat siya, kasi na-realize niya na hinding-hindi niya maloloko ang isang katulad ko.

“Tama iyan, Beatrix. Ang mga lalaking katulad ni Enrick ay hindi na dapat minamahal at pinag-aaksayahan pa ng panahon. Kaya ang payo ko sa ‘yo, huwag na huwag ka nang makikipag-balikan sa kanya! Move on na agad-agad and find another man!”

Hindi naman ako sumagot.

“At ako? Kung dati ay nagustuhan ko si Enrick? Now, hindi na! Ayaw ko sa mangloloko, ‘no!” sabi ulit niya. “Basta, always remember na huwag na huwag ka nang makikipag-balikan kay Enrick, ha. Kahit ano pa ang sabihin niya sa ‘yo ay huwag kang maniniwala! He doesn’t love you so don’t love him ever again!”

Kahit naman hindi sabihin ni Janine sa akin iyon ay hindi naman talaga pumasok sa isip ko na makipag-balikan ako kay Enrick.

Dahil sa patuloy na pagiging tarantado ni Enrick sa pag-aaral ay sinabihan ako minsan ng isa naming teacher na imbes na si Enrick, ay ako na ang running for valedictorian. Syempre masaya ako. Sino bang hindi matutuwa kapag nalaman nilang running for valedictorian sila?

Sinabi ko iyon kina Mommy at Daddy at natuwa rin sila. Mas pinagbuti ko pa ang pag-aaral ko. Sinamantala ko ang panahon ng kabobohan ni Enrick.

Wala siyang grades sa nga reporting, pero ako ay mayroon. F siya sa recitation, samantalang A naman ako. Wala siyang ipinasa na mga project, pero ako ay mayroon. Hindi siya nakiki-cooperate sa mga group activities kaya wala siyang grades, samantalang leader naman ako sa mga groupings at mataas ang grades ng group namin. Zero siya sa quizzes at periodical tests, ako naman ang highest scorer sa lahat ng quizzes at tests.

Mararating ko na ang tugatog ng tagumpay. Pero si Enrick? Mararating niya yata ang pinakamalayong kangkungan dahil sa mga ginawa niya.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon