Yugto 39

99 8 0
                                    

Yugto 39: Ang Totoo

“Ituloy mo na iyong kwento mo,” sabi ko kay Alec.

“Are you serious?” Ngumisi siya. “Baka magalit si Enrick kapag nalaman niya na kinukwento ko sa ‘yo iyong pangarap niya. Baka magselos pa iyon!”

“Hindi iyan. Come on. Tell me more. Sinabi mo na para maging tagapagmana si Enrick, may mga bagay siya na kailangang gawin. Ano-ano iyong mga bagay na iyon?”

Kumunot ang noo ni Alec. Para bang na-weirdo-han siya sa tanong ko. Ilang sandali pa bago siya sumagot. “Well, Dad and Tito Federico set some requirements. Kailangan na magawa ni Enrick ang lahat ng requirements na iyon para maging legible siyang successor.”

“Requirements?” pag-uulit ko.

“Yup.”

“Ano-anong requirements?”

“Tulad ng sinabi ko kanina, kailangan mag-aral nang mabuti. Kailangan na mataas ang grades. Kailangan din na first honor siya. Kailangan din na hindi siya ma-involve sa mga pangit na gawain, tulad ng pakikipag-away, at iba pa.”

Natigil ako nang ilang sandali, hindi makapaniwala sa mga nalaman ko. Pero nagpatuloy lang si Alec.

“Kaya naman noong nag-grade eleven ay nagpakalunod sa pag-aaral iyang si Enrick. Nagbunga naman, he’s a first honor up to now. Pero dati ay puro seventy-five ang grades niyan!” Humagalpak ng tawa si Alec.

Pero hindi ako natawa. Bumaba ang tingin ko sa mga daliri ko. Sa likod ng utak ko ay may hinala nang nabuo.

“Paano kapag hindi niya nasunod ang requirements?”

“Tinatanong pa ba iyan? Syempre, kapag hindi niya nasunod, kahit kailan ay hindi niya mamanahin ang negosyo.”

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko naman siguro dapat bigyan ng iba pang kahulugan ang sinabi ni Alec.

Sa sumunod na araw ay pumunta sa bahay si Courtney at niyaya akong samahan siyang mag-shopping sa mall. Pumayag ako dahil pumayag din naman si Mommy at Daddy na sumama ako sa kanya.

Ginamit namin ang kotse niya papunta sa mall. Nang nakarating kami sa mall ay una naming pinuntahan ang paborito niyang boutique.

“Bakit parang nagluwag nang slight si Tita Amelia sa ‘yo?” tanong niya habang sinusuri ang mamahaling black peplum dress sa boutique. “Kaagad ka niyang pinayagan na sumama sa akin at wala ka yatang curfew ngayon?”

“Yup. It’s a long story.”

“Pero grounded ka pa rin?” Nagtaas siya ng kilay sa hawak kong cellphone na ibinigay niya.

Pagod akong tumango.

Habang nagsha-shopping ay tanong nang tanong si Courtney sa akin kung kamusta naman daw ang lovelife ko at si Enrick. Syempre ay sinabi ko sa kanya ang mga kailangan niyang malaman.

Matapos mag-shopping ay naisipan ni Courtney na kumain. “KFC muna tayo?” tanong niya.

“Finally! After how many years ng pagsha-shopping ay naisip mo iyan!” Umiling ako sa kanya. “Ano? Libre mo?” Ngumisi ako.

“Fine! Sige!”

Umaliwalas ang mukha ko at sinabi ko ang order ko. “Large cheese fries at pineapple juice lang ang akin.”

“Iyan lang pala ang o-order-in mo! Nagpapalibre ka pa?” reklamo niya kahit siya naman ang nagsabing manlilibre siya.

Tinawanan ko lang siya. Dumiretso na siya sa loob ng KFC. Sa labas naman ako naghanap ng table. Inilapag ko ang mga shopping bags sa nahanap kong table. Naupo muna ako roon at kinalikot ko ang cellphone ko habang naghihintay kay Courtney. Na mukhang aabutin pa yata ng pasko bago maka-order dahil sa haba ng pila.

Ni-text ko si Enrick at sinabi ko kung nasaan ako. Noong nag-reply siya ay binasa ko kaagad. Para akong tangang nakangisi roon habang binabasa ang text ni Enrick.

Habang nakatingin sa cellphone ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang isang babae na nakaupo malapit sa table na inuupuan ko.

Hindi ako maaaring magkamali, si Janine Alvarez iyon. Ngumiti siya sa akin nang nagtagpo ang tingin namin. Pinilit ko ring ngumiti kahit na parang ayaw ko. Naalala ko lang ang ginawa nilang pagsabunot sa akin at ang pagso-sorry na hindi naman pala sincere.

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya kaya ibinaba ko ang cellphone ko. Iniwan niya ang pagkaing naka-serve sa table niya at naupo sa upuan sa harap ko na para bang close kami.

Sinulyapan ko si Courtney na nakapila pa rin sa counter.

“Hi, Beatrix!” masiglang bati ng babaeng nasa harap ko.

“Hi.”

“Hindi ko ine-expect na makikita kita rito ngayon. Sinong kasama mo?”

“Pinsan ko,” simple kong sagot.

“So I heard, kayo na ni Enrick?”

“Yes.”

She smirked. “Sinagot mo siya? Akala mo talaga bagay kayo, ‘no?”

Hindi ako makapaniwalang nakipag-usap siya sa akin para lang sabihin ang mga bagay na iyon. Hindi na ba siya nahiya?

“Janine, what do you want? Bakit mo ako kinakausap nang ganito?” mariin kong tanong habang pinipigilan na tumaas ang boses.

“What do I want? Oh! Silly of me! Bakit nga ba hindi ko muna sinabi sa ‘yo kung ano ang gusto ko?” Tumawa pa siya. “Gusto ko lang naman na malaman mo ang totoo.”

Suminghap ako at napailing na lang. Hindi ako makapaniwala na noong unang araw niya sa school ay naisip ko na pwede ko siyang maging kaibigan.

“Alam mo? Dapat nga ay magpasalamat ka sa akin dahil kahit hindi mo dapat malaman ang totoo, ay sasabihin ko pa rin sa ‘yo.”

“Janine, please, wala akong time para makipag-gagahan sa ‘yo. Kaya kung ano man iyang totoo na sinasabi mo ay tigilan mo na.”

“Everyone wants to know the truth. Pero ikaw? Ayaw mo?” Nagtaas siya ng kilay.

Kung hindi ko lang iniisip na may pinsan akong hinihintay ay baka nilayasan ko na si Janine.

“Ayaw mo bang malaman na hindi ka totoong mahal ng pinakamamahal mong si Enrick de Vera? He’s just fooling you, Beatrix. He wants to be the top one, can’t you see it? Kaya ka niya ginawang girlfriend ay para ma-distract ka niya sa pag-aaral mo at siya ang maging first honor. Alam niya kasi na ang kahinaan ng matatalino ay pag-ibig kaya ginamit niya ang charm niya sa ‘yo.”

Nagtiim-bagang ako. “Janine Alvarez, alam ko na gusto mo si Enrick. I know that you are insecure dahil boyfriend ko siya but don’t be this pathetic.”

“I’m not pathetic!” singhal niya sa akin.

“Kung gano’n, bakit mo sa akin sinasabi ito? You’re trying to break us up? Well, try harder.”

“Hindi ko ito sinasabi sa ‘yo dahil gusto ko kayong mag-break. Sinasabi ko lang ang totoo!”

“At kailan pa ito naging totoo?”

Hindi siya agad nakasagot.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon