Yugto 9: First Honor
Napakurap ako. What the hell? Si Enrick pala iyong lalaking tumakbo sa gitna ng ulan?
Naramdaman ko ang pinaghalong kaba at pagkailang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.
Umupo na siya sa tabi ko. Mabilis naman akong umusog palayo sa kanya.
Tiningnan ko ulit ang gate ng school, nagbaka-sakali akong nandoon na ang sundo ko, pero wala pa rin. Bumuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin kay Enrick. Hinalughog ko ang bag ko para makahanap ng payong, para lilipat ako roon sa kabilang waiting shed.
Ayaw ko siyang makasama. Kaso ay wala akong dalang payong. At ayaw ko namang sumuong sa ulan para lang pumunta sa kabilang waiting shed, baka magkasakit ako.
Nagulat ako nang biglang nagtanggal ng polo si Enrick. Nanlaki ang mga mata ko at nagkunwari na lang ako na nagbabasa ng libro. Pero kahit na ilang basa ang ginawa ko ay walang pumasok sa isip ko. Lalo na nang tinanggal din niya ang sando niya.
“W-Why are you stripping?” Halos pasigaw na iyon. Alam ba niyang bawal iyong ginawa niya?
“My clothes are soaking wet, do you expect me to still wear it?” tanong niya at may sumilay na ngisi sa kanyang mga labi.
I couldn’t believe that he was half naked in front of me. He got muscles on its proper places and he have abs.
Uminit ang pisngi ko nang na-realize kong masyado na akong nakatitig sa kanya.
“Staring much?” Nagtaas siya ng kilay at ako naman ay nag-iwas ng tingin. Sigurado akong singpula ng mansanas ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.
“Anyway... congrats,” aniya sa isang malamig na boses.
Napatingin ako sa kanya. Ang kanyang malalalim na mata ay bagay sa kanyang matangos na ilong at mapupulang labi. Samahan pa ng kanyang maputi at mamula-mulang balat.
“Sa alin?” tanong ko.
“Congrats for being the second honor,” sabi niya at tumingin sa malayo.
Unti-unti kong naramdaman ang galit sa aking sistema. He congratulated me for being the second honor? Nagmamayabang ba siya? Nang-iinsulto ba siya?
“Congrats your face,” bulong ko sa hangin.
“Anong sinabi mo?”
Narinig niya pala.
“Wala...”
Hindi ako makatingin sa kanya dahil naramdaman ko ang mga paru-parong kumikiliti sa aking tiyan at ang mabilis na pag-indayog ng aking puso.
Sa malayo ay nakita ko na ang aming sasakyan na pumarada malapit sa main entrance ng school. Agad akong tumayo. “Nandiyan na ang sundo ko. I’m going home.” Pagkasabi ko noon ay hindi ko na ulit siya tiningnan.
Bakit ba kasi naisip ko pang magpaalam? Hindi naman kami close. Baka kung anong isipin niya.
Nakita kong bumaba ang aming driver na may dalang payong. Kumaway ako para makita ng driver namin kung nasaan ako. Maglalakad na sana ako palayo kay Enrick, kaso ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay at nilapitan niya ako.
Sa hindi malamang dahilan ay para akong nakuryente at mabilis kong binawi ang aking kamay mula sa kanya. “Why?”
Ilang sandali pa akong tinitigan ni Enrick na para bang mayroong dumi ang aking mukha. “Nothing.” Unti-unti siyang umatras at umiling. He looked away.
Nothing? Pero bakit pakiramdam ko ay may gusto talaga siyang sabihin?
Umuwi ako sa bahay nang mayroong naka-plaster na ngiti sa aking mukha. Dahil sa bwisit na si Enrick.
“Nasaan po sina Mommy at Ryle?” tanong ko sa aming kasambahay dahil wala sina Ryle sa sala.
“Nasa poolside po sila, Ma’am Beatrix.”
Tumango ako at agad na nagpunta sa poolside. Gusto ko pa ring ipakita kay Mommy ang report card ko kahit na alam kong magagalit siya. Hindi ko kayang magtago at magsinungaling sa kanilang dalawa ni Daddy. I’m not that kind of person. Mas pipiliin ko pa ang mapagalitan dahil sinabi ko ang totoo.
Nadatnan ko si Mommy na nakaupo sa aming outdoor chair at nagbabasa ng kung ano. Si Ryle naman ay nasa pool at nag-s-swimming.
“Mommy...” bati ko kay Mommy at hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita ko na ang binabasa niya ay ang report card ng kapatid kong si Ryle.
Kumaway naman sa akin si Ryle. “Hi, Ate!”
Kumaway rin ako sa kapatid ko. Bumaling ako kay Mommy dahil nagsimula na siya sa mga litanya niya. “How’s school?”
“Okay naman po.”
“This is Ryle’s report card. First honor na naman ang kapatid mo and I’m expecting the same thing with you.”
Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Mommy.
Kinuha ko ang aking report card at inabot ko iyon sa kanya. Ang mga istriktang mata ni Mommy ay agad na dumirekta roon. Kinuha niya iyon sa akin at binasa nang tahimik. Hindi pa siya natatapos sa pagbabasa ay umiling na siya sa akin.
“Bakit ganito lang ang grades mo? Katulad lang rin ito noong last year.”
“Opo, Mommy.”
“Second honor ka pa rin?” Kahit na hindi tumaas ang boses ni Mommy ay rinig ko pa rin ang diin niya sa pagbanggit ng mga salitang iyon.
“Opo.”
Mommy laughed, a humorless laugh. “Pabaya ka kasi, Beatrix. Hindi mo pinagbubuti kaya iyan ang nangyayari sa ‘yo.”
“I’m doing my best to become the first honor again.”
“No! You’re not doing your best! Dahil kung ginagawa mo ang best mo, malamang ay nakamit mo na ang tagumpay na gusto mo. Pero hindi, ‘di ba? Kaya hindi mo ginagawa ang best mo. Hindi mo tinutupad ang pangako mo sa amin ng Daddy mo.”
“I am trying.”
“Trying is not enough!” Paulit-ulit na umiling si Mommy. “Last year, you’ve become the second honor and you started to fail my expectations. You started to lose on the contests that you are joining. And that Enrick de Vera started taking over your academic life. Pero hindi ako nagalit sa ‘yo. Dahil may tiwala ako sa ‘yo. Alam ko na babawi ka at mas pagbubutihin mo pa sa susunod. But look at you now! Did something happen? Wala! You are still second. And I’m disappointed, Beatrix. Because you’re not supposed to be second. I want you to be on top, always!”
Nagbara ang lalamunan ko. Sinubukan kong magsalita, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
“Noong nag-aaral ako at nasa edad mo ako ay lagi akong first honor,” pagpapatuloy ni Mommy. “Hindi ako natalo ng kahit sino.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...