Yugto 25: Paano Kung
Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ko ang galit na mukha ni Mommy.
“Bakit po, Mommy?”
“Gumawa ka ba ng katarantaduhan sa school ninyo?”
Umiling agad ako. “Hindi po. Bakit po ba?”
“May nagpunta kasi rito... Nagpunta iyong kaklase mo.”
“Sino pong kaklase?”
“The first honor. Enrick de Vera is his name, right?” Humalukipkip si Mommy sa akin. Natigilan naman ako sa sinabi niya. “At ang sabi pa niya sa akin ay gusto ka raw niyang makausap.”
Mas lalo akong natigilan. Gusto akong kausapin ni Enrick? Bakit naman? At bakit kailangan pa niyang pumunta sa bahay para lang makausap ako?
“Ano pong sabi n’yo sa kanya, Mommy?”
“Aba, syempre, pinalayas ko siya. Ang sabi ko ay hindi ka niya pwedeng makausap!” Tiningnan ako ni Mommy na para bang ipinagmamalaki pa niya sa akin ang ginawa niya.
“Bakit n’yo naman po pinalayas?”
Imbes na sagutin ni Mommy ang tanong ko ay nagtanong rin siya sa akin, “Ano? Gumawa ka ba ng katarantaduhan sa school?”
“Hindi po.” Agad akong umiling.
“Eh, bakit ka hinahanap noong lalaki na iyon? Baka inaway mo? Nakipag-away ka ba sa kanya? Imposible naman na maniningil iyon ng utang.”
“Hindi ko po siya inaway at hindi ko rin po inutangan.”
Bakit naman ako kakausapin ni Enrick? Tungkol kaya iyon sa ginawa kong pagtakas sa school?
Sa huli ay iniwan na ulit ako ni Mommy roon dahil kailangan niyang sagutin ang isang importanteng tawag. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at nakita ko kaagad ang pag-ilaw ng cellphone ko dahil sa isang text.
Unknown Number:
Why did you leave? Akala ko ba na-miss mo ako?
- EnrickPara akong aatakehin nang nabasa ko ang text na iyon. The text was from Enrick. How did he get my number?
Agad naman akong nagtipa ng reply at ni-save ko na rin ang number niya.
Ako:
Paano mo nakuha ang number ko?Enrick:
Hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko.Ako:
Kailangan ko na kasing umuwi. I have a curfew.Nagsinungaling ako. Totoong may curfew ako pero pupwede naman akong magtagal pa nang kaunti.
Enrick:
Please, don’t do that again. Umalis ka nang hindi nagpapaalam at nag-alala ako.Napangiti naman ako. Pakiramdam ko ay parang may nagtambol sa puso ko.
Ako:
Okay. I won’t. Pumunta ka sa bahay namin?Enrick:
Yup. And your mother is kinda strict. She didn’t want me to talk to you.Ako:
Sorry about that.Agad siyang nag-reply.
Enrick:
It’s okay. Naiintindihan ko.Noong kumakain na kami ng hapunan ay hindi tumigil si Mommy sa pag-iimbestiga tungkol sa kung bakit pumunta si Enrick sa bahay namin. Hindi namin kasabay na kumain si Daddy dahil nasa trabaho pa siya. Ang sabi niya kay Mommy ay baka late na siyang makakauwi.
Nasanay naman na ako. My father was one of the board directors of Soledad Corporations.
Si Daddy, Eduardo Soledad, si Tita Trina Soledad–Allego, at si Tito Alfredo Soledad ay magkakapatid. Si Daddy ang panganay at silang magkakapatid ang gumawa at nagpaasenso ng Soledad Corporations. The first President of the company was Daddy, then after ten years ay ipinasa niya kay Tita Trina ang posisyon. Pero nang naglaon ay si Tito Alfredo ang naging President dahil nagbitiw na si Tita Trina at nagpasyang maging kabilang na lang sa mga board of directors.
“Beatrix, I’m not believing you,” sabi ni Mommy matapos kong sabihin na hindi ko alam ang rason kung bakit pumunta sa bahay si Enrick. “Paanong hindi mo alam, eh kaklase mo iyon?”
Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi ako makatingin kay Mommy. Kapag sinabi ko ang totoo ay magagalit siya sa akin, panigurado. Si Ryle naman ay kumakain lang rin sa tabi ko habang pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Mommy.
“Are you friends with that Enrick de Vera?”
“Hindi po, Mommy.” Agad akong umiling at sumubo ulit.
Ilang sandali pang natahimik ang hapag-kainan dahil tumigil si Mommy sa pagsasalita. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong malalim ang iniisip niya. Nagsalin na lang ako ng tubig sa baso at uminom.
“If you two aren’t friends. Then, huwag mong sabihing nililigawan ka ng de Vera’ng iyon?”
Nasamid ako dahil sa sinabi niya.
Nililigawan? Saan naman nakuha ni Mommy ang kaisipang iyon? Hindi ako nililigawan ni Enrick. At ayon pa sa mga narinig ko, he just do flings not girlfriends.
“Nililigawan ka ba noon?” mas malinaw na tanong ni Mommy.
“Hindi po.”
“Naku! Talagang hindi dapat! Ang lalaki na iyon ang kalaban mo sa academics!”
Bumaba ang tingin ko sa kinakain ko.
“At isa pa, ang bata-bata mo pa! You’re not even eighteen kaya’t hindi ka pa pwedeng magpaligaw at mag-boyfriend.”
Nagpatuloy si Mommy sa pagsasalita habang si Ryle ay nakatulala sa tabi ko, siguro ay hindi niya naintindihan si Mommy. “What do you mean, Mom?” biglang tanong ni Ryle.
Binalingan siya ni Mommy. “Ryle Adrian, ang ibig sabihin ko lang naman ay bata pa ang Ate Beatrix mo para sa pakikipagrelasyon...”
At nagsimula na si Mommy sa pagtalak.
Sa mga sandaling iyon, gusto ko na lang takpan ang tainga ko dahil ang dami-daming sinasabi ni Mommy. She talked about my studies. About boys... About love...
“Beatrix, hindi por que’t mayaman na tayo ay hindi mo na pagbubutihan ang pag-aaral mo. Mag-aral ka nang mabuti dahil ang pera ay maaaring manakaw, ngunit hindi ang edukasyon. At iyong pag-ibig? Huwag mo munang isipin iyon. Ang pag-ibig ang pinakaunang dahilan kung bakit nasisira ang pag-aaral ng mga kabataan.”
I swear that those words had haunted me for the rest of the weekend. Kaya naman nang nag-Lunes na ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan ko.
“Hey.” Enrick poked me. Katabi ko na naman siya dahil iyon ang seating arrangement namin. “You okay?”
Hindi ko siya nilingon pero bahagya na lang akong tumango at nagkunwaring abala sa pagsulat sa notebook. Kahit ang totoo naman ay hindi ako nagsusulat, I was scribbling. Habang hawak ko ang ballpen ko ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.
What if Mom’s right? Paano kung pag-ibig nga ang sumisira sa pag-aaral ng mga kabataan? Paano kung pag-ibig ang sumisira sa pag-aaral ko? Paano kung...
Nilingon ko si Enrick. Nasalubong ko ang mga mata niya. Mata pa lang, pero naghurumentado na ang puso ko. ‘Tapos ay ngumiti siya. At mas lalo nang nabaliw ang sistema ko.
Paano kung umiibig na pala ako?
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...