Yugto 12

140 8 0
                                    

Yugto 12: Ang Video

Pag-uwi ko sa bahay ay naligo ako, nagbihis, at dumiretso sa aking kwarto. Ginawa ko muna ang mga homework ko at nang natapos ay humiga ako sa aking kama. Mabilis kong binuksan ang app na Facebook sa cellphone na ipinahiram sa akin ng pinsan ko. Dumiretso ako sa sign up section.

Nang nakagawa na ako ng isang account at napangalanan ko na iyon ng “Ano Nymous” ay hinanap ko kaagad ang video nina Enrick at Dana. Hindi ko na nilagyan ng profile picture ang account dahil hindi na mahalaga iyon. Nang nahanap ko ang video ay dali-dali ko iyong ni-post.

Ni-cut ko ang parteng pinagtabuyan ni Enrick si Dana. Basta ang ni-post ko lang ay ang purong kissing scene nila.

Gumulong ako sa kama ko pagkatapos ko iyong magawa. Gusto kong tumawa nang tumawa dahil sa saya.

Na-imagine ko kung ano ang magiging reaction ni Enrick kapag nakita niya ang video niya. With the caption “Enrick de Vera is not only good at academics and sports, he’s also good with girls.”

Kinabukasan ay excited na excited akong pumasok sa school.

Ni-check ko ang notifications ko sa dummy account at five-hundred na ang nag-react at nag-comment sa video nina Enrick.

Nang papasok pa lang ako sa aming classroom ay nakita ko na kaagad kung gaano ka-busy ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga gadget. Nagbubulong-bulungan ang iba.

“Enrick is a legend!” sabi noong isa kong kaklase.

Umupo ako sa aking madalas na upuan at agad kong napansin ang pagiging tahimik ni Janine, dahil karaniwan ay lagi niya akong binabati kapag pumapasok ako. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakatuon ang pansin niya sa kanyang cellphone. Nakakunot ang kanyang noo at mukhang galit siya sa kung ano.

Nilapitan ko siya para malaman kung ano ang tinitingnan niya. “Do you have an idea why everyone’s on their phone?” mahina kong tanong kay Janine.

Nakuha ko agad ang kanyang atensyon at bumaling siya sa akin. “Nakita mo na ba ito?” tanong niya sa akin at ipinakita ang video ni Enrick na kahalikan si Dana

“Sino iyan?” painosente kong tanong. Kunwari ay hindi ko alam.

“That’s my love, Enrick. And he’s kissing Dana!”

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Janine. Maging ang iba naming kaklase ay napatingin na rin sa kanya.

“Ang landi talaga ng Dana na iyon! Ako ang gusto ni Enrick at hindi siya!” dugtong pa ni Janine.

Mas lalo pa akong nagulat nang tumayo si Hannah. “Anong ikaw? Ako ang gusto ni Enrick!”

“Hindi! Ako ang gusto niya!” Halos mabuwal ako nang sabihin naman iyon ni May.

Oh, my gosh. Bakit naging gano’n? Dapat ay ikakasira ni Enrick ang video na iyon. Pero bakit parang mas lalo lang siyang pinag-agawan ng mga babae?

Sa araw rin na iyon ay nalaman ko na absent si Enrick, sa hindi malamang dahilan.

Kinabukasan ay saka pa lang pumasok ang mokong.

Sa buong maghapon na iyon ay wala akong ginawa kundi ang sumulyap sa kanya. He looked fine. Parang walang problema. Parang hindi niya pa alam na mayroon silang kumalat na video ni Dana.

“Class dismissed,” anunsyo ng aming panghuling teacher para sa hapong iyon. Matapos noon ay tumunog ang last bell at nang nailigpit ko na ang mga gamit ko ay lumabas na ako sa room.

Sa kalagitnaan ng pagtahak ko sa corridors ay biglang may humitak sa aking palapulsuhan. Napahinto ako sa paglakad at binalingan ko kung sino ang humitak sa akin. Agad kong nasalubong ang mga mapanuring mata ni Enrick.

Pinasandal niya ako sa isang bulletin board. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa palapulsuhan ko at ang isa niyang kamay ay nasa itaas ng aking ulo. He locked me.

Ang mga dumadaan sa corridors ay halos mabali na ang leeg sa pagtingin sa amin. Gosh. Bakit ba ako hinila ni Enrick? Ano na lang ang iisipin ng mga tao na nakakita sa posisyon namin?

Bago pa ako makapagprotesta ay nagsalita na siya. “Kilala mo ba kung sino ang nag-post ng video namin ni Dana?”

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. Biglang kumalabog ang puso ko at libo-libong paru-paro ang nagwala sa aking tiyan.

“H-Hindi.” Hindi dapat ako mautal. Kasi baka mahalata niya na ako ang nag-post noon.

“Really? Hindi mo kilala?” His brow shot up.

“Hindi nga!” Kahit na mahirap ay nagawa ko pa ring isigaw ang mga salitang iyon.

“Can I check your phone for investigation?”

“H-Huh? H-Hindi pwede! That’s invading my privacy!”

”No, it’s not,” aniya at nagulat ako nang mabilis niyang ipinadulas ang isa niyang kamay sa bulsa ng aking skirt. At parang gano’n-gano’n na lang ay nakuha niya ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Courtney.

“Hey!” reklamo ko. Akmang kukunin ko ang cellphone, pero hindi ko nagawa. Dahil inilayo niya iyon sa akin.

Anong karapatan niya?

“Hoy, Enrick! Ibalik mo nga iyan! Hoy!” Inabot ko ulit kaso ay inilayo na naman niya.

“Huwag ka ngang magulo,” sabi niya habang pinipirmi ako sa pagkakasandal sa bulletin board. Inabot ko pa rin ang cellphone kahit na useless iyon dahil inilayo niya.

“Huwag kang magulo... or else... sasabihin ko sa lahat na girlfriend kita.” He smirked as he leaned closer to me. Naramdaman ko na naman ang pagdampi ng kanyang mainit na hininga sa aking balat. Para akong kinuryente dahil doon.

“Kahit sabihin mo iyon, walang maniniwala sa ‘yo.”

“Oh, really?” Itinagilid niya ang kanyang ulo na para bang hinahamon niya ako.

“Shut up! Ibalik mo sa akin iyong cellphone!” sabi ko at nagtangka na naman ako sa pag-abot noong cellphone kaso ay hindi ko talaga iyon makuha sa kanya.

“Huwag kang magulo sabi, eh. I already warned you.”

Nagpumiglas na naman ako at inabot ko ang cellphone, pero bago ko pa iyon mahawakan ay sumigaw siya. “Hey, everyone! Listen! Beatrix Soledad is my girlfriend!” Enrick shouted like he was proud or something.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon