Yugto 37

160 6 0
                                        

Yugto 37: Sundin Ang Puso

“Bakit ngayon ka lang? Sa tingin mo ba ay uwi ito ng isang matinong babae? At sino iyong naghatid sa ‘yo?” Mariin ang boses ni Mommy at nang lingunin ko siya ay nakita kong nakahalukipkip siya.

Kung normal na araw lang iyon ay baka nanghingi na ako ng tawad kay Mommy. Kung normal na araw lang iyon ay baka nanginig na ako sa kaba at nag-iiiyak. Kung normal na araw iyon ay baka ipinaliwanag ko na ang lahat kay Mommy.

Pero hindi.

Tinalikuran ko si Mommy at nagdire-diretso ako papasok sa bahay namin.

“Beatrix, kinakausap kita! Bakit hindi mo ako sinasagot?!”

“Mom...” Bumuntong-hininga ako. “Can we please talk about this tomorrow? I’m exhausted.”

“Anong tomorrow? We’ll talk about this now!”

Humarap ako kay Mommy. “Mommy—”

“Anong pumasok sa kokote mo, Beatrix? Tinuruan ba kita ng ganyan? Bakit ka umalis ng bahay nang walang paalam?!”

“Mom—”

“At mas lalong hindi kita tinuruang magsinungaling! Nag-release na pala ng report cards, hindi mo pa sinasabi sa akin! Kung hindi ko tinawagan ang adviser mo, ay hindi ko pa malalaman ang totoo! Tinatago mo pa ito sa kwarto mo!”

Halos isapak niya sa akin ang report card ko.

“At akala mo ba ay hindi ko malalaman? You’re second honor! Again! Anong nangyayari sa ‘yo?!”

Sinubukan kong mag-sorry. “Mommy... sorry.”

“At ito!” Marahas niyang itinuro ang isang flower vase na nakalagay sa coffee table.

Nanlaki ang mga mata ko. Iyon ang mga bulaklak na laging ibinibigay sa akin ni Enrick. Hinalughog ba ni Mommy ang kwarto ko?

“Kanino galing ang mga bulaklak na iyan? Mga bulaklak na itinatago mo sa kwarto mo! May manliligaw ka? And you didn’t even tell me! Kaya ka siguro hindi naging first honor, dahil pag-ibig ang inaatupag mo! Sinabi ko naman sa ‘yo na walang mangyayari kung puro pag-ibig ang aatupagin mo! Ang sabi ko sa ‘yo ay mag-aral ka muna! Mag-aral nang mabuti!”

“Mommy, nag-aaral po akong mabuti.”

“At ngayon! Nakikita mo naman na siguro kung ano-ano ang pinaggagawa mo?! First, you lied to me about your suitor and your report card, now, you left the house without my consent! At hinatid ka pa ng isang lalaki! Who’s that?”

“S-Si Enrick po.”

“Enrick?! The first honor? Bakit ka niya hinatid? Iyon ba ang manliligaw mo? Beatrix naman!”

“Mommy, tama na po... please.”

“Anong tama na?! Kaya ka nagkakaganyan ay dahil hindi ka nakikinig sa akin!”

Hindi nakikinig?

Parang napigtas ang pinaka-iingatan kong pasensya. Parang nabasag ang iniingatan kong respeto para sa isang tao. Parang nawalan ako ng kontrol sa sarili ko dahil sa narinig.

Nangilid ang mga luha ko at bumaha ang mga alaala sa aking isipan.

“Hindi nakikinig?” Kinunot ko ang noo ko. “Mommy, nakikinig ako sa inyo... palagi ko kayong pinakikinggan. Noong mga panahong gusto ko namang maglibang nang kahit sandali, pero ang sabi n’yo ay mag-aral muna ako, pinakinggan ko po kayo. Iyong mga bilin n’yo na mag-aral akong mabuti, dapat gawin ko ang best ko, dapat sumunod ako sa curfew ko, pinakinggan at sinunod ko kayo roon.”

Lumandas ang aking mga luha.

“Pero hindi n’yo iyon nakita. Ang lagi n’yo lang nakikita ay ang mga bilin ninyo na hindi ko sinunod. Nakikita n’yo lang ang mga pagkakamali ko.”

“Sinusumbatan mo ba ako?” Tumaas ang boses niya.

Umiling ako. Hindi ko nakita nang maayos ang ekspresyon ni Mommy. Dahil nanlabo ang paningin ko sa mga luha.

“Gusto ko kayong mapasaya. Pero ako? Ni minsan tinanong n’yo ba ako kung masaya ako sa pag-aaral ko? Kasi sa totoo lang po, hindi! Sobra na akong nape-pressure. Minsan nga, gusto ko nang tumigil nang kahit isang sandali lang... pero hindi ko kayang gawin... kasi baka bumaba ang grades ko at magalit kayo. Hindi ko man inaamin sa sarili ko, pero sa totoo lang po, sawa na akong mag-aral nang mag-aral... mahirap din naman kasi...”

Pinalis ko ang aking mga luha. Nakita kong nakatingin sa akin si Mommy gamit ang ekspresyong hindi ko pa nakita mula sa kanya kahit kailan.

“Pero hindi n’yo iyon alam kasi hindi ko sinasabi. Hindi n’yo alam kung gaano ako nahihirapang magkabisa ng mga aralin at mga reports. Kaya wala kayong karapatang sabihin sa akin that I didn’t did my best, because I did!”

Tinitigan lamang ako ni Mommy. Hindi niya pinutol ang mga salita ko.

“At sorry po kung nagsinungaling ako... ayaw ko lang naman pong mapagalitan n’yo. Sorry kung tinago ko ang mga bulaklak. It’s true, si Enrick ang manliligaw ko. And he’s my boyfriend now. I hope you’ll understand. All my life, sinunod ko kayo. But now, gusto ko naman pong maranasan kung paano sundin ang puso ko.”

Niyakap ko si Mommy kahit na hindi pa rin siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil gulat siya sa mga sinabi ko.

I love my Mom. I know that she really cares for me. Siguro ay gano’n lang talaga ang paraan niya.

Iyon ang unang pagkakataon na nagsalita ako nang gano’n kay Mommy. Ang unang pagkakataon na inamin ko ang totoo kong nararamdaman. Unang pagkakataon na nasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. And I didn’t regret it.

Matapos ang aming argumento ay nanatili pa rin kaming kaswal ni Mommy sa isa’t isa. Wala rin siyang binabanggit sa akin tungkol sa grades ko. Basta noong nakaraang araw ay inabot sa akin ni Daddy ang report card ko at niyakap ako, saying how proud he was for me. Nakita ko ring nakapirma na roon sa card si Mommy.

Sa isang mamahaling resort kami nag-Christmas. Ang sabi ni Daddy ay iyon raw ang pambawi niya sa amin ni Ryle para sa mga oras na wala siya. Masaya rin niyang sinabi na dahil tapos na ang proyekto nila sa kompanya ay hindi na siya magiging busy sa trabaho at mas mapapadalas na siya sa bahay.

It was December twenty-six nang sinabi ni Enrick na gusto na raw niya akong isama sa kanila. He invited me for a dinner in their house.

Alam kong hindi papayag si Mommy. But still, I tried to ask for her permission.

“A dinner with his family?” Iyon agad ang sinabi niya nang tanungin ko siya kung papayagan niya ba akong sumama kay Enrick sa dinner na iyon.

“Opo. Sana.”

Akala ko ay hindi siya papayag pero tumango siya at, “Sige. Just make sure that you’ll be here before ten. Ako na lang rin ang magpapaliwanag ng tungkol sa inyo ni Enrick sa Daddy mo.”

Sa tuwa ko ay napatalon ako. “Thank you po!”

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon