Yugto 17

192 9 0
                                        

Yugto 17: Chem Lab

"Trap? What are you talking about?" nalilito kong tanong kay Enrick.

"Iyang upuan na iyan ang nagsisilbing harang para hindi tuluyang maisara ang pinto na ito. Dahil kapag naisarado na ang pinto, hindi na mabubuksan. It can only be opened from the outside."

Nalaglag ang panga ko. "That's impossible!" Tumakbo ako papunta sa pintuan. Sinubukan ko iyong buksan pero ayaw mabuksan.

Hindi pwede.

Hinila ko ulit ang door handle gamit ang buong lakas ko pero walang nangyari.

"Enrick!" Nilingon ko si Enrick. "Tulungan mo ako!"

Umiling siya. "You're just wasting your time. It can only be opened from the outside."

Naglakad siya patungo sa isang sulok at naupo na lang sa sahig.

"Edi humingi tayo ng tulong." Kinuha ko ang cellphone ko. "We can call our classmates or our friends."

And I almost forgot, wala naman akong number ng mga kaklase ko, at mas lalong wala akong matatawagan na kaibigan. Ala namang tawagan ko si Courtney, nasa ibang school ang isang iyon.

'Tapos ay tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text. It was from customer service, informing me that my load was already expired.

Oh, wow. Just wow.

"Wala na akong load." Feeling ko ay maiiyak ako noong sinabi ko iyon kay Enrick.

"Wala na rin akong load." Nagkibit-balikat siya.

"Anong gagawin natin ngayon?"

I was so frustrated while he was so calm.

"Wait for some utility worker or teacher to arrive and open this lab."

"Ano?! Ang tagal pa noon!"

"Walang matagal sa taong totoong naghihintay, always remember that."

Suminghap ako at umirap sa kawalan.

"Tulong! Please! If anyone could hear me! Help! Na-lock kami rito sa chem lab!" sigaw ko sa hangin.

"There's no point in screaming, kahit anong sigaw mo diyan, walang makakarinig sa 'yo."

"Paano mo naman nasabi?" Galit kong binalingan si Enrick.

"Nasa fifth floor tayo, and besides, puro abandonadong silid ang nasa building na ito."

"Sino ba kasing nakaisip na rito itayo ang chemistry lab?" Inis kong sinipa ang pintuan.

"Sino rin ba kasing nakaisip na tanggalin iyong nakaharang na upuan?" he fired back at me.

Ngumuso ako. Okay. I admit it. It's my fault.

Bumuntong-hininga ako at naupo na rin sa sahig, katulad ni Enrick. Pero sinigurado kong mga dalawang metro ang layo namin sa isa't isa. Baka kasi makapanakit lang ako kapag magkatabi kami.

"Bakit kasi walang nakalagay na sign, na bawal tanggalin iyong upuan na iyon?"

"There was a sign. Hindi mo lang binasa."

Niyakap ko ang binti ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. I was stuck with my mortal enemy. And it's my own fault.

"Pinopormahan ka ba ni Harold?" biglang tanong ni Enrick.

"Ano naman ngayon kung pinopormahan niya nga ako?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Nakita kong umigting ang panga niya at may kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata niya. Ilang sandali pa siyang walang kibo.

Sumandal ako sa pader. "You know what? Wala ka na dapat pakialam doon."

"Bakit naman?"

"Because..." Huminto ako at nag-isip ng idudugtong. But I'm out of words. "Basta!"

Nagulat ako nang tumayo siya at umupo sa tabi ko. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha namin ay halos magtama na ang aming ilong. Kumalabog ang puso ko lalo pa nang naamoy ko ang bango niya.

Kinuha ko ang natitira kong lakas at sinampal ko siya.

Napahawak siya sa pisngi niya. "What was that for?"

"That's for all the time that you've done that move!"

"What move?"

"That move! Kapag inilalapit mo iyong mukha mo sa akin!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Ilang sandali pa siyang nagkunot ng noo bago napalitan ng isang nakakalokong ngisi ang kanyang ekspresyon. "Don't tell me that you didn't like the feeling when I do that to you."

Nalaglag ang panga ko. Talagang may pagka-siraulo si Enrick.

"Ang kapal mo!" Umusog ako palayo sa kanya. Dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"I know you like it," wika ni Enrick at tinakpan ko naman ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

We stayed at the chem lab for about twenty minutes or more. Nakalabas lang kami dahil sa tulong ng isang school janitor, na naka-assign na maglinis sa chem lab sa mga oras na iyon.

Hanggang sa dumating ang araw ng Huwebes at nag-anunsyo ang aming teacher na sa September 19 at 20 na ang Intrams.

Nandito sa gymnasium ang buo naming section. Dahil kami ang nai-assign sa pagde-decorate ng buong gym para sa nalalapit na Intrams.

Binuksan ng kaklase ko ang gallon ng pinturang cream. Kumuha naman ako ng paint roller at isang tray. Gano'n din ang ginawa ng mga kasama ko. Inuna muna naming lagyan ng pintura iyong buong pader sa stage. Nagre-repaint kasi kami.

Sa ilang minutong pagpipintura ko roon ay masaya ako dahil hindi ako nagkaroon ng pintura sa katawan o sa damit. Pero naiinis ako sa tuwing masusulyapan ko sina Enrick at Janine na magkasama. Hinati kasi ang section namin sa mga groups at sina Enrick at Janine ay nasa iisang group na para sa paglilinis ng bleachers.

Habang nagpipintura ay patuloy akong nagnakaw ng sulyap kay Enrick. Nandoon siya sa mga bleachers at ilan sa mga kaklase namin ay kasama rin niya.

He looked out of place. Feeling ko, pang-photoshoot sa isang magazine ang itsura niya.

Mayamaya pa ay lumapit ulit si Janine kay Enrick. May sinabi siyang kung ano, pero hindi ko narinig dahil malayo ako sa kanila. Tahimik lamang na nagpunas si Enrick doon at mukhang hindi siya nakinig sa anumang sinabi ni Janine. Pero si Janine ay parang linta na todo pa rin ang dikit.

'Tapos nakita kong lumapit si Dana kay Enrick. Tatlo na sila nina Janine doon. Seriously? Hanggang roon ba naman ay nakarating pa si Dana? We were section A, meanwhile Dana was from section B.

May sinabi rin si Dana kay Enrick at sa pagkakataong iyon ay nilingon ni Enrick si Dana. Mayamaya pa ay mayroong babaeng dumaan sa gawi nila at nabunggo nito si Dana. Mabubuwal na sana si Dana kaya lang ay naalalayan siya ni Enrick, kaya hindi natuloy ang sana ay paglagapak ng mukha niya sa lupa.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon