Yugto 11

134 8 0
                                    

Yugto 11: Kissing Scene

Kinailangan kong mag-isip ng paraan para mapabagsak si Enrick habang maaga pa. At ang pinsan kong si Courtney ang alam kong makakatulong sa akin.

Pumunta ako sa cafeteria at umupo sa isang table. Mayamaya pa ay dumating na si Courtney. Pinagtinginan agad siya ng mga tao, dahil bukod sa iba ang kanyang uniform ay maganda talaga siya.

Umupo siya sa harap ko at agad akong niyakap nang mahigpit. “I miss you, Trix!” gigil niyang sabi.

Ngumisi lang ako sa kanya at kumalas na sa yakap.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, ikinwento ko na kaagad kay Courtney ang tungkol kay Enrick. Simula sa mga contests na ikinatalo ko dahil sa kanya, hanggang sa puntong naging majorly grounded ako. At syempre, sinabi ko rin kay Courtney ang plano ko para mapabagsak si Enrick.

“No.” Agad na umiling si Courtney matapos kong sabihin kung ano ang plano ko. “Hindi ko kayang gawin iyon.”

“Bakit hindi? Kaya mong pakibagayan ang kahit sinong lalaki and don’t tell me that Enrick is an exception!” Tumaas ng boses ko.

Ang plano ko kasi ay makikipag-date si Courtney kay Enrick. Kailangan ni Enrick na ma-in love kay Courtney para ma-distract siya sa mga studies niya at ako ang maging first honor. At kapag masyado nang hulog na hulog si Enrick ay iiwanan siya ni Courtney para mawasak ang puso niya.

I knew my plan was cruel. But that’s the only thing that I could think of. Desperate times call for desperate measures. And besides, alam kong gagana iyon dahil magaling magpaibig ng lalaki si Courtney. Kung playboy si Enrick ay may pagka-playgirl din naman si Courtney kaya pwede silang dalawa.

“Sorry, Trix. Mahal na mahal kita, alam mo iyan. Pero hindi ko lang talaga magagawa iyang naiisip mong plano. Magkahiwalay kami ng school ni Enrick, kaya medyo mahihirapan ako.”

“Courtney... sige na, please?”

“Bakit ako pa kasi ang magpapaibig kay Enrick? Bakit hindi na lang ikaw?” tanong ni Courtney at nagngising-aso sa akin. “Sa tingin ko, mas magagawa mo nang maayos ang plano mong iyan. Mas mapapaibig mo si Enrick kasi schoolmates kayo kaya madali lang. ‘Tapos magand—”

“What? No! No!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Hindi pumayag si Courtney. ‘Tapos ang sabi pa niya ay ako na lang raw ang gumawa ng plano.

Bago umalis si Courtney ay mayroon siya sa aking ibinigay na spare phone. Dahil kakailanganin ko raw iyon. Itago ko na lang raw kay Mommy para hindi iyon magalit. Noong una ay ayaw ko pa ngang tanggapin, pero dahil mapilit siya ay wala na rin akong nagawa.

Kasalukuyan akong nasa comfort room. Pero hindi pa ako natatapos sa pagc-CR nang bigla kong narinig ang malakas na kalabog ng pintuan. Mabilis akong nag-ayos at tumayo na. Lalabas na sana ako ng cubicle kaso ay narinig ko ang boses ng isang babae.

“Please...”

It was a moan.

Hindi ko binuksan ang pintuan ng cubicle, sa halip ay nanatili ako sa loob noon. Kahit na nasa loob ako noon ay narinig ko pa rin ang tunog ng halikan.

Parang may kahalikan ang boses na nagsalita.

“Enrick...” ungol ulit ng pambabaeng boses.

Sinabi ba niyang Enrick? Si Enrick ang kahalikan ng babae?

Dahil sa sobrang kyuryosidad ko ay tumalungko ako at sumilip sa ilalim ng pinto ng cubicle. Nakakita ako ng isang babae na nakahilig sa sink... at si Enrick nga ang kahalikan niya.

Oh, my God. Playboy nga si Enrick.

Then I remember Courtney’s phone. Kinuha ko iyon at agad na ni-video ang pangyayari.

Namukhaan ko iyong babae. Siya iyong isa sa “tatlong babae.” Iyong nagsabi sa akin na pathetic ako.

“Stop it, Dana,” wika ni Enrick sa kalagitnaan ng halikan nila.

“Stop it,” ulit ni Enrick pero panay ang hila sa kanya noong babae. “I said stop!” Kumulog ang boses ni Enrick sa buong comfort room at tumigil sa paghalik ang babae. Itinulak siya ni Enrick.

“Bakit? Ayaw mo ba Enrick?” malanding tanong noong babae.

“I don’t like it,” smpleng sagot ni Enrick at pinunasan niya ang labi niya.

“Why, Enrick? Pwede mo naman sa aking sabihin kung ano ang gusto mo. Gagawin ko.” Hinaplos ng walang hiyang babae ang mukha ni Enrick.

Agad iyong iniwas ni Enrick. “I don’t like it anymore. Itigil na natin ito, Dana.”

“That’s impossible! We’ve shared so many kisses and we even have... we even did it! And then you’re telling me that you don’t like me? That’s impossible, Enrick!”

I couldn’t believe that I heard those words.

“Even if we shared so many kisses, it doesn’t mean that I like you. Hindi basehan ang paghalik para masabi mong mahal mo ang isang babae.”

“Pero, Enrick...”

“Tapos na itong laro natin, Dana.”

“No! Please, no! Payag naman akong maging fling mo lang, ‘di ba? I’m not demanding for more. Huwag naman sana natin itong tapusin.”

“Tapos na, Dana.”

At parang gano’n-gano’n na lang ay umalis si Enrick nang walang paalam. Naiwan doon ang babae na si Dana. Mayamaya pa ay umiyak na siya at humikbi. “But I love you, Enrick. Sana ako na lang ang mahalin mo.”

Hindi ako makapaniwalang nagpakatanga ang babaeng iyon para sa gagong si Enrick. Hindi talaga ako makapaniwala. Alam na nga niyang hindi siya gusto ni Enrick ay umasa pa rin siya? Iniyakan pa rin niya?

She’s crazy.

Can love really do that thing? Turn people into crazy crybabies? I don’t know. Hindi pa naman ako nai-in love. Mas mahalaga ang mag-aral nang mabuti kaysa sa maghanap ng lovelife. Wala kang mararating kung puro pag-ibig ang iisipin mo. Mabubuntis ka lang.

That’s what Mommy said.

Kung ako ang nasa kalagayan ni Dana ay hindi ko iiyakan ang Enrick na iyon. Over my dead and decaying body. Ang selfish kaya ni Enrick. Matapos niyang paglaruan si Dana ay iniwan niya ito nang gano’n-gano’n na lang. He doesn’t deserve Dana’s love or tears.

Dapat kay Enrick ay sinasapak para matauhan. Hindi dapat iniiyakan.

Matapos ang ilang minuto ay nag-walkout si Dana at tumayo na ako. Lumabas ako sa cubicle at agad kong tiningnan ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Courtney. I recorded the whole thing.

I laughed evilly at the back of my mind. Finally, I could bring Enrick down.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon