Yugto 41: Papatunayan Ko
“Really? Wala kang ginagawa sa bahay n’yo?” Tiningnan ko si Enrick na titig na titig sa akin.
“Well, except for thinking about you.” He licked his lower lip.
Pinigilan ko ang sarili kong puso sa pagtibok na naman nang malakas.
“Hindi ka man lang ba nag-aaral? I mean, hindi mo ba pinag-aaralan ang negosyo n’yo?” Nagtaas ako ng kilay. “Gusto mong maging successor ng business n’yo, ‘di ba?”
“Saan mo iyan nalaman?” Nagkunot-noo siya.
“Kay Alec?” Sinagot ko siya nang patanong rin.
“Kay Alec? Sinabi niya iyon sa ‘yo?”
“Yup.”
“Really? Bukod doon, may iba pa ba siyang sinabi sa ‘yo? Tell me.”
“No. You tell me... mahal mo ba talaga ako?” diretsahan kong tanong.
Ilang sandali pa bago siya sumagot. “Mahal na mahal kita.”
Nilabanan ko ang mga titig niya. “Liar.” Umiling ako. “You don’t love me. You’re just fooling me, for your own sake.”
Padabog akong tumayo. Nabigla siya sa ginawa ko. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na. “Wala nang tayo. Tapos na. Break na tayo.”
Mabilis ko siyang tinalikuran. Hindi ko na nakita pa kung ano ang naging ekspresyon niya noong sinabi ko na break na kami. Nagsimula nang manlabo ang paningin ko at bumuhos ang aking mga luha.
Ang sakit pala.
Nagmahal lang naman ako. Hindi ko naman ginusto na maloko. Hindi ko rin ginusto na masaktan. Pero bakit ginawa sa akin ni Enrick iyon?
Akala ko pa naman totoo siya. Akala ko pa naman mahal niya talaga ako. Akala ko siya na talaga. Pero hindi naman pala.
Pinagmukha lang niya akong tanga. Gusto niya lang akong ibilang sa mga babae niya. How cruel.
“Beatrix!”
Nakalabas na ako ng Tous Les Jours nang narinig ko ang boses ni Enrick. Hindi ako lumingon at pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Tumakbo ako palayo hanggang sa nakarating ako sa madilim na bahagi ng kalye.
Akala ko ay natakasan ko na si Enrick, pero hindi pa pala. Naramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likod.
“Beatrix, let’s talk. Bakit ka ba nakikipag-break sa akin? May problema ba?” bulong niya sa akin.
Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag. Gayunpaman, nagpatuloy pa rin ako sa pagtulak sa kanya. “Tama na nga, Enrick! Pwede ba?! Break na nga tayo!”
“No. I love you. I love you. We can’t break up.”
Parang dinudurog ang puso ko nang narinig ko iyon mula sa kanya.
“I love you,” napapaos niyang sabi.
Tinulak ko siya nang malakas at nagtagumpay na ako. Naitulak ko siya palayo sa akin.
“Liar!” sigaw ko. “Huwag mo akong sasabihan na mahal mo ako dahil ang totoo, niloloko mo lang ako!”
“Beatrix, kung ano man ang sinabi sa ‘yo ng pinsan kong si Alec, huwag mo siyang paniwalaan.”
“At sinong paniniwalaan ko? Ikaw, huh?!”
“Beatrix, baby, please...” Hinapit niya ang braso ko pero tinulak ko siya.
“Tama na, pwede?! Kasi mula ngayon ay kahit anong panloloko mo, hindi na kita paniniwalaan! Hinding-hindi mo na mabibilog ang ulo ko, Enrick! Tandaan mo iyan!”
“Hindi kita niloloko, Beatrix. I would never do that to you...”
Nakaramdam ako ng galit at pagsisisi.
Galit na hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil nagpaloko at nagpakatanga ako. At pagsisisi. Na sana pala ay nakinig ako kay Mommy.
Inipon ko ang natitira kong lakas at pinalipad ko ang palad ko sa kanyang pisngi. Tumagilid nang bahagya ang kanyang ulo dahil sa lakas ng sampal ko.
“I hate you,” sabi ko sa kanya. “Nagtiwala ako sa ‘yo, eh. Akala ko noong una, mahal mo talaga ako... pero hindi pala. You’re just fooling me... you’re just fooling me so you could be the first honor!”
“No... no. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Beatrix, I love you. Believe me, please.”
Hinila niya ako palapit sa kanya pero hindi ako nagpadala.
“Please, Beatrix.”
Umiling ako. Patuloy na bumuhos ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang hapdi, hindi lang ng aking mata kundi pati ng puso ko.
“Saan mo ba nalaman na niloloko lang kita? Hinding-hindi ko iyon magagawa sa ‘yo...”
Umiling ulit ako sa kanya at marahas kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi.
“You want to be the successor of De Vera Lands, right? Tulad ng sabi ni Alec, kailangan mong magawa ang mga requirements at kasama roon ang pagiging first honor! Gi-ni-rlfriend mo ako para ma-distract ako sa pag-aaral ko, at para ikaw ang maging first honor! I hate you!”
“No. I love you, I would never do that to you—”
“Shut up!”
Gano’n ba talaga ang mga sinungaling? Buking na nga sila, ayaw pa ring umamin.
“I hate you!”
“Beatrix... don’t hate me. Please, we’ll fix this.”
“Fix this mong mukha mo! Tama na nga!”
“Please, we’ll fix this. We’ll make this right. I’m not fooling you—”
“Tama na sabi, eh! Pinapahaba mo lang ang usapan! Ang sabi ko, I hate you! Break na tayo! Mahirap ba iyong intindihin?!”
I should have listened to my Mom. Sana hindi ako nag-boyfriend. Sana nag-aral na lang ako nang mabuti. Sana first honor pa rin ako. Sana hindi ako nagpauto kay Enrick.
“Please don’t hate me. Ano bang pwede kong gawin para maniwala ka sa akin na hindi kita niloloko? Ano bang pwede kong gawin para maniwala ka na mahal kita? Ano bang pwede kong gawin, baby?”
“Wala ka nang magagawa dahil kahit kailan ay hindi na ako maniniwala sa ‘yo.”
“No, no, no. That’s impossible... baby... that’s very impossible. You can’t be like this.” Niyakap niya ako mula sa likod.
Pumikit ako nang mariin. “Tama na Enrick... tapos na ito... tapos na tayo.”
“Hindi pwede. Hindi pwede.” Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Pero mabilis ko iyong kinalas.
“Beatrix...” tawag niya.
Umiling ako sa kanya.
“I didn’t fool you. Hindi kita niloko para lang maging first honor ako. You’re more important to me. My grades are nothing if you’re not with me.”
Paulit-ulit akong umiling. Pakiramdam ko, kahit anong sabihin niya ay hindi na ako maniniwala. Ni hindi nga niya sinabi sa akin na nag-usap sila ni Janine last week. Iyon pa kayang panloloko niya, aaminin niya?
“Papatunayan ko iyan sa ‘yo.”
Iyon ang huling sinabi ni Enrick bago ko siya tuluyang tinalikuran at iniwan doon.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Fiksi RemajaBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
