Yugto 6

152 15 0
                                    

Yugto 6: Akala Ko Lang Pala

Titig na titig pa rin sa akin si Enrick.

Ngunit tinulak ko siya at hinawi ko ang kamay niya sa aking pisngi. Dali-dali akong tumakbo palayo sa waiting shed at palabas sa main entrance ng school. Sumakay agad ako sa aming sasakyan at hindi na siya nilingon pa.

Pag-uwi ko sa bahay ay nangyari nga ang inasahan ko, kinumpiska ni Mommy ang lahat ng gadgets ko. Maging si Daddy ay nalungkot din sa pagkatalo ko sa Math Elimination. But I promised them na gagawin ko na talaga ang best ko para maungusan ko na si Enrick. And Mommy felt relieved about that.

"Beatrix!"

Nilingon ko si Janine na nasa kalagitnaan ng corridors at kumakaway sa akin. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay agad niya akong niyugyog sa balikat.

"Beatrix!"

Napatingin sa amin ang ibang mga estudyante na pauwi na para sa hapong iyon dahil sa lakas ng boses niya. Basag kasi ang boses niya kapag sumisigaw siya at ang sakit sa tainga noon.

"Bakit?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin, iyong ngiting pang-commercial ng isang toothpaste brand. "Uuwi ka na ba?"

Kumunot ang noo ko. "Oo."

"Huh? Bakit naman? Samahan mo muna ako!" aniya at ikinawit ang kanyang braso sa akin. Ang taas-taas ng energy niya.

"Ayoko," sabi ko at sinubukan kong lumayo sa kanya pero mas lalo pa siyang dumikit.

"Sige na!"

Hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin at nagpatianod na lang ako sa paghila niya. Pumunta kami sa gymnasium. Puno roon ng tao at napakaraming hiyaw ang narinig ko. Narinig ko rin ang kaluskos ng mga sapatos.

"Magkakaroon ng game?" tanong ko kay Janine na naghahanap na ng bleachers na mauupuan.

"Oo! Grade twelve versus mga grade eleven!"

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung anong klase ng game ang magaganap dahil obvious naman. Mayroong ring at may mga jersey at bola akong nakita. Basketball ang laro.

Hinila ako ni Janine sa grupo ng mga babae na nakaupo sa bleachers. Nagulat ako nang nakita ko kung sino-sino ang mga nandoon. Si Hannah, na halatang may crush kay Enrick dahil todo kung maka-flirt sa classroom. Si May na kaklase ko. At iyong isa sa tatlong babae.

Iyong isa sa "tatlong babae" sa CR na nagsabi sa akin ng pathetic. Na ginagawa ko raw ang lahat para lang mapansin ni Enrick.

Hindi naman na ako nagreklamo pa. And besides, hindi dapat ako magtagal doon dahil mapapagalitan ako ni Mommy kapag hindi ako agad nakauwi sa bahay. Mayroon akong curfew.

Mayamaya pa ay nagsimula na ang game at inilabas nina Hannah at noong babae ang mga banner nila. Nagulat ako roon. Parang handang-handa sila. Samantalang ako naman ay walang kaalam-alam na may game pala.

Hindi naman din kasi ako mahilig manood. Noon lang sigurong grade eight kaming dalawa ni Courtney, pinapanood namin ang basketball game ng pinsan naming si Travis na grade eleven noong mga panahong iyon.

"Go, Falcons!" Nagsitayuan ang mga babaeng kasama ko at iwinagayway nila ang banner. Ang ibang mga tao sa gymnasium ay nag-cheer din para sa Falcons at ang iba naman ay para sa kalabang team, ang mga grade eleven.

Ilang segundo pa nilang isinigaw ang katagang "Go, Falcons," bago iyon napalitan ng ibang chant. "Go, de Vera!" Sabay-sabay silang tumili at tumalon pa.

Narinig ko pa ang ibang mga tao sa gymnasium na isinigaw rin ang apelyidong de Vera o hindi kaya ay ang pangalan ni Enrick. Nang ibinaba ko ang aking tingin sa mga naglalaro ay nakita ko nga si Enrick na nakikipag-pasahan ng bola.

Nakasuot siya ng jersey na kulay itim, ang simbolo ng grade twelve Falcons. Sa likod ng kanyang jersey ay nakasulat sa puting mga letra ang kanyang apelyido, "DE VERA." Kumunot ang noo ko nang nakita kung ano ang number niya, "1." Pati sa basketball ay number one siya.

Sa tuwing nakaka-shoot si Enrick ay mas lalong nagiging maingay ang mga tao sa gymnasium. Sina Janine ay mas lalong tumalon at tumili.

"Ang gwapo mo, de Vera!" May narinig akong sumigaw mula sa kung saan.

"I love you, Enrick! Pa-kiss!" sigaw pa ng isa. Hindi na nahiya.

"We love you, Enrick!" Hindi nagpatalo ang grupo sa tabi ko. Lahat sila ay nakatayo habang ako ay nakaupo lang sa gilid nila.

Naka-three points si Enrick kaya naman mas lalo pang umingay ang crowd. Sumulyap si Enrick sa banda namin at bigla akong kinabahan. I got a weird feeling that he was staring at me. Mabilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Biglang ngumisi si Enrick, iyong tipo ng ngisi na nakakaloko. Mayamaya pa ay sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri at mabilisang kumindat sa akin.

Agad akong umirap at nag-iwas ng tingin.

That was not new to me. Kahit naman puro aral lang ang inaatupag ko ay hindi pa rin nawawala ang mga pumoporma at ang mga may gusto sa akin. At alam ko ang ibig sabihin ng pagkindat na iyon.

"OMG! Dios mio! Ah!"

Napatingin ako kay Janine na halos mahimatay na. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit siya sumigaw.

"My God! Nakita n'yo ba iyon?! Kinindatan ako ni Enrick! Kinindatan niya ako!" sigaw niya at kunwaring pinaypayan ang sarili. Kulang na lang ay mag-hyperventilate siya.

"Oh, my gosh! Talaga?" Nakisali naman iyong isa sa "tatlong babae." Nanlaki ang mga mata niya at para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Janine.

"Oo! Kinindatan nga ako ni Enrick!" sigaw ulit ni Janine.

Bago pa ako makagalaw ay nag-sink in na sa akin ang sinabi ni Janine. Akala ko kasi ako ang kinindatan ni Enrick... akala ko lang pala...

Bumaba ang tingin ko kay Enrick na naglalaro na ulit.

I really hate you, Enrick.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon