Yugto 14

123 10 0
                                    

Yugto 14: Cat Fight

Kinaumagahan ay saka pa lang nag-reply sa akin si Enrick.

Enrick:
Ikaw naman ang nauna. You stalked me, took a video of me and Dana, then you posted it. Kaya isipin mo na lang na gumaganti ako sa 'yo.

What the? Iyon lang ang sagot niya sa akin? Gumanti lang siya?

Lumipas ang mga araw at unti-unti kong napansin ang pagbabago ni Janine. Hindi na niya ako nginingitian at kinakausap tungkol sa kung ano-ano. Hindi na siya namamansin at iniirapan pa niya ako.

Isang araw habang naglalakad ako sa corridors at pauwi na ay nakita ko ang paglapit sa akin ng limang babae. Sina Janine, Hannah, May, Dana, at mayroon pang isang babae na hindi ko kilala. Napahinto ako dahil pinaligiran nila ako.

"You bitch!" Umamba si Hannah na sasapakin niya ako, pero pinigilan siya noong isang babae na hindi ko kilala.

"Huwag mo nga akong pigilan, Abby!" singhal ni Hannah roon sa babae na Abby pala ang pangalan.

"You should relax."

"Excuse me," sabi ko. Hindi ako nakapagpatuloy sa paglalakad dahil nakaharang sila sa daanan ko.

"Anong excuse me?" Humalukipkip si May.

"Totoo bang girlfriend ka ni Enrick?" agad na tanong ni Janine sa nanlilisik na mga mata.

Bago pa ako makasagot ay may nagsalita na. "It's true! And I hate it! I hate her!" Tinuro-turo ako ni Hannah.

"Paano ka naging girlfriend ni Enrick?" Ni-head to toe ako noong Abby.

"Inakit mo siya, 'no?! Inagaw mo siya sa akin!" nanggagalaiting sigaw ni Dana at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang palad sa aking pisngi.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil masakit iyon. Bakit niya ako sinampal?

"I'm not his girlfriend," lakas-loob kong sabi.

"Liar! The news is all over the school!" si Hannah at itinulak ako. Napaatras ako nang bahagya dahil doon.

Pinagtinginan kami ng lahat ng estudyante. Pero mukhang wala silang pakialam. Nagbulungan ang iba at ang iba naman ay mukhang gustong umawat.

"That's fake. Hindi ako girlfriend ni Enrick."

"Liar! Liar! Liar!" si Janine at hinatak ang buhok ko. Napatili ako sa sakit noon. Hindi pa sila nakontento dahil pati si Hannah at Dana ay sumabunot na rin sa akin.

"Saksi ako noong sinabi ni Enrick na girlfriend ka niya!" sigaw noong Abby at tumulong na rin sa pananakit sa akin. Si May ay nakatayo lang roon, pero mayamaya pa ay nakisali na rin.

"Tama na! Hindi niya ako girlfriend!" malakas kong sabi, pero hindi sila naniwala sa akin.

"Sinungaling!"

"Inakit mo si Enrick! Napaka-walang hiya mo! Akala ko, kaibigan kita! Alam mo na gusto ko si Enrick, 'di ba? Pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin!" Tumaginting ang boses ni Janine.

"Hindi ko siya inagaw sa 'yo. Hindi niya ako g-girlfriend." Humina ang boses ko nang sinabi ko iyon.

Sumakit ang anit ko dahil sa pagsabunot nila sa buhok ko. Hindi ko sila kayang labanan dahil ayaw kong masaktan sila.

Just when I thought that I'm going to be a dead meat, I heard a shout from somewhere. "Tigilan n'yo iyan!"

At tumigil sila sa pagsabunot sa akin. Naramdaman kong may kamay na humitak sa akin. At parang gano'n-gano'n na lang ay napalayo ako mula sa mga babae.

"How dare you?!" sigaw ni Dana sa lalaki na humitak sa akin.

"Tama na, Dana! Tumigil na kayo! Pwede ko kayong isumbong sa guidance counselor kapag inulit n'yo pa ito!" pagbabanta ng lalaki. "Ano pang hinihintay ninyo? Alis na! Stay away from her!"

"Hindi pa tayo tapos, Beatrix! Hangga't hindi kayo naghihiwalay ni Enrick ay hindi ka namin titigilan!" naghi-hysterical na sigaw ni Hannah.

"Hindi pupwedeng magkaroon ng girlfriend si Enrick! Unless she's one of us!" dagdag naman ni Dana.

Tama nga ang sinabi ni Enrick. Naging miserable ako dahil ang alam ng mga tao ay girlfriend niya ako.

Matatalim na tingin ang ipinukol nilang lima sa akin bago sila tuluyang umalis. Pati ang mga nanonood na estudyante ay nag-alisan na rin dahil wala na silang mapapanood, tapos na.

Binalingan ko kung sino ang lalaking nagligtas sa akin. "Thank you," sabi ko.

"Walang anuman," sagot noong lalaki. Huli na nang napagtanto ko kung sino siya. "I'm Harold," aniya at naglahad ng kamay sa akin.

He's Harold dela Rosa. At isa siya sa pitong kaibigan ni Enrick.

Tinanggap ko ang kamay niya. I gave him a friendly smile. Kung hindi dahil sa kanya, malamang ay nakalbo ako.

Umuwi agad ako sa bahay matapos ang insidenteng iyon. Iyon ang first time na mayroong tumrato sa akin nang gano'n.

At dahil iyon sa mokong na si Enrick. Kung hindi lang niya ipinakalat ang fake news na girlfriend niya ako, edi sana hindi iyon nangyari. Sana hindi ako sinugod ng mga babae niya. Nakakainis. Ginulo na nga niya ang genius status ko, pati ba naman ang buhay ko, isinama pa niya.

"Wow, Enrick! Ang galing mo talaga!"

Iyon ang bati sa kanya ng mga kaklase ko sa sumunod na araw sa school. Nagkaroon kami ng short quiz sa isang subject and Enrick still nailed it.

Mayamaya pa ay lumapit sa akin ang isa kong classmate na hindi ko matandaan kung ano ang pangalan. "Beatrix, bakit hindi na ikaw ang laging nagfi-first?"

Natigil ako sa ilang sandali. What does that mean? Nang-iinsulto ba siya? At kung hindi na nga ako ang first, ano naman ang pakialam niya?

Nagkibit-balikat ako at nakuha ko pang ngumiti nang peke. "Hindi naman mahalaga sa akin kung first ako o hindi."

Hindi iyon totoo pero sinabi ko pa rin. Para palabasin na wala lang, na kunwari okay pa ako, na ayos lang kahit hindi ako ang first. Kahit ang totoo ay hindi.

Nang nag-lunchtime ay nagpunta ako sa cafeteria. Pumila ako para bumili ng lunch. Pero habang nakatayo ako roon ay nakita ko na papalapit sa akin ang grupo nina Janine, Hannah, Dana, May, at Abby. Hindi ko alam na may squad na pala silang nabuo.

Anong pangalan ng grupo nila? Enrick Lovers? Enrick's Slaves? Mga Babae ng Siraulong si Enrick?

Nang tuluyan na silang nakalapit ay sinadya akong bungguin ni Janine. Napausog ako nang kaunti dahil doon. Pagkatapos ay maarte nilang hinawi ang kanilang buhok at tiningnan ako nang masama. At saka pa lang sila umalis.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon