Yugto 40: Tous Les Jours
Umiling-iling si Janine.
“Beatrix, look, napakaraming babae ang pupwedeng ligawan ni Enrick. There’s Hannah, Shirley, Mica, May, Yna, Leila, Dana, and me! Pero wala siyang pinili sa amin. Ikaw ang pinili niya! Hindi ka nagtaka kung bakit?”
Those are bullshits. Hindi ko alam kung bakit pa ako nakinig sa kanya. Gusto kong tumayo. Gusto ko siyang talikuran at huwag pakinggan. Pero nanatili ako roon.
“Ikaw ang pinili niya dahil gusto ka niyang i-distract sa pag-aaral mo at para siya ang maging first honor!”
“Kahit hindi ako lokohin at i-distract ni Enrick sa pag-aaral ko ay magiging first honor pa rin siya. Because he’s intelligent and dedicated! Kaya pointless iyang pinagsasasabi mo!”
“Well, yes. That’s the bonus part. Matalino siya. Kaya na niyang maging first honor dahil doon. Pero gusto niyang makasiguro na hinding-hindi ka na makakahabol. So he made you fall. At syempre, habang umiibig ka nga naman sa kanya ay hindi mo na maiisip pa ang grades mo. He’ll go up while you go down... You see, he’s so mautak, ‘di ba?”
“Saan mo naman nakuha lahat ng pinagsasabi mo? For sure you just made that story up,” I fired.
“Last week, nag-usap kami ni Enrick. Kaya hindi gawa-gawa ang sinasabi ko sa ‘yo. Dahil it came straight from Enrick’s mouth. He told me kung paano ka niya napaibig nang walang kahirap-hirap. He told me na wala nang sagabal sa daan niya patungo sa pagiging valedictorian, dahil tuluyan ka nang nabobo sa pagmamahal mo sa kanya.”
Umiling ako nang may matibay na paninindigan. “No. That’s not true. You can’t fool me. I’m wiser than you think.”
“You’re not wise enough dahil nahulog ka sa patibong ni Enrick. Isipin mo na lang kung ano ang gagawin niya sa ‘yo kapag naging valedictorian na siya at kapag natapos na siyang paasahin at paikutin ka. He’ll broke you.”
Lumunok ako kahit ang hirap-hirap dahil sa sitwasyon ko.
Iniwan ako ni Janine na nakatulala roon. Mayamaya pa ay dumating ang pinsan ko na may hawak na tray.
“Who the hell was that?” eksaheradang tanong sa akin ni Courtney habang nilalapag sa aming table ang in-order niyang mga pagkain.
Nanatili akong nakatitig sa kawalan. Para ba akong nag-ugat sa posisyon ko. Sariwang-sariwa pa rin sa akin ang lahat ng sinabi ni Janine.
“Inaway ka ba noon? Hindi ko kasi kayo marinig dahil nandoon ako sa counter. Pero bigla na lang siyang tumabi sa ‘yo at nang nagtagal-tagal ay pinagtinginan na kayo ng mga tao.”
Pinagtinginan na pala kami ng mga tao. Pero hindi ko pa alam dahil nakatuon lang ang atensyon ko kay Janine.
“Hoy, Beatrix! Ano ba? Kanina pa ako dada nang dada rito! Bakit ba para kang nakakita ng multo?” Iwinagayway ni Courtney ang kamay niya sa mukha ko. Nakakunot ang noo niya sa akin. Naupo siya sa upuang inupuan ni Janine. “Ano? What did that creepy girl told you? Who is she?”
“She’s Janine Alvarez. Classmate ko,” sabi ko at dumampot ng cheese fries. Pinilit ko iyong lununin pero parang may bara sa lalamunan ko.
“And? Classmate mo, pero bakit parang magkaaway kayo noong nag-uusap kayo kanina?”
Suminghap ako. “Sinabi niya sa akin na... na n-niloloko lang raw ako ni Enrick. Tumabi siya sa akin para sabihin iyon. She said na nakausap niya raw si Enrick last week at sinabi sa kanya ni Enrick na niloloko lang ako nito. Ang sabi niya, gi-ni-rlfriend lang raw ako ni Enrick para maging first honor ito. ‘Tapos kapag naging valedictorian na si Enrick ay iiwan na niya ako.”
“What? She said that? Maybe she’s just insecure! Baka naman sinisiraan lang niya si Enrick sa ‘yo.”
Hati ang puso ko sa kung ano ang gagawin ko. Maniniwala ba ako kay Janine o hindi?
Dapat akong magtiwala kay Enrick. Pero paano kung napagtagni-tagni ko na ang mga bagay-bagay? Lahat ng sinabi ni Janine at Alec sa akin, it all made sense.
Ayon kay Alec, gusto ni Enrick na maging successor, at bago iyon mangyari ay kailangan niya munang magawa ang mga requirements. At kabilang sa mga requirements na iyon ay ang pagiging first honor. Ayon naman kay Janine, Enrick was just fooling me so he could be the first honor.
Magkakonekta iyong sinabi nila.
Sa dinami-rami ng mga babaeng nagkandarapa kay Enrick, bakit ako ang niligawan? Bakit nga ba hindi ko naisip? Na baka planado na ang lahat ng iyon. Na ako ang pinili niya dahil sagabal ako sa pagiging first niya. Na ako ang gi-ni-rlfriend niya dahil kapag hulog na hulog na ako sa kanya ay makakasiguro siyang hindi ko na mahahadlangan ang pagnanais niyang maging first honor.
Hindi ko nakain ang mga pagkain na in-order ni Courtney. Hindi ko kaya. Pati ang pagkain ni Courtney ay hindi na niya naubos dahil nagpasya na siyang ihatid ako pauwi.
Ako:
Let’s meet at Tous Les Jours.
Hindi ako nagdalawang-isip na i-text si Enrick pagkarating ko sa bahay. Mabilis akong pumanhik patungo sa kwarto ko.
Agaran ang reply ni Enrick na para bang inabangan niya talaga ang text ko.
Enrick:
Why? Tatawag ako.
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. “Why? Tatawag ako.” Those were just simple words pero ang laki na ng epekto sa akin. He was so... caring and thoughtful.
Pero hindi.
Ako:
Huwag na. Just meet me there. Eight pm.
Hindi na siya nag-reply matapos iyon. Pagdating ng ala-siete ay nag-dinner ako kasama ang buong pamilya. Wala akong imik.
Isang itim na dress at white wedge ang isinuot ko. At nagpahatid ako sa driver namin sa Tous Les Jours.
“Hintayin n’yo na po ako dahil hindi naman po ako magtatagal,” bilin ko sa driver namin.
“Sige po.”
Mabilis ang lakad ko papasok sa loob ng Tous Les Jours.
Nakita ko kaagad si Enrick na nakaupo sa isang table for two. Sumilay ang ngiti niya at nagtagal din ang titig niya sa akin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko pero hindi ako nagpaapekto at tuluyan nang lumapit sa kanya.
Naupo ako sa upuan sa harapan niya. “Ang aga mo yata,” sarkastiko kong sabi.
“Oo dahil wala rin akong ginagawa sa bahay.”
Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko alam kung bakit hindi niya napansin ang pagka-sarkastiko ng tono ko.
Nanatili akong nakatingin sa mga tao na nasa loob ng lugar. Marami-raming tao. Nagsisisi ako kung bakit doon ko pa naisipang makipagkita kay Enrick. Hindi ko siya masasapak doon dahil maraming tao ang makakakita.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
