Yugto 16: Proper Place
Sa sumunod na araw sa school, ay nagkaroon ng meeting ang Head Teacher ng high school at ipinatawag “na naman” ang mga president at vice president ng bawat section. Kaya magkasama na naman kami ni Enrick sa meeting na iyon.
Mabilis naman na natapos ang meeting na iyon kaso ay may nakasalubong kaming teacher. “Grade twelve students ba kayo?” tanong ng teacher.
“Opo,” sabay naming sabi ni Enrick.
“Sige. Pakidala na lang ito sa chemistry lab,” anang teacher at itinuro sa amin ang isang katerbang libro.
“Sige po,” sagot ni Enrick. Lumapit siya roon sa mga libro.
Akala ko ay kukuha siya ng maraming libro para bitbitin, pero nagkamali ako. Kaunti lang ang kinuha niya at mukhang sinadya niya iyon para ako ang magbuhat noong mas maraming libro.
Kinuha ko na lang ang madaming libro. Kahit mabigat ay kinaya ko namang bitbitin ang mga iyon.
Malayo ang chemistry lab mula sa faculty room. Mukhang mahaba-habang lakaran na naman ang mangyayari kasama ang madaming libro at ang hinayupak na si Enrick. Kung minamalas ka nga naman.
Inis na inis ako habang naglalakad kami. Kaunti lamang ang mga libro na hawak niya kumpara sa libro na mayroon ako. He was so... insensitive. Dapat ay siya ang magdala noong mas maraming libro dahil lalaki siya. At babae ako. Ako dapat ang may mas kaunting dala.
Padabog akong nagmartsa dahil sa inis. Pero napahinto ako noong huminto rin siya. “What?” inis kong tanong.
“Kung nabibigatan ka, ako na lang ang magdadala niyan,” aniya, tinutukoy ang mga librong hawak ko.
“Huwag na! Ang gaan nga nito, eh.” sarkastiko kong sabi at naglakad na, nilagpasan ko siya sa kinatatayuan niya.
Halos mapudpod ang sapatos ko dahil sa padabog kong paglakad. Dahil nasa ground floor pa lang kami ay marami pang corridors ang kailangan naming daanan bago makarating sa chem lab.
“Don’t lie. Alam kong mabigat iyan.” Sumulpot si Enrick sa gilid ko. Tinangka niyang kunin ang mga librong hawak ko, pero inilayo ko iyon.
“Hindi nga ito mabigat.”
“Liar,” aniya at akmang hahawakan na naman ang mga libro na dala ko, pero mas binilisan ko pang maglakad para malagpasan ko siya.
“Ako na lang ang magbubuhat,” he said as he catched up to my pace.
“No. I can do this.”
“You can’t. That’s obviously heavy. Let me...” Sinubukan na naman niyang kunin ang mga libro kong hawak, pero inilihis ko iyon.
“Beatrix... ako na nga...” Hinawakan niya ulit ang mga libro pero inilihis ko ulit iyon.
“I can do this.”
“Just let me help you.”
Halos masamid ako sa sinabi niyang iyon. Help? Wow. Big word. Parang umusok ang tainga at ilong ko dahil doon. He was ridiculous. Bakit niya ako tutulungan? We were rivals, opponents, enemies... or whatever they call it.
Pero bakit parang ako lang iyong nabubwisit sa kanya? Bakit siya, hindi ba siya naiinis sa akin? Bakit gusto pa niya akong tulungan?
“You can’t help me,” madiin ko iyong sinabi sa kanya.
Ipinagkalat nga niya na girlfriend niya ako kahit fake news lamang iyon. At dahil sa fake news na iyon ay sinabunutan ako ng mga babae niya. ‘Tapos... tutulungan niya ako?
“Ako na lang kasi ang magdadala,” aniya at umamba na naman sa pagtulong.
Sa sobrang pagkairita ko ay sinigawan ko siya. “Bakit ba ang kulit mo?!”
“No. I’m not makulit, I’m just trying to help,” sabi niya at nagtangka na naman na kunin ang mga libro sa akin. Marahas kong iniwas sa kanya ang mga iyon, pero hinila niya ulit. Kaya iniwas ko ulit.
“Let me help.” Hinila niya ulit ang mga libro.
“No.” Hinila ko mula sa kanya ang mga iyon. At dahil sa pagkakahila ko ay biglang nahulog ang mga libro. Kumalat iyon sa sahig at napatingin ang isang utility na nagwawalis malapit sa amin.
Nasapo ko na lang ang noo ko. Agad akong tumalungko para isinop ang mga libro. Gano’n din ang ginawa ni Enrick. Kahit na inaayos niya ang mga libro ay titig na titig siya sa akin. Agad na uminit ang pisngi ko dahil doon. Pinulot ko kaagad ang mga libro na nakakalat.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang sabay naming nahawakan ang isang libro. Nagtama ang mga kamay namin at napatingin ako sa kanya.
A playful smile was now plastered on his face.
“Ay, mga pate. Huwag kayo rito. May CCTV, o.”
Halos mapatalon ako dahil sa nagsalita. Nilingon ko ang matandang utility worker na nakaismid sa amin.
“S-Sorry po.” Sigurado ako na singpula ng mansanas ang pagmumukha ko dahil sa kahihiyan.
Agad akong tumayo at pinulot ang natitirang libro sa sahig.
Pagkatapos noong nakakahiyang pangyayari na iyon, sa wakas ay nakapunta na kami sa chemistry laboratory. It was located at the fifth floor, near the abandoned classrooms.
“Saan natin ito ilalagay?” Nilingon ko si Enrick.
“Dito na lang siguro,” sagot niya at tinuro ang isang puting bookshelf.
Nagtungo siya sa bookshelf at inilagay niya roon ang mga dalang libro. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya.
Wala pang tao sa chem lab.
Nang nailagay ko na ang mga libro sa shelf ay mabilis kong tinungo ang pintuan ng chem lab. Iniwan ko si Enrick na may kung ano pang tinitingnan doon sa bookshelf.
Tuluyan na sana akong aalis kaya lang ay may napansin ako sa pintuan ng lab. Mayroong nakaharang na upuan doon. Someone might have misplaced it.
Luminga ako sa buong silid at nakita kong sa isang gilid ay roon nakalagay ang mga upuan. Kinuha ko ang upuan na nakaharang sa pinto, agad na sumarado ang pinto matapos ko iyong gawin. Nagtaka pa ako kung bakit.
“What the hell are you doing?” tanong ni Enrick. Nakakunot ang noo niya habang pinapanood ako na binubuhat ang upuan.
“What? Binabalik ko lang sa tamang lagayan,” paliwanag ko. Tumunog ang tiles nang naitabi ko ang silya sa mga katabi nitong silya.
“Dammit!”
Halos mabingi ako sa sigaw niya. Tumakbo siya papunta sa pintuan ng chem lab. Kumunot naman ang noo ko.
“Damn.” Sinapo niya ang noo niya.
Nagtataka akong nagtanong, “Anong problema mo?”
“Anong ginawa mo?”
“Ako? Anong ginawa ko? What are you talking about?”
Itinuro niya ang silya na itinabi ko. “Bakit tinanggal mo iyong upuan na nakaharang sa pinto?”
“Huh? I was just putting it back to its proper place.”
“Proper place? Jesus!” Hinawakan niya ang door handle. “Dahil sa ginawa mo, na-trap tayo.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
