Yugto 27

115 6 0
                                    

Yugto 27: You’re Jealous

Nagsimula ang pagtugtog ng musika at nang huminto iyon ay mabilis din na kumapit si Hannah kay Enrick para makatapak sila sa maliit na piraso ng newspaper.

Paano nagawa ni Hannah iyon? How could she hold Enrick without hesitation? How could she look at him without any doubt or fright?

Parang pinunit ang puso ko nang nakita ko kung paano hinawakan ni Enrick si Hannah sa baywang. Hannah was about to fall, kaya gano’n ang ginawa ni Enrick. Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko sa nakita nila. Kaliwa’t kanang pang-aasar ang natanggap nina Hannah at Enrick.

“Ayiee! Bagay na bagay!”

“The President and the Muse!”

Pati si May ay nakisali na rin. “Kahit masakit para sa akin, dahil gusto ko rin si Enrick, I can’t deny the fact that they look like a perfect couple,” aniya at ngumiti pa sa akin na para bang kinukumbinsi niya ako.

Ngiting-ngiti naman si Hannah at halatang gusto niya ang nangyari. Hindi ko na tiningnan kung ano ang reaksyon ni Enrick. Baka gusto niya rin ang nangyari. At kung nakangiti man siya ay ayaw ko nang makita.

Hindi ko na nakayanan at tumayo na ako.

“O, saan ka pupunta?” tanong ni May.

“C-Comfort room lang,” I lied.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni May at tumakbo na ako paalis doon.

Parang may punyal na tumusok sa puso ko. Masakit sa pakiramdam. Lumandas ang maiinit na luha sa aking pisngi at nahirapan akong huminga.

Naalala ko kung paano dumampi ang kamay ni Enrick sa baywang ni Hannah. I wonder how Hannah felt when Enrick did that.

I wonder how it would feel if Enrick would do that to me. Maghihiyawan din kaya ang mga kaklase namin kapag nangyari iyon? Sasabihin din kaya nila na “bagay” ang isang Beatrix Soledad at ang isang Enrick de Vera?

Bumuhos pa ang mas maraming luha. Ang sakit.

Parusa ba iyon sa akin dahil hindi ko pinapansin si Enrick noong mga nakaraang araw? Ginawa ko lang naman iyon dahil naniwala ako sa sinabi ni Mom tungkol sa pag-ibig.

“Beatrix...”

Naestatwa ako nang narinig ko ang boses na iyon. Boses ni Enrick.

Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi. Tatakbo na sana ako palayo kaso ay hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

Humarap ako sa kanya. “Ano?” Hindi ko naitago ang pagkairita sa aking boses. “Bakit ka nandito? ‘Di ba, h-hindi pa tapos iyong game?” I tried hard so that I won’t stutter, but I failed.

“Kung hindi pa pala tapos ang game, bakit ka rin umalis?” tanong niya gamit ang malamig na boses.

I couldn’t help but to stare at him. Napakagwapo. And he have that bad boy aura. No wonder every girl in the school liked him.

“I-I need to go...” Naghagilap ako ng maaaring sabihin. “To the comfort room.” Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero hindi ko nagawa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “You should go back there. Hannah’s probably waiting for you. You two can win the game.”

The thought of Hannah and him made me bitter.

Pumiglas ako pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. “Why are you crying?”

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. Naiilang ako. Hindi kumportable ang pakiramdam ko sa tuwing nagiging gano’n siya kalapit sa akin.

“I’m not crying,” sabi ko kahit na mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanan na umiiyak ako.

“Don’t lie, Beatrix. You know you’re not good at it,” sabi niya habang pinupunasan ng kanyang daliri ang aking mga mata para maalis ang mga luha.

“Bumalik ka na roon.” Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko.

“I won’t go back to the game unless you tell me why are you crying.”

Sobrang seryoso ng mga mata niya at hindi ko na siya kayang tingnan.

“This is nothing, you should go back.” Bahagya ko siyang itinulak.

“Beatrix, hindi mo alam kung gaano ako nababaliw sa tuwing nakikita kitang umiiyak nang hindi ko alam ang dahilan.” Once again, he wiped away my tears.

Para na akong mabibingi sa lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya.

“Enrick!”

Napahinto kaming dalawa ni Enrick nang narinig namin ang boses na iyon. Then, I saw Hannah, who materialized in front of us. Nalaglag ang panga niya nang nakita niya ang ayos namin ni Enrick.

Sinubukan kong itulak si Enrick pero dahil sa lakas niya ay hindi ako nagtagumpay. Nanatili siyang gano’n, nakahawak pa rin sa braso ko at nakatitig sa akin. Para bang hindi niya narinig o napansin si Hannah.

“Hannah.” Iyon na lang ang nasabi ko.

Nanatiling gulat ang kanyang ekspresyon at nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Enrick. “Enrick, anong ginagawa mo rito? Hinahanap na tayo ni Ma’am. Last round na iyong game.” Binalewala niya ako.

“Just a minute,” Enrick replied coldly.

“Pero, Enrick—”

Magrereklamo pa sana si Hannah kaya nagsalita na ako. “Sige na, Enrick. Bumalik ka na roon.” Tinulak ko ulit siya pero para bang ayaw niya pang umalis. “Sige na. Bumalik ka na.”

“Enrick, halika na,” si Hannah at walang hiya-hiya niyang hinawakan ang braso ni Enrick at hinila.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para sana makaalis na pero hinawakan ulit ni Enrick ang braso ko. “Beatrix, wait. We need to talk.”

“No, Enrick. You need to go back there. Hannah needs you. The game needs the two of you.” Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso pero ibinalik niya iyon.

Ang kulit.

“Please, Enrick. You need to go,” matapang kong sabi.

“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Feeling ko, naiinis ako at nalulungkot at the same time,” sabi ko habang nakapangalumbaba sa study table ko.

“You’re jealous,” deklara ni Courtney sa harapan ko.

Sabado, at nagdesisyon siya na tumambay sa kwarto ko dahil wala raw siyang magawang matino sa bahay nila. Ikinwento ko naman sa kanya ang nangyari noong nakaraang araw. And that was the conclusion that she came up with.

“Huh?” tanong ko, nalilito.

“Ang inosente mo naman!” Sinimangutan niya ako. “Ang sabi mo ay naiinis at nalulungkot ka kapag nakikita mo si Enrick at Hannah na magkasama. At naiinis ka rin sa mga sinasabi ni May sa ‘yo tungkol sa dalawa. So, logically speaking, nagseselos ka.”

Kumunot ang noo ko. “Imposible iyan.” Humalukipkip pa ako.

“Edi huwag kang maniwala kung ayaw mo.”

I just couldn’t believe it. Ako? Magseselos?

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon