Yugto 1

261 22 2
                                    

Yugto 1: Frappe

Nang nakarating kami sa Foursquare ay ipinakilala ako ni Courtney sa kanyang mga kaibigan at kakilala na nandoon. Hindi ko natandaan ang pangalan nila dahil sa dami. Ang natandaan ko lang ay iyong mga dati naming kaklase noong elementary.

“Hi! I’m Alec.” Naglahad ng kamay ang isang matangkad na lalaki. Tinanggap ko iyon. Ipinakilala niya rin sa akin ang kanyang pinsan. “Beatrix, this is Enrick, my cousin... Enrick, this is Beatrix, my friend’s cousin.”

It took me a while to process what he just said. Akala ko noong una ay hindi totoo. Pero nang nakita ko na si Enrick na nakatayo sa harapan ko at naka-smirk ay parang sumaklob ang langit sa akin.

Lumayo ako at hindi ko tinanggap ang kamay niya. Pero nanatili siyang naka-smirk.

“Courtney, kailangan ko nang umuwi,” bulong ko nang nalapitan ko na si Courtney.

“Huh? Kadarating mo pa lang. At saka hindi ka pa umiinom!”

“Kailangan ko na talagang umuwi,” sabi ko habang nag-iiwas ng tingin kay Enrick at hinihila na si Courtney.

“Bakit ka ba kasi uuwi kaagad?” naiinis na tanong ni Courtney.

“You don’t understand.” Ayaw ko roon. Ayaw kong makasama si Enrick. “Saka na lang ako mag-e-explain, Courtney.”

“I need an explanation now! Why are you acting like a super KJ?” Sinimangutan niya ako habang nilalagok ang isang shot. Ang iba sa mga kasama niya ay abala na sa pagsayaw sa kung saan-saan at ang ilan naman ay nasa couch pa rin, katulad nina Alec at Enrick.

“Isusumbong kita kina Mommy na dinala mo ako sa isang bar kapag hindi mo ako hinatid pauwi,” banta ko kay Courtney dahil siguradong mapapagalitan siya kapag nangyari iyon.

“Fine! Sige na nga. Ihahatid na kita pauwi. Basta huwag kang magsusumbong!” Inirapan niya ako at lumabas na kami mula sa bar. Takot din pala siya.

Nang nakapasok na kami sa kotse niya ay saka lang ako nagtanong. “Kaibigan mo ba iyong Enrick na iyon?”

“Um... nope?”

“Kung gano’n, bakit siya nandoon?”

“Kasi pinsan niya si Alec na kasali sa huge circle of acquaintances ko,” paliwanang niya. “Bakit ba kasi uuwi ka kaagad?”

“Kasi nandoon si Enrick,” simple kong sagot.

“Ano ngayon kung nadoon siya?”

“He’s my classmate! And he’s the first honor!”

“O, ‘tapos?”

“And he’s my mortal enemy!” sabi ko at humalukipkip. Naiinis ako. Naiinis ako sa katotohanang nakita ko ang pagmumukha ni Enrick.

“Bakit enemy ang turing mo sa kanya?”

Dahil sa tanong ni Courtney ay napilitan akong ikwento sa kanya ang buong istorya, kung gaano ko kinabubwisitan si Enrick.

“Ah! Kaya pala! Sa bagay, kung ako man ang may kaklaseng gano’n, ihi-hate ko rin siya.” Ilang beses na tumango si Courtney pagkatapos kong magkwento sa kanya. “Pero in fairness, ang gwapo ni Enrick, ‘di ba?”

“Hindi siya gwapo.”

“Ang gwapo kaya niya, ‘tsaka ang tangkad. ‘Tapos first honor n’yo, edi matalino rin? Perfect!”

Umirap ako sa sinabi ni Courtney.

Whatever. I still hate him.

Lumipas ang dalawang buwan bago dumating ang panibagong pasukan para sa mga estudyanteng katulad ko.

On the last year of being a senior high school, ay hinatid ako ng aming driver sa school namin. Pagkababa ko pa lang sa aming sasakyan ay agad ko nang nakita ang mga schoolmate ko na nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng campus. Ang ibang nakakita sa akin ay nginitian ako, ngumiti rin naman ako pabalik. Ang iba naman ay deadma lang.

Hindi ko talaga alam kung bakit sa hinaba-haba ng existence ko sa mundo ay si Courtney, at si Travis na isa ko pang pinsan, lang ang mga naging ka-close ko. Hindi naman ako masamang tao... pero dahil siguro ay introvert ako, kaya gano’n?

Nagsimula na akong humakbang sa hagdan pataas ng aming building. Lumilipad ang isip ko sa araw na pumunta kami ni Courtney sa bar. Then I remembered Enrick. That guy. I hate him, he’s...

Nagulat ako nang nakita ko si Enrick na pababa ng hagdan, at ako naman ay paakyat. Magkasalubong kami.

Agad kong binilisan ang paghakbang ko at hindi sinasadyang bumangga ako sa kanya. Naramdaman kong may likidong tumapon sa aking uniform.

“What the hell?!” sigaw niya habang nagkukunot-noo.

Ang mga nakakita sa amin ay tumawa at ang iba naman ay nagbulong-bulungan. Napatingin ako sa aking uniform na namantsahan ng frappe ni Enrick. Napanganga ako at hindi ako makapaniwala. Nanadya ba siya?

“Anong ginawa mo?” pahisterya kong tanong at kinuha ang mga libro kong nalaglag sa sahig. “Tinapunan mo ako ng frappe mo!” sigaw ko.

“What? It’s not my fault. Haharang-harang ka kasi, eh.” Nagtaas siya ng kilay at ngumisi.

Napakalagkit ng pakiramdam ko.

“You! You’re a jerk!” Sa nanginginig na kamay ay tinuro ko siya, tinulak, at sinapak nang ilang beses.

“Whoa! Inaano kita?” tanong niya nang tuluyang nakalayo sa akin.

“Look at what you did to my uniform,” sabi ko habang itina-try kong i-pinpoint sa kanya ang nangyari sa aking uniform.

“That’s not my fault.”

“Argh!” Tinalikuran ko na lang siya. Nagmartsa ako patungong locker room. Naiinis ako. Mabuti na lang at mayroon akong dalang pampalit. Agad kong kinuha ang extra uniform ko sa locker at nagtungo sa comfort room.

Nang nakapagbihis na ay tiniklop ko ang aking uniform na namantsahan. Naglagay rin ako ng kaunting perfume para hindi ako mag-amoy frappe.

Nang lumabas ako mula sa cubicle ay may nakita akong tatlong babae na nakaharang sa pinto. Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero pamilyar sa akin ang mga mukha. Baka tiga-ibang section sila. Tatlo sila at ang nasa gitna ang nagsalita.

“Pathetic,” sabi niya habang nagko-cross arms.

Kumunot ang noo ko at luminga sa paligid. Ako ba ang sinabihan niya noon?

“Girls nowadays. Gagawin talaga ang lahat para mapalapit kay Enrick. Kahit na matapunan pa sila...”

It’s clear. Ako nga ang sinabihan niya.

“But too bad for you, taken na si Enrick. Kaya hindi mo na siya makukuha,” sabi ulit noong babaeng nasa gitna at maarteng nag-flip ng buhok.

“Excuse me? What are you talking about? Wala akong balak na makuha si Enrick. Because first of all, I hate him. And second, I’m not pathetic at hindi ko sinadya iyong pagkakabunggo ko sa kanya kanina.” Marahan ko iyong sinabi at mabilis na nilagpasan ang mga babae para makalabas sa CR. Pagkatapos ay pumunta ako sa classroom namin.

Number one rule sa aking mga personality development classes ay kailangan mong maging mabait at huwag na huwag kang makikipag-away. Hindi nga ako nakipag-away roon sa mga babae pero nakipag-away naman ako kay Enrick.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon