Yugto 31: Gulat O Galit
Sa hapon na iyon ay nagdesisyon ako na hanapin si Harold. Pakiramdam ko kasi ay kailangan kong mag-sorry sa kanya.
“Si Harold? Hindi ako sure, eh. Baka nasa locker room,” sabi ng isa niyang kaklase na napagtanungan ko.
“Okay. Thank you.”
Mabilis akong nagpunta sa locker room. At hindi nga nagkamali ang classmate ni Harold dahil nandoon siya.
Awkward akong bumati sa kanya, “Hi, Harold.”
Nakatayo siya malapit sa kanyang locker at nang narinig ako ay tumingin siya sa akin. Sinarado niya ang kanyang locker at ngumiti.
Agad kong sinabi kung ano talaga ang ipinunta ko. “I came here to apologize ”
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong sabihin iyon. Umalis ang ikatlong tao sa locker room at naiwan na lang kami ni Harold doon.
“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Enrick at bakit niya ginawa iyon. Pero ako na iyong nagso-sorry sa ‘yo,” sabi ko, tinutukoy ang ginawang pagsuntok sa kanya ni Enrick.
“You don’t have to apologize, Beatrix,” sabi niya. “Kasalanan ko rin naman.”
Kumunot ang noo ko roon. Paano niya naging kasalanan iyon?
“Noong magsimulang magkagusto sa ‘yo si Enrick... nangako ako sa kanya, bilang kaibigan niya, na hindi kita magugustuhan. Nangako ako na kahit sino pa man ang magustuhan niya ay hindi ko aagawin. But then, my feelings for you are inevitable. Hindi ko mapigilan.”
Nanatili lamang akong tahimik habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
“Sino ba kasing hindi magkakagusto sa isang katulad mo? Maganda, matalino, mabait. It’s like you have everything. You’re the ideal type of every man. Kaya noong sinabi ko kay Enrick na gusto na rin kita. Syempre, nagalit siya. He’s selfish, you know. Kung ano ang gusto niya, kanya lang dapat. Mula noon ay hindi na ako sumasama sa grupo namin. Humiwalay na ako sa mga kaibigan ko. Lumayo ako. Especially kay Enrick.
“Kaya hindi ko rin masisisi si Enrick kung bakit niya ako sinuntok noong nag-confess ako sa ‘yo. Kahit na mahirap aminin sa sarili ko, I know that I’m an unfaithful friend to him. Nangako ako sa kanya pero hindi ko iyon natupad.”
“Still, he hurt you,” tugon ko kay Harold.
“I deserve it.” Ngumiti siya. “But nothing will change. Gusto pa rin kita.”
Suminghap ako. “Harold...”
“Now tell me if you like me. Dahil kung gusto mo rin ako, liligawan kita. Wala nang magagawa pa si Enrick.”
Hindi ako nakapagsalita.
Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanya na hindi ko siya gusto, baka masaktan ko siya. Kapag sinabi ko sa kanya na si Enrick ang gusto ko, masasaktan ko rin siya. At ayaw kong saktan ang taong walang ginawa kundi ang maging mabait sa akin.
Pero gano’n naman talaga ang pag-ibig. Nasa sa ‘yo kung ipaglalaban mo ang nararamdaman mo hanggang sa dulo, o isusuko mo na lang dahil takot kang may masaktan na iba.
“Naging mabait ka sa akin. Noong mga panahon na halos walang ibang kumakausap sa akin sa school, nandiyan ka. But, I don’t like you. I don’t love you. I only loved you, as a friend. Sana maintindihan mo...” Mapait akong ngumiti kay Harold.
Wala na akong pakialam kung masaktan ko siya. Nanindigan ako. Na si Enrick ang mahal ko at wala nang iba.
Ilang sandali pa bago siya sumagot. “I understand.” Ngumiti siya. Pero alam ko na pilit lang ang ngiting iyon.
“Sorry.”
“It’s okay. Masakit man pero kailangan kong tanggapin,” aniya at ilang sandali pang tumitig sa akin. “I still have class, you know.”
“A-Ako rin.”
Matapos iyon ay nagpaalam na siya sa akin na kailangan niyang pumunta sa klase niya. Gano’n din ang ginawa ko.
Ang hirap pa lang magsabi ng totoo. Lalo na kapag makakasakit ang katotohanan na sasabihin mo.
Wala sa sarili akong naglakad sa corridors. Pero napahinto na lang ako dahil may nakita ako. Nakita ko si Enrick na nakatalikod at may... kahalikan siyang babae. Kung hindi ako nagkakamali, si Leila ang babae.
Naestatwa ako. Hindi ko alam kung anong klase ng emosyon ang pumasok sa sistema ko. Hindi ko alam kung gulat o galit ang naramdaman ko.
Nakita kong tumigil si Leila sa ginagawa at nakita niya ako. Sunod na lumingon si Enrick sa kinaroroonan ko. Mabilis akong tumalikod. Tumakbo ako kahit na hindi ko alam kung may hahabol pa ba sa akin.
“Beatrix!”
Ramdam ko ang mga luha kong nagbabadya nang tumulo. Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit na rinig na rinig ko ang paulit-ulit na pagtawag ni Enrick sa akin.
Nakarating ako sa comfort room ng mga girls. Nakita kong walang tao roon. Mabilis kong binuksan ang pintuan noon at pumasok sa loob. Pero bago ko pa maisara ang pinto ay nahawakan ni Enrick ang door handle.
“Beatrix, hey. What are you doing?”
Pilit ko siyang itinulak para maisara ang pinto pero dahil mas malakas siya ay nabuksan niya ang pinto ng CR. Nakapasok siya sa loob ng CR at wala akong nagawa. Wala na akong natakbuhan. Hindi ko naman pwedeng buksan pa ang mga cubicle at doon ako pumunta. That would be useless.
“Beatrix, why are you running away?”
Hinarap ko na siya. “Ano? Masarap ba?”
Kumunot ang noo niya. “What are you talking about?”
I hate it. Bakit nagmamaang-maangan pa siya? I saw it with my two own eyes. Naghalikan sila ni Leila. Hindi niya pwedeng itanggi sa akin iyon.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
