Yugto 21

119 8 0
                                    

Yugto 21: Nagseselos Ako

Sa hindi malamang dahilan ay nabitiwan ko ang hawak na ballpen. “Enrick...”

Para ba akong isang bata na nahuling gumawa ng isang bawal na gawain. For whatever reason, I felt guilt.

“What are you doing here?”

Hindi ako sinagot ni Enrick, bagkus ay marahas niyang hinila ang braso ko. Dahil sa ginawa niya ay napatayo ako.

Agad na kumunot ang noo ko pero inunahan niya ako sa pagsasalita. “You’re having your lunch with me. And not here but somewhere else.”

Kinuha niya ang tray ng pagkain ko at dinala niya iyon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

“Harold, sandali lang.” Nilingon ko si Harold.

“No, Beatrix. You stay here. I’ll follow that bastard.”

“No, please. Ako na lang ang kakausap sa kanya.”

Nagmamadali akong umalis at sumunod kay Enrick. Hindi ko alam kung sumang-ayon ba sa akin si Harold, pero hindi rin naman niya ako pinigilan.

“Enrick!” sigaw ko. Nakita ko siyang palabas ng cafeteria. Pero hindi siya lumingon.

“Enrick!” sigaw ko ulit.

Tumakbo ako pero hindi ko pa rin siya naabutan. Ang bilis niyang maglakad.

Nang nakarating siya sa oval ay tumigil siya sa paglakad. Inilapag niya ang tray ko sa isang bench. Nanatili siyang nakatayo at humarap siya sa akin.

“Ano bang problema mo? Bakit bigla-bigla mo na lang kinuha iyong tray ko?” Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya.

Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin. “Bakit palagi na lang kayong magkasama ni Harold kapag lunch break? At bakit hinahayaan mo siyang hawakan ang kamay mo?” Sinagot niya ng dalawang tanong iyong tanong ko.

Humugot ako ng malalim na hininga. “Alam mo, Enrick? Hindi kita maintindihan.”

Nilagpasan ko siya at kinuha ko ang tray ko na nasa bench. Pero bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko. Inalis niya iyong tray mula sa pagkakahawak ko at ibinalik ulit iyon sa bench.

“Enrick, ano ba? Akin iyan!”

“Dito ka magla-lunch. Kasama ako,” sabi niya na para bang iyon ang pinakanormal na bagay sa lahat.

“Hindi. Hindi Enrick. Kailangan ko nang bumalik sa cafeteria. Nandoon si Harold.”

“Hindi pwede.”

Hindi pa rin tinanggal ni Enrick ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kaya ako na ang kumawala mula roon.

“Enrick... bakit mo ba ginagawa ito?”

Nagkatitigan kami. Iyong mga tingin niya ay parang tumagos sa kaluluwa ko. Habang ang mga tingin ko naman ay matatalim.

“Dahil nagseselos ako.”

Halos kumawala iyong puso ko mula sa aking ribcage nang narinig ko iyong tatlong salita na iyon. Tatlong salita lang pero apektadong-apektado na ako.

“A-Ano?”

“Nagseselos ako Beatrix. Sa tuwing kasama mo iyong Harold na iyon, nagseselos ako.”

Nanatili siyang nakatitig sa akin nang mariin. Seryoso ang ekspresyon niya.

Napakurap-kurap ako. “Tigilan mo na ito, Enrick.”

Pinilig ko ang ulo ko at kinuha ko ulit iyong tray mula sa bench. Humakbang ako palayo pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. “Hindi ka pwedeng bumalik sa cafeteria.” Narinig ko ang frustration sa boses niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Noong nahawakan ko ang kamay niya ay para akong nakuryente. Pero pinilit kong gawing normal ang sarili ko. Hindi pwede iyon.

May hula na ako kung bakit siya nagkakagano’n. At may hula na rin ako sa kung ano ang nararamdaman ko. Pero kailangan namin iyong tigilan, habang maaga pa.

“Beatrix naman. Sabi ko, rito tayo magla-lunch, ‘di ba?” dagdag pa niya.

“Ayoko nga!” I snapped.

“Ayaw mo? Ibig sabihin mas gusto mo kay Harold?”

“Tigilan mo na nga ako, pwede?”

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”

Hindi ko na natiis at hinarap ko siya. Magkasalubong ang mga perpekto niyang kilay.

“Enrick, listen. Minsan ko lang itong sasabihin kaya pakinggan mong mabuti,” mariin kong sabi. “I hate you. Alam mo naman iyon, ‘di ba? Narinig mo na sinabi ko iyon sa computer lab dati.”

“You hate me? Bakit? Hindi ba binawi ko naman na iyong pinakalat kong fake news?”

“Oo! Binawi mo na pero hindi noon mababago ang kahit ano. I still hate you. Kaya kung ano man itong ginagawa mo, tigilan mo na. Tantanan mo na ako.”

And with that, tinalikuran ko siya. At hindi niya ako pinigilan. Hindi ko na naramdaman ang paghawak niya sa braso ko. Hinayaan niya akong umalis mula sa oval.

Nang nag-lunch break sa sumunod na linggo ay sinamahan na naman ako ni Harold at sabay kaming kumain. Habang kumakain ay nag-sorry ako sa kanya tungkol sa ginawa ni Enrick noong nakaraang mga araw. Ang sabi naman ni Harold ay wala lang raw iyon sa kanya.

“Beatrix!”

Habang nasa locker room ako noong hapon na iyon ay may tumawag sa akin. Nilingon ko si Leila na bigla na lang nag-materialize sa harap ko habang nakangiti.

Si Leila. Isa siya sa mga kaibigan ni Enrick. Madalas niya akong kausapin noong mga nakaraang araw at hindi ko alam kung bakit.

“Bakit, Leila?”

“Um...”

Nakita ko sa kamay niya ang isang maliit na box.

“Pwede mo bang ibigay ito kay Enrick?” Mas lalo pang lumaki ang ngiti ni Leila nang inilahad niya sa akin ang box. Bago pa ako makaapila ay inilagay niya sa mga kamay ko ang box at nagsabi ng, “Ibigay mo, ha! Hindi ko kasi maibibigay sa kanya kaya ikaw na lang. Sige. Bye, Beatrix!”

At parang gano’n-gano’n na lang ay naglaho si Leila nang parang bula. Naiwan akong mag-isa sa harap ng locker ko, tulala habang ang isang kamay ay may hawak na box.

Pumasok ako sa room noong hapon na iyon. Umupo ako sa upuan ko. Nagpalitan kami ng seating arrangement sa quarter na iyon at sa kasamaang palad ay nakatabi ko si Enrick.

I cleared my throat. “Ehem...” Then I tried to call his name. “Enrick.”

Nilingon ko siya at nakitang nasa kanyang cellphone ang atensyon niya. Natanto kong wala pa kaming teacher kaya nagce-cellphone lang siya.

“Enrick,” tawag ko ulit dahil baka hindi niya lang ako narinig noong una.

Hindi siya lumingon, sa halip ay nagpatuloy siya sa pag-scroll ng kung ano sa cellphone niya.

“Enrick.” Mas nilakasan ko ang pagtawag ko sa kanya. Pero hindi niya ako nilingon o pinansin man lang.

“Enrick,” ulit ko pero hindi niya ulit ako nilingon.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon