Yugto 10: I Hate You
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Mommy. Noon niya lang naikwento sa akin ang bagay na iyon. Kaya siguro mataas ang expectations niya sa akin ay dahil gusto niyang maging katulad ko rin siya.
“Mommy, mayroon pa naman pong next time, eh,” I mimicked my father’s words. Iyon kasi ang laging sinasabi sa akin ni Daddy na hindi sinasabi sa akin ni Mommy. At totoo naman, there’s always a next time, a second try, a second chance.
“Next time? You’re saying that there is a next time? Kaya okay lang sa ‘yo na maging second ka dahil may next time pa naman? Those are the dumbest words I’ve ever heard from you! Iyan ang hirap sa inyong mga kabataan. Kaya hindi kayo umaasenso at umuusad ay dahil naniniwala at umaasa kayo sa next time. Bakit hindi ka tumigil sa pag-iisip sa next time na iyan at tingnan mo naman ang nangyayari ngayon. You won’t be what you want if you will always think of next time! Think about this time, it’s more important!”
Halos mabingi ako sa mga sigaw ni Mommy. Although she have a point, I still couldn’t believe it.
“From now on, five-hundred na lang ang allowance mo kada isang araw. At bawal kang lumabas ng bahay tuwing weekends! You are majorly grounded!”
Kahit na gano’n ang parusa sa akin ni Mommy ay okay lang. I gladly accepted it. Dahil ako rin naman ang may kagagawan kung bakit naging second honor lang ako.
Nang dumating ang araw ng Lunes ay naatasan ako ng isang teacher na magdala ng mga folders at iba pang papel sa computer laboratory.
Pagpasok ko sa computer lab ay halos mapatalon ako dahil walang nakasinding ilaw. Tanging ang sinag ng araw na galing sa bintana ang nagbigay ng kaunting liwanag sa silid. Pumunta ako sa table kung saan nakatambak ang mga folders at reports ng mga estudyanteng katulad ko. Doon ko dapat ilagay ang mga folder na hawak ko.
Lumipad bigla ang isip ko kay Enrick.
Simula nang nag-transfer siya sa school namin ay nagbago na ang lahat ng bagay. Siya ang dahilan kung bakit ako naging second honor. Siya ang dahilan kung bakit nagkanda-leche-leche na ang mga academic results ko.
Sa galit ko ay halos mapunit ko ang mga folder na inaayos ko.
“Bwisit kasi!” bulong-bulong ko. “Akala mo kung sino! Nakakabwisit! Ang talino! Kahit mukha namang hindi nagre-review! Bwisit! I hate him! I hate him!”
Para akong baliw na nagsalita tungkol kay Enrick at nagdabog doon.
“Dahil sa kanya ay naging grounded ako! Lumala ang curfew ko! Nabawasan ang allowance ko!” Sinipa ko pa ang paa ng lamesa.
“I hate you to death, Enrick!”
Nag-echo ang boses ko sa silid. Nagpupuyos ako sa galit. At dahil sa sigaw kong iyon ay pakiramdam ko, nailabas ko ang lahat ng inis ko.
“What did you just say?”
May tao?
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at may nakita akong nakatayo sa malayong parte ng computer lab. Dahil medyo madilim ay hindi ko naaninag ang mukha noon. Pero nang unti-unti iyong lumapit sa akin ay kinabahan ako.
To my horror, it was Enrick.
“A-Anong ginagawa mo rito?” Kahit na abot ang tahip ng puso ko ay nagawa ko pa ring magtanong.
“I was told to get some equipments. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” Malamig niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. It offended me.
“N-Nag-ayos ako noong m-mga f-folders.”
What the hell? Why did I stutter?
“What did you just say about me?” tanong niya habang nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Mas lalo kasing kumakabog ang puso ko at parang hindi ako makahinga.
“I-I don’t know what you‘re talking about.”
“Oh, really?” Nagtaas siya ng kilay at naglakad palapit sa akin.
Halos mabuwal ako dahil kulang sampung sentimetro lang ang layo namin sa isa’t isa. Nagsimula nang manginig ang buong sistema ko. Mas lalong bumilis ang pagtambol sa puso ko.
“You didn’t know?” tanong niya ulit sa akin.
“H-Hindi ko alam.” Tinulak ko siya, pero hindi man lang siya natinag.
“You hate me?” tanong niya. “Narinig ko iyong isinigaw mo kanina.”
Tinulak ko na naman siya, pero hindi talaga ako makawala.
“You hate me?” pag-uulit niya.
Sumibol na naman ang galit ko para sa kanya.
Narinig naman niya ang lahat ng sinabi ko. Narinig naman niya na sinabi ko iyong “I hate you to death, Enrick!” Narinig niya iyon ‘tapos itatanong niya pa rin kung hate ko ba siya?
Dahil sa inis ko ay sinigawan ko na siya. “Narinig mo naman, ‘di ba? Oo! Isinigaw ko kanina at uulitin ko ngayon! I hate you to death, Enrick!”
Ilang sandali niya akong tinitigan at itinulak ko naman siya. Sa pagkakataong iyon ay napaatras na siya. Dali-dali akong tumakbo palabas sa computer lab.
Inis na inis ako kay Enrick at sa sarili ko. Bakit kailangan pa kaming pagtagpuin ng tadhana sa computer lab? Bakit kailangan akong kabahan at mautal sa harapan niya?
Nang uwian na ay agad kong hinanap si Janine. “Janine...” tawag ko nang natagpuan ko siya.
“Bakit?” Humarap siya sa akin at ngumiti.
“Can I borrow your phone just for a minute?”
“Sure.”
“May load ka ba?”
“Mayroon iyan,” aniya at mas lalo pang ngumiti nang malaki.
Tinanggap ko ang phone niya at agad na ni-dial ang number ng aking pinsan. Ang masayang boses ni Courtney ang bumungad sa akin. “Hello? Who’s this?”
“Hello, Cour. Si Beatrix ito. Nasaan ka ngayon?”
“Wait! What? Beatrix? This is not your cell number.”
“Nasaan ka ngayon?” tanong ko ulit dahil mas madami pa siyang dada imbes na sagutin na lang niya ang tanong ko.
“Still on school.”
“Pwede ka bang pumunta rito sa school ko?”
“Bakit? Miss me much? By the way, bakit hindi mo na nga pala ako tine-text at tinatawagan?”
“I’ll explain later. Sagutin mo muna iyong tanong ko. Pwede ka bang pumunta rito sa school ko? I have to tell something important to you. And I can‘t discuss it on the phone.”
“Okay. I’ll be there in five minutes. Just call my name and I’ll be there...” Kumanta-kanta pa ang baliw na si Courtney.
“Magkita tayo sa cafeteria.”
Pinutol ko ang tawag at binalik ko kay Janine ang cellphone niya. “Salamat, Janine.”

BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Fiksi RemajaBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...