Yugto 19

134 8 3
                                    

Yugto 19: Malilintikan Kayo

“Ate? Why are you smiling?” paepal na tanong ng kapatid kong si Ryle pagkauwi ko sa bahay.

“Bakit? Masama bang ngumiti?” Inirapan ko siya at maging ako ay nagtaka na rin kung bakit ako nakangiti.

“No. It’s just unusual. You’re not always smiling.” Tiningnan pa ako ni Ryle habang malalim siyang nag-iisip.

“Anong gusto mong sabihin? Na suplada ako?”

“I’m just wondering why my Ate is smiling!”

Umirap ulit ako. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Ryle.

Bakit nga ba ako nakangiti? Was it because of the weather? Because of school? Or because of Enri...

“Wala ito! Mag-aral ka na lang roon, Ryle.” Tinulak ko ang kapatid ko at pinabalik ko siya sa mga libro niya.

Pupunta ba ako?

Iyon ang naging tanong ko sa halos buong gabi. Hindi na nga ako nakatulog dahil sa kakaisip. Nagising na lang ako, kinabukasan, dahil sa malakas na tunog ng alarm ko.

The second day of Intramurals. Pupunta ba ako?

Bakit naman ako pupunta? Dati ay hindi naman talaga ako pumupunta sa second day ng Intrams. Pero kailangan kong pumunta. Kasi kapag pumunta ako at nanood ako ng basketball game, babawiin na raw ni Enrick iyong fake news na ipinakalat niya.

Totoo naman kaya iyon? Should I trust him?

Hindi ko rin alam. Basta noong nag-alas-tres na ng hapon ay dinala na lang ako ng mga paa ko sa gymnasium ng eskwelahan namin. Nagsisimula na ang game nang dumating ako.

“Go, de Vera!” nakakabinging sigaw ng mga supporters ni Enrick. Nagtilian pa ang ibang mga babae dahil kung minsan ay napapalingon sa kanila si Enrick.

Nang nakahanap ako ng mauupuang bleachers ay umupo agad ako roon at itinuon ko ang pansin ko sa game. Dikit na dikit ang laban at fourth quarter na. Sa tuwing nakaka-shoot naman si Enrick ay naghihiyawan ang mga tao.

“Enrick!”

“Gwapo mo, Enrick!”

“Pa-kiss naman, de Vera!”

Si Enrick naman ay mukhang walang pakialam at patuloy pa rin sa paglalaro. Iyon nga lang, hindi pa rin sila nakalamang sa mga kalaban.

Habang nakatayo roon si Enrick at nakaantabay sa bola ay napatingin siya sa banda ko. Nagtama ang mga mata namin. Sumilay agad ang ngiti sa kanyang labi at uminit naman ang pisngi ko.

Ang medyo matamlay na paglalaro ni Enrick ay biglang nagbago. Naging mas agresibo siya at mas dumami pa ang mga pagkakataon na nakaka-shoot siya. Hindi nagtagal ay tumunog ang buzzer bilang hudyat na tapos na ang game. Nanalo ang Grade 12 Falcons at tinanghal na MVP si Enrick.

Marami ang nagpa-picture sa kanya at sa team nila. Marami rin ang dumagsa para i-congratulate sila.

Umalis ako sa mga bleachers at medyo lumapit ako sa kinaroroonan ni Enrick. Hindi pa natatapos ang pagpapa-picture sa kanya pero lumapit siya sa akin.

“You watched,” aniya.

“Oo.”

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak na pala sa braso ko.

“Babawiin ko na iyong sinabi ko na girlfriend kita,” aniya gamit ang seryosong tono.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

“Babawiin ko na,” pag-uulit niya. “Ayaw ko na inaaway ka nina Janine o ng kahit sino pa man. Ayaw ko rin nang nilalapitan ka ni Harold.”

“Ano bang sinasabi mo?”

Hindi sinagot ni Enrick ang tanong ko.

“Makinig kayong lahat!” sigaw ni Enrick at napatingin sa kanya ang lahat, maging ang mga teacher. “What I’ve said a couple of days ago was a lie. Beatrix Soledad is not my girlfriend.”

Biglang nagbulungan ang lahat. Lahat sila ay tumingin sa akin. Ang iba ay tumawa at ang iba ay inirapan ako. Pumalakpak pa nga ang iba dahil natuwa sila.

“Pero huwag na huwag n’yo siyang aawayin o sasaktan, kung hindi ay malilintikan kayo sa akin,” dagdag ni Enrick.

Napanganga ang lahat at nagbulong-bulungan ulit.

“Beatrix...”

Isang araw nang nag-lunchtime ay kinalabit ako ni Hannah. Nakayuko siya at hindi makatingin sa akin nang diretso. Nasa likod niya sina Janine, Dana, Abby, at May. Nanlaki ang mga mata ko at bahagya akong napaatras.

Aawayin na naman ba nila ako?

“Bakit?”

Natigilan ako nang narinig kong sinabi ni Hannah ang, “S-S-Sorry...”

“Sorry kung inaway ka namin,” ani May.

Pinanood ko kung paano naging maamo ang kanyang mukha. Sumunod pang nag-sorry sina Janine, Dana, at Abby.

What made them sorry? Kasi sa pagkakaalam ko ay wala silang balak na gawin iyon. Anong nakain nila at bigla na lang silang nag-sorry sa akin? May kinalaman ba roon ang sinabi ni Enrick noong Intrams?

Nang ilang sandali pa akong hindi nagsalita ay hindi na napigilan ni May ang magtanong, “P-Pinatatawad mo na ba k-kami?”

Hindi sila makatingin nang diretso sa akin. Bahagya pa silang nakayuko at para bang sinasabi nilang sumusuko na sila.

“Oo naman! Hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kahit na sino.” Nginitian ko sila.

Si Enrick lang naman ang tinamnan ko ng galit. Diniligan ko pa.

Nakita ko kung paano unti-unting umaliwalas ang mga mukha nila.

Dati ay naiirita at medyo ayaw ko kay Janine dahil masyado siyang mabait at makulit sa akin, at sa kadahilanang gusto niya si Enrick. Pero na-realize ko na mas okay na pala iyon kaysa naman inaaway niya ako.

Sometimes we push and dislike those people that we didn’t know, we’ll need in the future.

“What? What is this? Pangalawa ka na naman ba?!”

Narinig ko na naman ang mga sigaw at pagalit ni Mommy sa akin nang umuwi ako sa bahay at dala ang report card ko para sa second quarter. Beside her was Daddy who was smiling despite the situation. He was happy because my grades were pretty high, however, for Mom...

“Anong mataas? Hindi sapat ang mataas, Eduardo! Mataas nga ang marka ng ating anak pero pangalawa pa rin siya!”

“Amelia, tama na iyan. We should accept and be proud of our daughter’s ability. Hindi por que pangalawa lang si Beatrix ay kailangan mo na siyang pagalitan. Ganyan naman talaga ang buhay, you can’t always stay on top,” marahang saway ni Daddy kay Mommy. “Our Beatrix is intelligent. Maybe not as intelligent as that de Vera. But she’s intelligent in her own way.”

Sana gano’n na lang palagi. Sana hindi na lang laging busy si Dad sa kompanya, para mayroong magtatanggol sa akin kapag pinapagalitan ako ni Mommy.

Pero hindi nagpatalo si Mommy at marami pa siyang sinabi.

“Huwag mong hayaan na pangalawa ka lang, Beatrix. Do something! Huwag mo namang sayangin ang perang ibinabayad ko kay Mrs. Santos!”

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon