Yugto 30

187 7 0
                                        

Yugto 30: Ligaw

“Ano iyon, ha? Trip-trip lang? At ano iyong sinabi mo na nililigawan mo ako? Ano iyon, ha? Trip lang?” mas mariin kong tanong kay Enrick.

“I did all of it because I’m in love with you!” Ginulo niya ang kanyang buhok pero nanatili pa rin ang titig niya sa akin. Tila ba nangungusap ang kanyang mga mata.

Nanatiling nakabukas ang aking bibig pero hindi ako nakapagsalita. Dapat sisigawan ko pa rin siya pero parang hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko, pero ang puso ko ay hindi tumigil sa paghuhurumentado.

“Anong sabi mo?”

“I’m in love with you. At noong nakita ko na nag-confess si Harold sa ‘yo... I got jealous...”

Kahit na sobra na ang naramdaman kong kiliti sa tiyan ko at ang pagkalabog ng puso ko ay hindi ko kayang maniwala sa kanya. It was too good to be true. Parang last few weeks lang kasi, na-figure out ko na may nararamdaman ako para sa kanya. ‘Tapos malalaman ko na in love din siya sa akin?

May parte sa akin ang masaya dahil iyon naman ang pangarap ng lahat. Ang mahalin sila pabalik ng mga taong mahal nila. At may isang parte sa akin na ayaw maniwala. Enrick was a well known playboy. What if he’s just going to play with me?

“Shut up. If this is one hell of a prank or something, then I’m not falling for it.” Humalukipkip ako at tinalikuran ko siya.

Hinarangan naman niya ang dadaanan ko. “I’m not joking here, Beatrix. I’m in love with you.”

“How could you say so? Paano mo nasabi na mahal mo na ako? Ano iyan, agad-agad mo na lang na naramdaman? Ni hindi mo pa nga ako gaanong kilala.”

“Your name is Beatrix Lynn M. Soledad. Meneses is your middle name. You are the daughter of Mr. Eduardo Soledad and Mrs. Amelia Soledad. Ryle Adrian Soledad is your younger brother, while Courtney Soledad and Travis Allego are your cousins. Your father was the very first President of Soledad Corporations. You’re seventeen years old. Your birthday is on May thirty. Gemini is your zodiac sign. You are five feet and six inches tall. You always sit on the seventh table at the cafeteria. You hate sports and physical education. You always get to school around six-thirty am or so—”

“Tama na nga!” Pinatigil ko siya. Kasi pakiramdam ko kapag hindi ko siya pinatigil ay baka i-recite na niya ang buong buhay ko.

“Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero isang araw ay nagising na lang ako at na-realize ko na tinamaan na pala ako sa ‘yo. Mahal na pala kita.”

Nag-iwas ako ng tingin.

“Mula ngayon, liligawan kita,” he said sincerely. “Sa ayaw at sa gusto mo.”

Pag-uwi ko sa bahay ay tinawagan ko kaagad si Courtney at ikinwento sa kanya ang lahat.

“Oh, my G!” gulantang na sigaw ni Courtney sa kabilang linya. “Dapat malaman na ito nina Ella! ‘Tsaka si Kenneth, maha-heartbroken iyon!”

“Huwag mong sabihin!” pigil ko.

“I’m just kidding. Hindi ko naman talaga sasabihin. Napakaswerte mo, Trix! Sagutin mo na! Agad-agad!”

“Baliw! Wala pa siyang isang araw na nanliligaw tapos sasagutin ko na?” Umirap ako.

“Oo naman! Pero sa bagay, pwede namang magpakipot ka muna.”

“What? Courtney, wala akong planong sagutin siya.”

“Don’t tell me you still hate him? Oh, come on, Beatrix. Is this about academics again? Hindi mo siya sasagutin kasi inagaw niya ang pagiging first honor sa ‘yo? Gano’n ba iyon?”

“Hindi naman gano’n. I have to admit, I like him too. Pero, gusto ko munang makita kung sincere ba siya. Kung totoo ba siya. Kung hindi niya ako niloloko... But I think, Mom won’t be happy if Enrick would be my boyfriend.”

“So, it’s because of Tita? Kaya hindi mo sasagutin si Enrick?”

Hindi ako sumagot.

Lumipas pa ang mga araw at halos mapuno ang kwarto ko sa mga bulaklak at chocolates ni Enrick. Madalas niya rin akong tine-text.

“Hi, Beatrix!” Isang araw sa school, biglang sumulpot si Leila.

“Hello, Leila.” Ngumiti ako.

“So, totoo nga. Nililigawan ka ni Enrick.” Hindi iyon tanong. “You’re really lucky. Biruin mo, halos araw-araw ay binibigyan ka ni Enrick ng flowers, chocolates, and stuffs. Kahit na isang taon ko pa lang na naging kaibigan si Enrick, alam ko na hindi pa niya ginagawa sa kahit sino iyon. Ikaw ang pinakaunang babae na niligawan niya. Hindi ka niya ginawang fling.”

Nakita kong may nangilid na luha sa kanyang mga mata.

“Kung tutuusin maraming babae ang nagkakagusto kay Enrick, at inaamin ko na isa ako sa mga iyon. Pero kahit kailan, hindi niya ako nagustuhan. Ikaw talaga iyong gusto niya, eh. Hindi ko naman siya masisisi, you’re really beautiful.” Nang sabihin niya iyon ay tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha. Tuluyan na siyang umiyak.

“Kapag naging kayo na... ingatan at alagaan mo siya nang mabuti, ha.” Humikbi siya at tinakpan ang kanyang mukha.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Bigla na lamang siyang tumakbo palayo sa akin.

Kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napakasakit kapag iyong taong mahal mo ay may mahal na iba.

Nang nakarating ako sa aming classroom ay nakita ko na nagkukumpulan sina Janine, Hannah, at May sa isang sulok at masama ang tingin sa akin. “Ginayuma niya yata si Enrick, eh,” rinig kong sabi ni Janine.

Wala si Harold sa cafeteria nang nag-lunch break ako. Concerned din naman ako sa kanya. Pagkatapos noong nangyari ay gusto ko siyang kamustahin pero hindi ko siya nakita sa campus.

Simula noong ligawan ako ni Enrick ay parang napatawad ko na siya sa ginawa niya kay Harold. Hindi ko alam kung bakit parang naglaho ang galit ko sa kanya.

“Alam ko, mahal mo rin ako,” sabi ni Enrick sa akin habang kumakain kami sa cafeteria.

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. “Tumahimik ka nga diyan. Ang assuming mo!”

“Denial ka lang, eh.”

“Hindi, ‘no!”

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Pero mabilis ko namang iniwas iyon. “Nasa cafeteria po tayo para sabihin ko sa ‘yo.”

“And so? Hindi ba pwedeng hawakan ang kamay mo kapag nasa cafeteria?” Nagtaas siya ng kilay sa akin.

“Hindi pwede kasi hindi pa tayo. Twelve days ka pa nga lang na nanliligaw.”

“What did you say?” Bigla siyang ngumisi, iyong nakakapanindig-balahibo na ngisi. “Sabi mo, hindi pa. Hindi pa tayo. So, ibig sabihin may chance ako! Woohoo!” he shouted, giving emphasis to the word “pa.”

Kahit na nangingiti ay napailing na lang ako. “Tigilan mo nga iyan, Enrick. Huwag kang magsisigaw. Tinitingnan ka na nila, o!” sabi ko habang pinapaunawa ko sa kanya na tinitingnan na siya ng ibang estudyante sa cafeteria dahil ang ingay niya.

“Oo nga, maraming tumitingin sa akin. Pero ako, sa ‘yo lang ako titingin.” Inangat niya ang baba ko habang naka-smirk.

Umirap ako at inalis ko ang kamay niya. “Ang corny. Ang baduy,” sabi ko.

Binalewala niya ang sinabi ko. “I love you.”

Umiling na lang ako at sumubo.

“I really love you,” pag-uulit niya. Umiling ulit ako.

“I really really love you.”

“Enrick, tumigil ka nga. Kapag narinig ka ng ibang estudyante...”

“Bakit ako titigil? Mahal naman talaga kita, eh.” Kumindat pa ang mokong.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon