Yugto 38

99 8 0
                                    

Yugto 38: The De Veras

Humanap agad ako ng isusuot. It was a formal dinner. Kaya formal na damit din ang kinailangan kong piliin. Sa huli ay napili ko ang isang blue long-sleeved dress at isang pares ng cream sandals ang ipinareha ko roon.

Mag-aala-siete nang sunduin ako ni Enrick at bumiyahe na kami papunta sa kanila. Kahit na iyon ang ikalawang beses na makakapunta ako sa kanila, at kahit na na-meet ko naman na ang Mama niya, ay kinabahan pa rin ako.

“Ang ganda mo,” sabi ni Enrick at kinuha ang kamay kong nanlalamig. Hinalikan niya iyon at ang isa naman niyang kamay ay nanatili sa manibela.

Ngumiti ako. “Kinakabahan ako.”

“Hindi ka dapat kabahan,” aniya at sumulyap sa akin habang nagda-drive.

“Sino-sino ang nandoon?” tanong ko dahil hindi ko maiwasang mag-isip.

“Dad, Mom, Alec, Tito, and Tita. Nandoon sina Tita dahil nagkasundo sila ni Mama na magkakaroon ng kaunting salu-salo after Christmas ang pamilya namin. At gusto nga ni Mama na isama kita.”

Tumango ako pero kinakabahan pa rin.

Nang nakarating kami sa bahay nila ay binuksan ng guard nila ang gate at diniretso ni Enrick ang sasakyan doon sa malaking garahe nila. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na ako at sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila.

“Good evening, hija!” masiglang bati sa akin ng Mama ni Enrick sabay halik sa aking pisngi. Malaki ang ngiti niya sa akin.

“Good evening po, Mrs. de Vera.” Ngumiti ako.

Humalakhak naman siya. “Oh! Don’t be so formal, Beatrix. You can call me Tita.”

“Tita...”

“Better.” Tumango siya at sunod ko namang nakita ang Papa ni Enrick.

Kung kahawig ni Enrick ang Mama niya, masasabi kong mas kahawig pa ni Enrick ang Papa niya. Ang mga mata nito ay katulad na katulad ng kay Enrick.

“Good evening, hija,” bati niya sa akin. Noong ngumiti siya ay mas nakumpirma ko pa ang resemblance nila ni Enrick.

Ngumiti rin ako. “Good evening po.”

Yayakapin sana ako ni Mr. de Vera kaso ay may kumontra. “Uh, Ma, Pa, enough with the formalities, please,” si Enrick at hinila ako patungo sa dining area nila.

Ang ganda ng bahay. Napuna ko kung gaano ka-intricate ang mga design sa kanilang grand staircase. Naglalakihan din ang mga paintings na nakita ko. Maliwanag ang buong bahay at walang kahit isang dumi o alikabok doon.

Iginiya ako ni Enrick sa upuan at pinaupo. Ang mahaba nilang table ay nilatagan ng magarang table cloth at nagsusumigaw ng karangyaan ang centerpiece.

“Relax, anak. Wala namang aagaw sa kanya.” Tumawa ang Papa ni Enrick at tinapik ang balikat niya.

Namula naman si Enrick at umiling na lang.

“Pagpasensyahan mo na si Enrick. Is he quite jealous and possessive of you?” ang Mama ni Enrick at umupo sa upuan. “First time niya kasing magseryoso at magka-girlfriend kaya ganyan.” Tumawa pa siya.

“Ma naman,” si Enrick at umupo na rin sa tabi ko.

Tumawa ulit ang Mama ni Enrick. “I’m Esther de Vera and this is Federico,” sabay turo sa Papa ni Enrick na umupo na rin.

“Beatrix Soledad po.” Ngumiti ako.

“We know your family, hija,” anang Federico de Vera. “The Soledads’ name are quite notable.”

“Talaga po?”

Nilapit ni Enrick ang upuan niya sa upuan ko at humilig sa akin.

“Yes. Ang pamilya ninyo ang may-ari ng Soledad Corporations, ‘di ba? Ang sikat na manufacturer ng iba’t ibang medicines,” si Tita Esther.

“And your father was the first President of Soledad Corporations. Nakilala ko siya sa isang investment dati,” dagdag naman ng Papa ni Enrick.

Nagpatuloy ang kwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. At habang tumatagal ay nabawasan ang kaba ko. Hindi nagtagal ay dumating ang Tita at Tito ni Enrick, ipinakilala rin ako sa kanila. Sunod na dumating ang pinsan ni Enrick na si Alec.

Unang ni-serve ang main course. Medyo nagutom ako dahil hindi pa ako kumakain. Nagsimula na akong kumain at habang kumakain ay nagpatuloy ang usapan ng mga nakakatandang de Vera.

Kahit na hindi ko pa nauubos ang pagkain ko ay dinagdagan pa ni Enrick ang nasa plato ko. Tinampal ko naman ang kamay niya at tiningnan ko siya nang masama.

“Hindi ko iyan mauubos.”

“Kailangan mo iyang ubusin. Ang payat-payat mo kaya kumain ka nang marami.”

Umirap ako sa kanya. Nabusog ako sa lahat ng inihanda. Dahil pinakain sa akin ni Enrick ang lahat ng iyon.

Tapos na talaga ang dinner pero hindi pa rin tapos sa pag-uusap ang lahat. Kaya nanatili ako roon at si Enrick naman ay panay ang paglaro sa mga daliri ko. Mayamaya ay tumayo siya at nagpaalam sa akin dahil pupunta lang raw muna siya sa banyo.

Habang nasa banyo si Enrick ay kinausap naman ako ni Alec.

“I’m Alec Zander de Vera.” Ngumiti siya at naglahad ng kamay. “You’re Beatrix Soledad and I believe we’ve met before. Sa Foursquare? Natatandaan mo pa?”

“Oo naman. Kasama ka sa malaking circle of acquaintances ng pinsan kong si Courtney.” Kinamayan ko siya.

“Finally, Enrick got serious, eh?” Humalakhak siya. “Iba ang tama niya sa ‘yo. Naalala ko pa noong kinulit ako nang kinulit ni Enrick na kunin kay Courtney ang number mo.”

“He did that?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yup.” Tumango siya. “He’s a playboy pero nagbago na siya. Sa bagay, mataas ang pangarap niya at kailangan niya talagang magbago para makamit iyon.”

Hindi ko makuha ang punto niya.

“Ano naman ang pangarap niya?” Hindi ko na napigilang magtanong.

“Gusto niyang maging tagapagmana ng De Vera Lands kaya kailangan niya talagang magbago. Hindi na siya pwedeng papetiks-petiks lang. Hindi na pwedeng puro pagsasaya lang ang alam niya. Buti na lang talaga at hindi ko pinangarap na maging tagapagmana ng negosyo.” Tumawa pa siya. “Ang hirap kaya noon! Bago ka maging tagapagmana ay kailangan mo munang mapatunayan ang sarili mo. Kailangan na pagbutihin ang pag-aaral at magkaroon ng matataas na grades. Kaawa-awang Enrick, dahil gusto niyang maging tagapagmana ay kailangan niyang magawa ang lahat ng iyon.”

Napalunok ako at unti-unting kumunot ang noo.

“Oh, damn. Sorry kung madaldal ako.” Tumawa ulit si Alec.

“No.” Maagap akong umiling.

“Hindi ko na dapat kinwento iyon sa ‘yo.”

“Hindi. Okay lang.”

Tumawa ulit siya at ngumiti naman ako.

Dapat ay tumahimik na lang ako. Dapat ay hayaan ko na lang si Alec na ibahin ang usapan. Pero may parte sa akin ang gusto pang ipatuloy sa kanya ang kwento niya.

I felt like I needed to know more.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon