Yugto 26

136 7 1
                                    

Yugto 26: Newspaper Dance

“Are you busy these past few days?” tanong ni Enrick.

Umiling ako at nag-iwas bigla ng tingin.

“Then why aren’t you answering my messages and calls? You went out or something?”

Sa gilid ng aking mga mata ay napagmasdan ko siya. Nakapangalumbaba siya at mas inilapit niya ang kanyang katawan sa akin. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko dahil magkalapit ang katawan namin.

Agad akong naghagilap ng isang magandang excuse kung bakit hindi ko nasagot ang mga tawag at texts niya. “Yeah. My family and I... we went out,” sabi ko. Kahit ang totoong dahilan ay pinagpatayan ko siya ng cellphone.

Hindi siya sumagot at nanatili lang siya sa kanyang posisyon. Nakapangalumbaba pa rin siya at nakatitig sa akin na para ba akong puzzle na kailangan niyang i-solve.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay sa mga titig niya. Huminto ako sa pag-i-scribble. Sa lapit niyang iyon ay sigurado akong makikita na niya kung ano ang isusulat ko.

So, I started writing random words. Isinulat ko ang pangalan ko, pangalan ni Ryle Adrian, at makailang beses kong muntikan nang maisulat ang pangalan ni Enrick, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil makikita niya iyon.

“Anong sinusulat mo?” Kumunot ang noo ni Enrick.

Awkward naman akong tumawa sa kanya. “Wala.” Sinarado ko agad ang notebook ko.

Hindi lang roon natapos ang pag-iwas ko kay Enrick. Dahil kahit sa sumunod na araw ay hindi ko sinagot ang mga messages niya at puro pagtango o pag-iling lang ang sukli ko sa kanya sa tuwing kakausapin niya ako.

Hanggang sa nagkaroon ng mini game ang aming PE teacher. Newspaper dance iyon. Kumuha ang teacher namin ng dalawang estudyante na magiging magka-partner. I got partnered with a girl. Ang iba naman ay sa lalaki nai-partner. Habang si Hannah ang naging partner ni Enrick.

Bago nagsimula ay ipinaliwanag muna sa amin ng aming PE teacher ang mechanics ng game at ang purpose din noon. Sinabi niya na nakakatulong ang mga gano’ng mini games para sa aming katawan at muscles.

“Iniiwasan mo ba ako?”

Halos mapatalon ako nang narinig ko ang boses ni Enrick. Bigla na lamang siyang simulpot sa tabi ko. Naramdaman ko na nagwala ang mga paru-paro sa aking tiyan.

Umiling ako sa kanya.

“Come on. Hanggang ngayon ba naman ay puro tango at iling lang ang isasagot mo sa akin sa tuwing kinakausap kita?”

Kinagat ko ang labi ko at dinama ang mabilis na tibok ng aking puso.

“Tell me the truth. Iniiwasan mo ba ako?” pag-uulit niya.

I tried to lie. “Hindi kita iniiwasan, okay? Medyo... marami lang kasi akong iniisip kahapon at ngayon.” Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon nang diretso. “Bumalik ka na roon. Magsisimula na ang game. Baka magalit si Ma’am.”

Hindi siya sumagot at sinunod na lang niya ang sinabi ko. Bumalik siya sa tabi ni Hannah at nagpatuloy naman ako sa pakikinig kay Ma’am. Kahit na alam kong nakatitig na naman si Enrick.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sinimulan ang game. Sa unang round ng newspaper dance ay naka-survive kami ng ka-partner ko. Gano’n din sa pangalawa at pangatlo pero sa ikaapat ay natanggal na kami.

Naupo ako sa tabi ng mga kaklase ko at pinanood na lang ang mga natitirang magkaka-partner. Nakita ko sina Hannah at Enrick, they were still part of the game. Inayos nilang dalawa ang newspaper at itinupi iyon sa sukat na gusto ng teacher namin. Dumapo ang tingin ko sa kamay ni Hannah.

She was intentionally touching Enrick’s hands while they were working on the newspaper. Panay rin ang ngiti niya at nagpapa-cute pa.

Nag-iwas ako ng tingin. Para bang may mapait na asidong tumapon sa aking puso.

“Go!” sigaw ng aming PE teacher at nagsimula nang tumugtog ang musika. Nagsimula na ring sumayaw ang mga kaklase ko sa paligid ng newspaper na inihanda nila.

Sa walong magkaka-partner ay nanatili ang titig ko kina Hannah at Enrick.

“Stop!”

Inihinto ang musika at lahat sila ay nagkukumahog upang makatapak sa newspaper. Mabilis na ipinulupot ni Hannah ang kanyang mga kamay sa batok ni Enrick. Hinawakan din niya ang braso ni Enrick at sobrang lapit na ng katawan nilang dalawa.

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin.

“Bagay na bagay silang dalawa, ‘no?”

Nilingon ko kung sino ang nagtanong at nadatnan ko si May na nakaupo na pala sa gilid ko. Strange. Hindi naman ako madalas na kinakausap ni May.

“Huh? Sino?” inosente kong tanong.

“Si Enrick at Hannah.” Nilingon niya ang banda nina Enrick. “They look good together, don’t you think?”

Hindi ko alam ang isasagot ko. “But you like Enrick, right?”

“Um...” Bahagyang pumula ang pisngi ni May. “Yeah. I like him, a lot. But my point is, Hannah and Enrick looked good together. Kahit na masakit iyong isipin dahil gusto ko si Enrick, iyon pa rin ang totoo.”

Umupo na ang mga natanggal sa game. Limang magkaka-partner na lang ang natira. Kabilang pa rin doon sina Enrick.

Hindi ko sinagot si May. Kahit anong pagbaliktad ko sa mundo ay hinding-hindi magiging maganda sa paningin ko sina Enrick at Hannah.

“You know what? Noong inimbitahan daw ni Abby si Enrick para sa birthday party ng Ate niya, ay hindi ito pumunta. Pati si Hannah ay imbitado pero hindi rin siya pumunta. Siguro, nag-date ang dalawa kaya parehas silang wala,” sabi ni May.

Paano naman niyang nalaman na nag-date ang dalawa? Hindi ba pwedeng coincidence lang na pareho silang wala sa birthday party? Bakit pa ako kinausap ni May kung iyon lang rin naman ang sasabihin niya?

The hell I care about Hannah and Enrick.

Natapos na ang isang round ng game at tatlong pares na lang ang natira. Enrick and Hannah were still on it.

“You know, madami pa talagang ebidensiya ang magpapatunay na si Enrick at Hannah ay mag-on,” pagpapatuloy ni May na para bang abogado kung makabanggit ng ebidensiya.

“Enrick is a playboy, alam nating lahat iyan. He’s been with Abby, Ana, Lia, Kaye, Dana, and other girls. Hindi ko na alam ang pangalan noong iba. But he never tried Hannah. Hindi niya gustong maging fling si Hannah. So, I think, gusto ni Enrick na maging seryoso ang relasyon niya kay Hannah and not just flings.”

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon