Yugto 45: You’re My Everything
At dahil buwan na ng March ay nagbigay na rin ng fourth quarter grades ang mga teacher. Masaya ako nang natanggap ko ang report card ko. I’ve got an average of ninety-eight. Inanunsyo rin sa buong klase na ako ang bagong first honor.
At si Enrick?
Naulinigan ko na seventy-five daw ang average niya. He was lucky, he even got a passing grade. Mataas pa ang grade na seventy-five, dapat ay sixty na lang ang grade niya.
Ako na rin ang opisyal na Valedictorian para sa school year na iyon. Dahil ang overall average ko ay ninety-seven. Si David ang salututorian, with an overall average of ninety-five.
At si Enrick? Fourth honorable mention lang siya, with an overall average of ninety-two.
Karma.
Masasabi ko na iyon na ang pinaka-magandang school year para sa akin. That school year had taught me many things. It taught me that I should never lose hope. Noong una, ang akala ko talaga ay hindi na ako magiging Valedictorian. But some things changed, at naging Valedictorian pa rin ako.
Walang imposible.
“Marvelous!” Pumalakpak si Mr. Dimaano matapos niyang basahin ang inihanda kong speech. “This is overwhelming and heart-touching at the same time! Nasa sa ‘yo na lang kung paano mo ito maide-deliver nang maganda.”
“Thank you po.” Ngumiti ako.
Nang nasa gymnasium ako para sa practice ng graduation march ay inutusan naman ako ng isang teacher.
“Hija, mautusan lang kita, pwede bang pakilagay ang mga ito sa faculty room? Magc-CR lang kasi ako saglit.”
Sumunod naman ako dahil breaktime namin at medyo matagal pa naman bago simulan ulit ang practice ng graduation march. Umalis ako sa gymnasium at pumunta ako sa building kung nasaan ang faculty room. Inilagay ko roon ang mga gamit noong teacher na nag-utos sa akin. Matapos iyon ay lumabas ako ng faculty room.
Pero nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko. Napatili ako dahil sa pagkabigla. Pero tinakpan niya kaagad ang bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko na si Enrick ang humila sa akin.
Mabilis niya akong pinasandal sa nakasaradong pintuan ng faculty room. Inilagay niya ang braso niya sa itaas ko at ang isa niyang kamay ay humawak sa braso ko. Kinulong niya ako sa mga bisig niya.
“Ano ba?!” bulyaw ko at sinubukan kong kumawala sa hawak niya. Pero habang nagpupumiglas ako ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin.
“Bitiwan mo ako!” sigaw ko.
Luminga ako sa paligid at nawalan ako ng pag-asa nang nakita kong halos walang tao dahil breaktime nga. Natigil ako sa pagpiglas at sa pagsigaw nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit ay naramdaman ko na ang init ng hininga niya at halos magdikit na rin ang noo naming dalawa.
Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko.
“Naniniwala ka na ba sa akin?” he asked.
Titig na titig siya sa akin. Hindi ako nakagalaw dahil sa lapit naming dalawa.
“B-Bitiwan mo ako,” nauutal kong sabi. “H-Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”
“Naniniwala ka na ba na hindi kita niloko? Naniniwala ka na ba na mahal talaga kita?” tanong niya.
Ang mga mata niya ay punong-puno ng mga emosyon na hindi ko maintindihan.
Pinilit kong pagsalubungin ang mga kilay ko para magmukha akong galit. Kahit ang totoo naman ay nanlalambot ako at parang gusto ko na talagang bumigay.
“E-Enrick, bitiwan mo ako.” Halos pabulong ko na lang iyong nasabi.
“No. Hindi kita bibitiwan. We will fix this...” He rubbed the point of his nose against mine.
Napapikit ako nang mariin. Kinagat ko ang labi ko.
That was too much.
“We can’t f-fix this. You’re a liar,” I forcefully said.
“Kung sinungaling ako, then... bulag ka.” Naglagay siya ng kaunting espasyo sa pagitan ng mga mukha namin. “Hindi mo pa rin ba nakikita? I failed everything! Sinabi mo sa akin na niloloko lang kita para sa grades ko... Pero hindi mo pa rin nakita? I failed my quizzes. I didn’t pass every project. I didn’t do any reporting. Now I got seventy-five!”
“Gago ka pala, eh! Bakit mo kasi ginawa iyon?!” Tinulak ko siya dahil sa inis ko.
“Ginawa ko iyon to prove to you that high grades are not important for me!” He bit his lip. Ginulo niya ang buhok niya na para bang frustrated siya.
“Ginawa ko iyon para ipakita sa ‘yo na hindi kita gi-ni-rlfriend para lang mapataas ang grades ko at maging first honor ako! Dahil una sa lahat, wala na akong pakialam sa grades ko... I just want you. Wala na akong pakialam kung first honor man ako o hindi. Naging girlfriend kita dahil mahal kita...”
Kinagat ko ang labi ko. Naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit.
Umiling ako sa kanya.
No. Bawal maniwala. Bawal...
“Beatrix, mahal kita...” Lumapit siya sa akin. Inangat niya ang baba ko. Napatingin ako nang direkta sa malalalim niyang mata. “Please, maniwala ka naman... Let’s fix this.”
Nagmamakaawa ang mga mata niya sa akin.
“Sinungaling ka.”
“No, Beatrix. I never lied to you. You see, I sacrificed my grades just to prove that my love is sincere. Just to prove to you that high grades are just a number. You’re more important than my grades, because you’re my everything.”
Humikbi ako.
Nagkamali ba ako? Nagkamali ba ako sa desisyon kong maniwala kay Janine? Totoo ba lahat ng sinabi sa akin ni Enrick?
Hindi ko alam.
Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap niya ako.
Pero tinulak ko siya. Nakita kong nagulat siya dahil sa ginawa ko.
“Baby, what’s wrong?” tanong niya.
Umiling ako at nagtiim-bagang. Tumalikod ako sa kanya at mabilis na tumakbo palayo.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...