Yugto 2: Class Election
Napatigil ako sa pagpasok sa aming classroom nang nakita ko ang aming teacher na diretsong nakatingin sa akin. Para niya akong lalamunin.
“Why are you late?” tanong niya gamit ang istriktang boses.
Ang mga kaklase ko ay nakaupo na sa kanilang upuan at mukhang nagsimula na ang klase. Mukhang late nga ako. Nakita ko si Enrick na prenteng nakaupo roon at nakangisi sa akin.
Bwisit ka, Enrick.
“I’m sorry po. Natapunan po kasi ako ng frappe kaya kinailangan ko pa pong magpalit ng uniform. Kaya po ako na-late.” Pinakita ko pa ang nakatiklop kong uniform na hawak.
Gosh. I was embarrassed. First time kong naranasan ang pagka-late.
“Okay then, prepare one whole sheet of paper at isulat mo roon ang dahilan kung bakit ka na-late, at isulat mo rin na hindi na iyon mauulit.”
Halos mabilaukan ako sa sinabi ng teacher ko. Ako? Pagsusulatin niya ako ng gano’n? Unfair. Hindi ko naman talaga kasalanan kung bakit ako na-late.
Gusto ko pa sanang magmakaawa at mangatwiran, pero ayaw ko nang humaba pa. Kaya tuluyan na lang akong pumasok sa aming classroom. At dahil late ako, wala nang ibang bakanteng upuan bukod sa upuan sa likuran. Na katabi ng upuan ni Enrick. Kung minamalas ka nga naman.
Wala akong naging choice kundi ang maupo sa upuan na iyon. Nakakainis pa nga dahil panay ang titig sa akin ni Enrick kahit na nag-discuss na ang teacher namin sa harap.
Nagulat ako nang inilapit niya ang kanyang silya sa akin at humilig nang kaunti. Itinapat niya ang kanyang ilong sa aking balikat at naestatwa ako sa kinauupuan ko.
What the hell?
Bago pa ako makapagprotesta at bago ko pa siya matadyakan sa mukha ay may ibinulong siya sa akin. “You still smell like my frappe.”
Namilog ang mga mata ko at tumindig ang aking mga balahibo dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin... inamoy niya ako.
Buong maghapon ay hindi ako mapakali. Nakakabwisit kasi dahil si Enrick ang katabi ko. At nang nakita kong malapit nang mag-ala-singko sa wrist watch ko ay gusto kong magtatalon. Sa wakas. Malapit nang mag-uwian, makakalayas na ako sa tabi ng mortal enemy ko.
Pero hindi pa pala.
“Okay, today, we’re going to have our class election!” masayang deklara ni Mr. Dimaano, ang aming adviser.
Natuwa ang lahat at ako lang yata ang hindi. Kasi ibig sabihin noon ay makakasama ko pa si Enrick nang mas matagal.
Agad na nagpa-nominate ang adviser namin para sa posisyong president. Nagulat pa nga ako nang tumayo ang isa kong kaklase at ni-nominate ako. Hindi ko iyon ine-expect. Gusto ko sanang mag-object dahil palagay ko ay walang boboto sa akin, pero sa huli ay hinayaan ko na lang.
“I respectfully nominate Enrick for president,” sabi ng isa naming kaklase.
“Uy, hindi! Pang-escort si Enrick! Ang gwapo niya kaya!” Nagtilian at naghampasan ang mga mapangahas na iyon.
Umirap na lang ako sa kawalan. Halos lahat yata ng babae sa school, bukod sa akin, ay may gusto kay Enrick.
Kaagad ding naisara ang table of nomination. Pinatayo kami ni Enrick sa harapan. Sabi ng aming adviser ay kailangan daw naming magbigay ng isang short speech para hikayatin namin ang aming mga kaklase na iboto kami.
Talaga bang kailangan pa ng gano’n?
“I’ll help this section to prosper and grow. I’ll implement more rules that will help us to become peaceful and proper. I’ll be a good leader to all of you.” Sa marahan na boses ay sinabi ko iyon. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon nagawa dahil kinakabahan ako nang sobra.
“I will do my duty. I will serve this class with all my heart and mind. I will be a good leader and a good follower at the same time. I will do all of this, not because I want the fame, but because I want to help.” Nag-smirk si Enrick matapos niyang sabihin ang kanyang speech. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa kanya.
“You’ll lose, Soledad.”
Nagulat ako nang ibulong iyon sa akin ni Enrick. Oo at alam ko na matatalo nga ako, pero naiinis ako dahil ipinamukha pa niya sa akin. Ang sarap niyang sapakin.
“Who is favor for Beatrix?” tanong ng aming adviser at nagsilbi iyong hudyat para bumoto na sila. Karamihan sa mga bumoto sa akin ay mga lalaki. “Fifteen,” bilang ng aming adviser sa mga bumoto sa akin.
“Who is favor for Enrick?”
Kahit hindi pa natapos ng aming adviser ang kanyang tanong ay agad nang nagtaas ng kamay ang mga kaklase ko. “Carried na, Sir!” sigaw nila dahil obvious naman. Forty-five kaming magkakaklase at fifteen lang ang bumoto sa akin. Ibig sabihin, ang natira ay bumoto kay Enrick kaya siya ang panalo.
Pinaupo na ako ng aming adviser at idineklara na si Enrick bilang Class President. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako para sa kanya o maiinis.
Binuksan na ang table for nomination para sa vice president. Unang nai-nominate si Hannah. Sunod ay si David. At mayroon uling nag-nominate sa akin.
“Five,” bilang ni Enrick sa mga bumoto kay Hannah. Si Enrick na ang nag-conduct ng botohan dahil nga siya na ang President.
“Now, who is favor for David?” tanong niya at nagtaas na ng kamay ang mga kaklase kong boto kay David. “Twenty,” bilang niya. At kasama pa talaga siya sa bumoto kay David.
“Who is favor for Beatrix?” tanong niya. Binilang niya ang mga nagtaas ng kamay. ‘Tapos ay, “Twenty.”
“We have a tie!”
Halos sakluban ako ng langit at lupa. Paanong hindi magta-tie? Eh, ibinoto niya si David. Kung ako na lang sana ang ibinoto niya, edi walang tie.
Ipinaliwanag sa amin ng aming adviser na kailangan daw uling magbotohan dahil may tie. Kaya iyon nga ang nangyari.
“Twenty-two,” bilang ni Enrick sa mga kaklase kong bumoto kay David.
“Twenty-two,” bilang niya rin sa mga bumoto sa akin. Agad na nagreklamo ang mga kaklase ko dahil tie na naman daw.
Ang isa ko namang classmate ay umapila. “Hindi ka naman bumoto, Enrick!”
At doon ko lang natanto na hindi nga siya bumoto.
“Nakalimutan ko.” Napakamot si Enrick sa batok niya. “Alright, I’ll vote,” sabi niya at nag-smirk. Gumala ang mata niya sa buong classroom at huminto ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...