Yugto 5

160 15 0
                                    

Yugto 5: Use My Thumb

Habang nagsasagot ay tiningnan ko ang gawi ni Enrick. Baka kasi mayroon siyang kodigo.

Hanggang sa natapos siya sa pagsasagot ay binantayan ko. Wala naman akong nakitang kodigo. Umirap ako sa kawalan. Dahil sa pagbabantay ko sa kanya ay hindi pa ako tapos magsagot.

“Last five minutes!” nakakabinging sigaw ng facilitator sa amin.

Nagmamadali akong nag-scratch at mariin kong tinitigan ang aking answer sheet. Anim na lang ang hindi ko pa nasasagutan.

Mabilis na natapos ang nalalabing limang minuto. Agad na kinolekta ang mga questionnaires, scratch, at answer sheets namin. Sa oras din na iyon ay ni-check ang mga papel namin at nalaman kaagad kung sino ang nakakuha ng highest score at tatanghaling panalo.

Tumayo ang teacher nang natapos nang mag-check. Inayos niya ang mga papel at nagsabi, “Good news for everyone...”

Lumunok ako nang ilang beses.

“Mayroong nakakuha ng perfect score! Nakaka-proud, ‘di ba? Dahil sa hirap ng mga tanong sa test na ito ay may naka-perfect pa rin! That means, our school has a very genius and honourable student!”

Agad na bumundol ang kaba sa aking dibdib. May nakakuha ng perfect score? At sa puntong iyon ay sigurado na ako. Sigurado na hindi ako ang nakakuha ng perfect score. Dahil imposible iyon para sa akin. Minadali ko ang pagsagot at ang iba kong sagot ay hindi ko na nai-double check.

“And that student is from twelfth grade... Enrick de Vera! Congratulations!”

Nilingon ko si Enrick na hindi man lang ngumiti o ano. Kahit na ni-congratulate na siya ng mga teacher ay hindi siya mukhang masaya sa pagkapanalo. Gano’n naman siya lagi. Maski sa mga quiz, hindi siya mukhang masaya kahit na siya ang highest scorer.

O baka naman hindi niya lang ipinapakita na masaya siya?

Siguradong pag-uwi ko sa bahay ay tatanungin ako ni Mommy kung ano ang nangyari sa Math Elimination namin. At malulungkot iyon kapag nalaman niyang hindi ako ang nanalo. Or worse, baka pagalitan pa ako.

Pumunta ako sa waiting shed na madalas kong tambayan kapag hinihintay ko ang aking sundo. Kinuha ko ang cellphone ko para sana matawagan ang aming driver, pero bago ko pa iyon nagawa ay tumunog na ang cellphone ko dahil sa isang tawag galing kay Mommy. Malalim akong bumuntong-hininga bago ko sinagot ang tawag.

“Hello po.”

“Beatrix, darling, how’s school?”

“Okay naman po. Bakit po kayo napatawag?” Kahit na alam ko naman ang dahilan ng pagtawag niya ay tinanong ko pa rin.

“Gusto ko lang tanungin kung anong lagay ng Math Elimination n’yo. I’m dying to know! And your father is excited too! Kaya lang ay hindi mo pa makakausap ngayon dahil busy sa trabaho. So, what? What happened? Did you win? Nandoon ba sa mga tanong ang itinuro sa ‘yo ni Mrs. Santos?” Tunog masaya ang boses ni Mommy.

Excited silang malaman kung ano ang resulta. Paano kung sabihin kong hindi ako ang nanalo?

“Mommy, hindi po ako n-nanalo.” I felt like crying. Takot ako sa magiging reaksyon ni Mommy.

“What?!”

Halos mabingi ako.

“Beatrix, naman. Bakit hindi ka nanalo? Who won, then?”

“Si Enrick po.”

“De Vera? Is that the first honor? The one who took your position?”

“Opo.”

“Why, Beatrix? Bakit siya ang nanalo? Naituro naman sa ‘yo ni Mrs. Santos nang maayos ang iba’t ibang areas ng Math, ‘di ba?”

“Opo.”

“Pero bakit hindi ka nanalo?”

“Kasi—”

“Sinasabi ko na nga ba!” She cut me off. Sasabihin ko pa sana na nahirapan akong sagutan ang ibang tanong. “Nakakasama talaga ang gadgets para sa kabataan. Magmula ngayon ay kumpiskado na ang lahat ng gadgets mo. You’re going to hand it over to me. At kapag naging first honor ka na ulit ay saka mo lang iyon makukuha!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy. “Ano? Pero, Mommy—”

“No buts! Paparating na ang driver diyan para sunduin ka. Understood?”

Hindi agad ako nakasagot.

“Understood?!”

“Yes, Mommy.” Pagkatapos ko iyong sabihin ay namatay na ang tawag.

Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan ako nang gano’n ni Mommy. Iyon din ang unang pagkakataon na naging grounded ako. Hindi naman nakakasama ang gadgets para sa mga kabataan, depende iyon sa paraan ng paggamit. At hindi rin ang gadgets ang dahilan kung bakit ako naungusan ni Enrick sa Math Elimination. May ibang dahilan. It was like a button inside me, that had turned off.

Parang may bumara sa aking lalamunan at nahirapan akong huminga. Tumulo bigla ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng disappointment at inis para sa satili ko.

Sa nanginginig na kamay ay pinunasan ko ang luha ko kahit patuloy pa rin iyon sa pagbuhos. Napaka-useless lang ng pagda-drama ko. Dahil kahit naman ipunin lahat ng luha ko at kahit inumin ko pa iyon, hindi ko naman mababago ang result ng Math Elimination.

Nagulat ako nang may nakita akong kamay na nakalahad sa harapan ko. Mas lalo akong nagulat nang natanto kung sino ang may-ari ng kamay na iyon.

Enrick de Vera stood in front of me, holding a handful of tissue.

“Wipe your tears, Soledad. I don’t like to see you crying.”

Dahil mas matangkad siya sa akin ay kinailangan ko pang tumingala sa kanya. Nakita kong nakatitig siya sa akin habang suot ang plain na ekspresyon.

Sa hindi kalayuan ay namataan ko naman ang aming sasakyan na pumarada. Bumaba ang salamin noon at nakita ko ang aming driver sa loob.

Tumingin ulit ako kay Enrick. “Hindi ko kailangan ng tissue mo,” sabi ko para mapahiya siya.

“Then, I’ll use my thumb instead.”

Nagulat ako nang biglang dumampi ang kanyang hinlalaki sa aking pisngi at pinunasan noon ang aking mga luha. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Parang may naramdaman akong mga paru-paro sa aking tiyan at bigla akong kinabahan.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon