Yugto 13: Girlfriend
Agad na natigilan ang mga nakatitig sa amin. Ang mga dumadaan ay huminto at lumingon na rin sa amin. Apektado sila dahil sa sinabi ni Enrick.
“Uy!”
“I thought si Dana ang girlfriend ni Enrick. What a playboy.”
“Akala ko si Abby. Magkasama sila kanina.”
“Stay strong!”
“Enrick, ako na lang ang jowain mo!”
“Hindi pwede iyan! Akin ka na lang Beatrix!”
Nakita kong kumunot ang noo ni Enrick nang narinig niya ang sinabi noong huling nagsalita. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. Naamoy ko kaagad ang kanyang bango.
He just said that I’m his girlfriend. And that’s not true.
“That’s not true—”
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sumigaw si Enrick. “I knew it!”
Nagulat ako dahil nakita kong nakabukas ang app na Facebook sa aking cellphone at mukhang nalaman na nga ni Enrick na ako ang nag-post noong video niya.
“Hoy! Ibalik mo sa akin iyan!”
“Ikaw ang nag-post.”
“Hindi, ‘no!” pagsisinungaling ko kahit may pruweba naman na.
Umiling siya at inilapit na naman niya ang kanyang mukha sa akin. Sa sobrang lapit ay pakiramdam ko, hahalikan na niya ako. Ang walang hiya kong puso ay tumibok nang malakas. And for a second I was afraid that he might hear my heart. Nagdikit pa ang aming noo at parang mahihimatay na ako.
Bumulong siya sa akin. “I didn’t know that you’re a liar and a stalker, Soledad.”
Pagkatapos ay ibinalik niya sa aking bulsa ang aking cellphone.
“Pero makakaganti na ako sa ginawa mong pagpapakalat ng video ko. Ngayong sinabi ko na sa lahat na girlfriend kita, magiging miserable ka.”
Nanatili akong estatwa sa kinatatayuan ko. Uminit ang pisngi ko at mabilis ko siyang tinalikuran nang pumasok sa akin ang kahihiyan. Tumakbo agad ako palayo.
Sa gabing iyon ay nalaman kong mayroong nang-hack sa dummy account ko. Na-deactivate iyon kahit hindi ko naman ginawa. Pero ang mas nakakagulat pa ay nang buksan ko ang totoo kong account, wala na akong nakitang video ni Enrick. Na-delete na pati ang video nila ni Dana.
And there’s no doubt that Enrick was the one who did it. Kung hindi man siya mismo ang gumawa, ay baka nagbayad lang siya ng isang techno genius para gawin ang mga bagay na iyon.
Araw ng Lunes at kakatapos lang naming magkaroon ng long quiz.
“As usual, Mr. de Vera got the highest score in our long quiz,” ani adviser namin. Madami pa siyang sinabi pero iyon lang ang tumatak sa isip ko.
To hear that Enrick was the high scorer even on the second quarter, was hell. I hate it.
Sigurado akong magagalit na naman si Mommy kapag nalaman niya iyon. Bumuntong-hininga ako at nilingon ko si Enrick. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at hindi ko alam kung bakit.
Seryosong nakatingin si Enrick sa teacher namin na nagsasalita sa harap. He always looked so calm and... and... at peace.
Nagawa kong i-post ang video nila ni Dana sa Facebook. Naging usap-usapan iyon sa school. Pero gano’n pa rin si Enrick, kalmado at parang wala lang. Parang hindi siya naapektuhan. Dapat ay ikakasira niya ang video na iyon, para ako naman ang umangat sa klase, pero wala namang nangyari. Hindi naman siya nasira.
Gaya ng inasahan ko ay pinagalitan ako ni Mommy. Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong niya agad ako ng tanong, kung kamusta raw ang araw ko sa eskwelahan. And I had no choice but to tell her about the long quiz.
Mahigit isang oras ang sermon sa akin ni Mommy at pagkatapos noon ay nagkulong ako sa aking kwarto. Nang gumabi na at natapos na akong mag-dinner at mag-shower ay humiga na ako sa kama. Tamad kong binuksan ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Courtney. Sa hindi malamang rason ay nagpunta ako sa Facebook.
At laking gulat ko nang nakita ko kung gaano kadami ang notifications sa real account ko.
“The honourable and famous member of Grade 12 Falcons, Enrick de Vera is in a relationship with Beatrix Soledad!”
Iyon ang caption sa post kung saan naka-tag ako. Sa ilalim noon ay ang picture namin ni Enrick. Nakaakbay siya sa akin at nakasandal ako sa bulletin board. Nakuhanan pala kami sa posisyong iyon.
Kumalat sa Facebook na girlfriend ako ni Enrick. Kasi sinabi niya na girlfriend niya ako. Fake news iyon. Bakit sila naniwala?
Nag-scroll down ako sa comment section.
“Whoa! Akala ko ba si Enrick at si Dana? Hindi ba may kumalat na video?”
“No! It can’t be! Beatrix Soledad and Enrick de Vera? No! You will rot in hell, Beatrix! Akin lang si Enrick!”
Napatigil ako sa nabasa ko. That was rude. Pero hindi lang iyon ang harsh na comment na nabasa ko. Marami sila.
“Sasabunutan ko iyong Beatrix na iyan kapag nagkita kami!”
“Bakit siya? She just care about her studies!”
“Akala ko ba hindi naggi-girlfriend si Enrick? Akala ko ba puro flings lang siya?”
“Enrick, ako na lang! Please?! Dump that Beatrix!”
Napakarami pang komento ang nandoon. Baka one-fourth ng school ang nag-comment dahil sa dami. Tinigilan ko ang pagbasa.
Gusto ko sanang mag-reply at sabihin na hindi ko boyfriend si Enrick. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon dahil natatakot ako na baka malaman iyon ni Mommy.
Grounded ako. Ano na lang ang iisipin ni Mommy, na paano ako nakapag-comment gayong grounded ako at wala akong hawak na kahit anong gadget? She’d find out na pinahiram ako ni Courtney ng phone at mapapagalitan ang pinsan ko.
Damay-damay.
Sa galit ko ay hinanap ko ang account ni Enrick sa Messenger. Kung hindi niya sinabi na girlfriend niya ako, edi sana ay hindi ako pinagpistahan ng mga fans niya sa Facebook. Sana hindi nasira ang pangalan ko.
I really hate him.
Nang nahanap ko ang account ni Enrick sa Messenger ay agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Ako:
Enrick, gusto ko lang malaman mo na nakakagulo ka sa buhay nang may buhay. Dahil sinabi mo sa lahat na girlfriend mo ako, ay kumakalat na iyon sa Facebook. At alam naman natin na hindi iyon totoo. So, please lang, bawiin mo iyong sinabi mo. Para sa ikakatahimik nating dalawa.Halos mabasag ko ang screen nang pinindot ko ang send icon.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...