Yugto 36: I’m Just Worried
After one hour ay natapos na kaming kumain ni Enrick.
Nang nakalabas kami sa Pizza Hut ay hinila ko siya papunta sa sinehan. Pinili ko ang isang movie na anime. He bought our tickets. Sa loob ng sinehan ay panay ang pagngiwi ni Enrick sa tabi ko.
“Bakit ba itong movie na ito ang pinili mo? This is too cheesy,” reklamo niya.
“Shh,” sabi ko naman dahil hindi ako makapag-concentrate doon sa sinasabi ng bida.
Ang lalaking bida ay napunta sa isang gubat nang siya ay baby pa. At dahil iyak siya nang iyak noon, ay isinumpa siya, na kapag nahawakan siya ng isang tao ay maglalaho siya at hindi na makikita kailanman. Then, one day, may batang babae na napadpad sa gubat at naging magkaibigan silang dalawa. Sinabi niya sa babae na hindi siya pupwedeng hawakan dahil maglalaho siya.
Nang dumating na sa pinaka-heartbreaking na part ang movie ay nagsimula akong umiyak.
“This is so boring,” bulong-bulong ni Enrick sa tabi ko.
Boring raw. Halos lahat ng tao sa sinehan ay umiyak, maliban sa kanya.
Hindi ko na lang pinansin si Enrick at nagpatuloy ako sa pag-iyak. Damang-dama ko ang scene.
Nang nakalabas kami sa sinehan ay medyo nabawasan ang pagiging hyper ko dahil sa nakakaiyak na movie na iyon. Panay ang gala ng mata ko sa paligid ng mall. Habang si Enrick naman ay nakatitig sa wrist watch niya.
“We need to go home, gumagabi na.”
Ngumiwi ako. “Ayaw ko pa. Dito muna tayo.”
“Umuwi na tayo, gabi na.” Nanatiling nakatitig ang magagandang mata niya sa akin.
Nag-iwas na lang ako ng tingin. Nahagip ng mga mata ko ang isang ice cream stand. Walang pag-aatubili ko iyong itinuro. “Bili tayo ng ice cream...”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong hinila palapit sa kanya. Kinaladkad niya ako palabas ng mall at diretso sa parking lot. Gusto ko sanang magreklamo, kaya lang ay nakakapanghina ang hawak niya.
Matagumpay niya akong naisakay sa front seat ng kotse niya. Doon pa lang ako nagreklamo, kasi binitiwan na niya ako. “Ayaw ko pa ngang umuwi, Enrick.”
“Gabi na.”
“Pero gusto ko ng ice cream.” Ngumuso ako sa kanya.
Ginulo niya ang kanyang buhok at kinagat ang labi. “Fine.”
Agad akong ngumisi. “Rocky road ang gusto ko!”
“Okay, basta rito ka lang sa loob ng kotse ko. Ibibili kita ng ice cream,” aniya at binukas ang pintuan.
Tumango naman ako at pinanood ko siyang bumaba ng sasakyan at lumakad patungo sa mall.
Bumuntong-hininga ako noong nawala siya sa paningin ko at tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng mall. Nanatili ako sa loob ng kotse niya nang ilang segundo. Inamoy ko ang bango ng air freshener.
Pero noong hindi ko na kinaya ay lumabas ako sa kotse. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Napapikit na lang ako at sumandal sa bintana ng kotse niya.
Sinubukan kong kalmahin ang isip ko.
Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na kaagad si Enrick. May dala siyang isang cup ng ice cream. Inagaw ko iyon sa kanya at nilantakan. Hindi ko inalintana ang ngilo sa ngipin ko.
“I told you to stay inside my car,” nakasimangot na sabi ni Enrick.
“Gusto ko ng totoong hangin kaya lumabas ako.”
“Ang tigas ng ulo mo.”
“Bakit ba? Galit ka sa akin dahil lumabas ako ng sasakyan mo?”
“Kaya kita pinag-i-stay sa loob kasi ayaw kong mapahamak ka. Paano na lang kung may nambastos sa ‘yo rito sa labas?” Nakasimangot pa rin siya habang nag-iiwas ng tingin sa akin.
“Napaka-nega mo namang mag-isip! Hindi iyan mangyayari, ‘no,” sabi ko at nilantakan ulit ang ice cream.
Sa ilang sandali ay parang ayaw ko na talagang umuwi.
Niyakap ako ni Enrick mula sa likod at siya na ang nakasandal sa bintana ng sasakyan. Ako naman ay nakasandal sa dibdib niya.
“I’m just worried,” bulong niya.
Inihatid ako ni Enrick pabalik sa bahay namin noong gabing iyon. Nang bumibyahe kami ay nasabi ko sa kanya na tumakas lang ako mula sa amin. Hindi ko naman talaga gustong sabihin iyon. Pero ayaw ko namang maglihim sa kanya.
“What, baby? You escaped?” Iyon ang una niyang tanong. “Tumakas ka para lang makipag-date sa akin?”
“Hindi ako tumakas para makapag-date tayo... It’s a long story.”
Kumunot ang noo niya at mas humigpit ang hawak sa manibela. Napatingin ako sa pamilyar na dinadaanan ng kotse niya. Nasa subdivision na kami at malapit na kami sa bahay.
Something twisted inside my stomach. Parang ayaw ko nang umuwi. Parang gusto ko na lang sa tabi ni Enrick. Kung pwede lang.
“Well, I want to know that long story.” Nakatingin siya sa akin at hindi sa daanan.
Kinagat ko ang labi ko at napilitan na akong magsabi ng totoo. “Nagsinungaling ako kay Mommy tungkol sa report card ko. Ang sinabi ko sa kanya, ay hindi pa nagre-release ng third quarter grades...”
Nakatingin ako sa taong mas matalino sa akin. Sa taong mas lamang ang grades kaysa sa akin. Ang taong dapat na lamangan ko. Ang taong kinamumuhian ko. Dati.
“Kasi kapag nalaman na naman ni Mommy na second honor lang ako, magagalit siya.” Umiling ako sa sarili ko. “At ayaw ko nang mapagalitan, kaya nagsinungaling ako. Pero kanina, tinawagan ni Mommy si Mr. Dimaano. Narinig ko silang nag-uusap at alam na ni Mommy na nagsinungaling ako. Takot akong mapagalitan kaya tumakas ako.”
Hininto niya ang sasakyan, nangangahulugang nandoon na kami sa tapat ng bahay namin.
He remained silent.
“Galit ka ba kasi tumakas ako?” Hinawakan ko ang braso niya.
“Hindi ako galit, Beatrix.”
“Eh, ano?” tanong ko dahil parang hindi siya masaya sa nalaman niya.
Lumapit siya sa akin at inilapat niya ang kanyang labi sa aking noo. “Next time, huwag mo na ulit gagawin iyon. Huwag ka nang tatakas at magsisinungaling sa mga magulang mo kahit ano pa ang dahilan. Our parents care for us.”
“Okay. Promise.”
“I love you.” Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. “Good night.”
“Love you too.” Ngumiti ako at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. “Thank you for tonight.”
Bumaba ako sa sasakyan niya at tumakbo patungo sa gate ng bahay namin. Binuksan ko iyon at kumaway ako kay Enrick. Hinintay niya muna akong makapasok at maisarado ang gate bago niya pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Pero nabasag ang ngiti ko nang nagsalita si Mommy na nasa likod ko pala.
“Beatrix? Saan ka galing?”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
JugendliteraturBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
