Yugto 34

149 7 0
                                        

Yugto 34: Greatest Gift

Walang pag-aalinlangan akong tumayo. Kahit na medyo kinakabahan ay masaya ako dahil si Enrick ang magbibigay ng regalo sa akin. Inabot niya sa akin ang isang paper bag. Sa paper bag ay nakamarka roon ang pangalan ng mamahaling brand ng isang clothing line.

“Thanks, Enrick.”

Nakita kong kumislap ang mga mata niya. Nagkatitigan kami.

“Welcome.”

After that, he went back to the circle of my classmates. I smiled at kinuha ko ang papel na aking nabunot. Nang binasa ko ang pangalan sa papel ay tumayo naman si Fritzie at tinanggap ang aking regalo.

Bumalik ako sa aking kinauupuan at maingat na inilapag sa aking mga hita ang regalo. Hinanap ng mga mata ko si Enrick at natagpuan ko siya sa malayong bahagi ng circle.

Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone.

Enrick:
Please open it.

Ngumisi ako at nagtipa ng reply.

Ako:
Okay.

Dahan-dahan kong ipinadausdos ang aking kamay sa paper bag at binuksan ko iyon. Nakapa ng aking mga kamay ang malambot na tela ng isang t-shirt. Tuluyan ko iyong inangat mula sa paper bag.

It was a red shirt, kakulay ng suot ni Enrick. At mayroong mga bold letters na nakamarka roon.

Binasa ko ang nakasulat sa t-shirt. “Greatest gift.”

Nag-message ulit si Enrick at binasa ko iyon.

Enrick:
Do you like it?

Ako:
I like it. Pero bakit “Greatest Gift” ang nakasulat?

Kahit na mayroon na akong ideya kung bakit gano’n ang nakalagay sa red t-shirt, ay ayaw ko pa ring mag-assume.

Enrick:
Because you are my greatest gift.

Napangiti ako at napatingin sa kanya. Doon ko na-realize kung bakit ang nakasulat sa kanyang t-shirt ay “She’s My.”

Ako:
You’re my greatest gift too.

Sa araw rin na iyon, pagkatapos ng exchange gifts namin ay nagpamigay ng third quarter grades si Mr. Dimaano.

Mapait akong ngumiti habang hawak ko ang aking report card. Mataas pa rin naman ang aking mga grades. Pero syempre, mas mataas ang grades ni Enrick.

Pero kontento na ako at tanggap ko na. Na kahit anong gawin natin, kahit na anong pagsisikap natin na maging mataas, bababa at bababa pa rin tayo. We can never stay on top forever.

“Goodbye.” Hinalikan ni Enrick ang aking noo.

“Bye,” sabi ko at tinitigan ang mga mata niya. Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang aking cellphone, a sign that we should text each other.

Wala akong naging imik nang pumasok ako sa aming sasakyan. Ikinubli ko ang aking report card sa loob ng paper bag ng regalo ni Enrick.

Pag-uwi ko sa bahay ay boses agad ni Mommy ang narinig ko sa sala. “Manang, doon sa basement mo na lang iyan ilagay.”

“Sige po.”

Nilingon ko si Mommy at nakita ko naman na umalis na ang aming kasambahay dahil sa utos niya.

“Good afternoon, ‘My,” sabi ko at humalik sa pisngi niya.

“Good afternoon.”

Tinalikuran ko siya matapos iyon. Magsisimula na sana akong humakbang kung hindi lang siya nagsalita ulit.

“So...”

Lumingon ako kay Mommy. Hilaw akong ngumiti.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Nag-release na ba ng report cards?”

Parang sinipa ng kabayo ang aking puso at bigla akong kinabahan.

If that was just a normal day, I would say yes to her, I would tell her the truth. Kung normal na araw iyon, ay hindi ako magsisinungaling, kahit pa ang kapalit noon ay ang pagalit ni Mommy.

But that was not a normal day for me.

Itinago ko sa aking likod ang regalo ni Enrick, kung saan nakalagay ang aking report card.

“Hindi pa po.”

“Hindi pa? Kadalasan, bago mag-Christmas break, ay ibinibigay na ang mga report cards for third quarter, ‘di ba?”

“Baka po sa January na ipapamigay. Maybe my teachers are not yet done computing the grades.” Nagkibit-balikat ako.

To complete the act, lakas-loob kong tinitigan sa mga mata si Mommy. To make her see that I’m not lying because I could look into her eyes.

Bumuntong-hininga ako at humikab pa nang kaunti. “I’m tired. Punta na po ako sa kwarto ko.”

Tumango lamang si Mommy pero nanatili ang titig niya sa akin.

Nang nakapasok ako sa aking kwarto ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Kinuha ko ang aking report card. Tinitigan ko iyon bago ko inilagay sa ilalim ng aking bed sheets.

Alam ko naman na hinding-hindi ko maloloko nang habambuhay si Mommy. Dahil darating pa rin ang araw na hahanapin niya ulit sa akin ang report card. Pero bahala na.

“Tumawag sa akin ang Daddy mo. Mamayang ten pm pa raw ang uwi niya galing sa trabaho,” wika ni Mommy habang nakaupo sa aming couch at nagbabasa ng kung ano.

Kasalukuyan akong nakatayo malapit sa library door namin.

“We’re having late dinner with him,” dagdag pa niya.

Sumang-ayon ako kay Mommy at pumasok na sa aming library. Kumuha ako ng mga librong pwedeng basahin at bumalik na ako sa kwarto ko. Inaksaya ko ang mga oras ko sa pagbabasa ng libro. Hanggang sa...

“Mr. Dimaano, this is the second day of Christmas break and I’m just wondering kung bakit hindi n’yo pa ibinibigay ang report cards ng mga estudyante ninyo.”

Napaigtad ako sa boses na aking narinig. Boses iyon ni Mommy. Nabitiwan ko ang libro kong hawak.

Narinig ko ba ang pangalan ni Mr. Dimaano? My Mom was talking to my adviser about the report cards on the phone.

“Are you saying that my daughter is...”

Unti-unting humina at lumayo ang boses ni Mommy. Tumayo ako at lumapit sa pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan ko iyong binuksan at nakita ko si Mommy na hawak ang kanyang cellphone at pababa na ng hagdan.

Hindi ko na narinig ang boses niya dahil palayo na siya nang palayo sa aking kwarto, pero alam kong nagsasalita pa rin siya. Mabilis kong sinarado ang aking pinto. Suminghap ako at hinilamos ko ang aking mga palad sa mukha ko.

Nag-replay sa utak ko ang huling mga salitang narinig ko.

“Are you saying that my daughter is...”

Lying.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon