Yugto 42: Huwag Na Lang
Mag-aalas-nuebe-y-media nang nakauwi ako sa bahay namin. Naka-dim na ang mga ilaw at halatang tulog na ang lahat ng kasambahay namin. Pero nakita kong bukas ang ilaw sa aming library.
Pumunta ako palapit sa library at dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko na nakaupo si Daddy sa usual seat niya at nakabukas ang kanyang laptop. Si Mommy naman ay nakaupo sa may sofa at nagbabasa ng magazine. Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin nang naramdaman nila ang presensya ko.
“Mommy, Daddy...” Napahikbi ako. “Sorry po.”
I ran to the sofa and hugged my Mom tight. Bumuhos ang mga luha ko. “Sorry po kung naging matigas ang ulo ko at hindi ko sinunod ang mga payo n’yo. I should have listened... I’m so sorry Mom, Dad...” Humagulgol ako.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Mommy sa aking likuran habang nakayakap ako sa kanya. Si Daddy naman ay tumabi sa amin ni Mommy at inalo rin ako.
“It’s okay, Beatrix...” Banayad ang boses ni Mommy noong sinabi niya iyon. “You’re right. You’ve done your best at everything that I want you to. But I failed to see it. Sorry, anak, if I’m so hard and very strict to you.”
At doon nagsimulang magbago ang lahat.
Matapos ang gabing iyon ay ibinalik na ni Mommy ang lahat ng gadgets ko. Binalik na rin niya ang dati kong allowance. Pinayagan na akong lumabas kahit weekends. Hindi na rin nag-tutor sa akin si Mrs. Santos. Mayroon pa rin naman akong curfew pero naging alas-onse na iyon.
Sa katunayan, dapat ay maging masaya na ako. Dahil maluwag na ang buhay ko. Pero hindi ko nagawa dahil palagi kong naaalala si Enrick.
Nanatili akong walang contact kay Enrick. Ni social o physical contact, wala. Ni-block ko ang number niya sa phone ko. At iniwasan ko na ring magbukas ng mga social media accounts.
“Paano na iyan, Trix? Resume na ng classes bukas, ‘di ba?” nag-aalalang tanong ni Courtney nang pumunta siya sa bahay nang Linggo. Isinauli ko na sa kanya ang phone niya.
“Ibig sabihin ay makikita mo na ulit si Enrick. Classmate mo pa naman iyon. Are you ready for that?”
Tumango ako. “I should be. Wala naman akong ibang choice.”
Kahit na anong gawin ko ay hindi ko mapipigilan ang panahon na magkikita kami. Classmate ko siya kaya araw-araw ko siyang makikita. Kaya kailangan kong maging ready.
“Just act casual, act normal. Ituring mo siya kung paano mo ituring ang normal mong classmate o kaibigan. Remember, wala nang kayo. Iyan dapat ang iparamdam mo sa kanya... na back to normal na kayo. Break na kayo. As in break.”
Paulit-ulit iyong ipinaalala sa akin ni Courtney.
At dumating na nga ang araw ng muling pagkikita namin ni Enrick. Resume na ng classes. Bumuntong-hininga pa ako bago ako pumasok sa loob ng classroom namin. Tulad ng bilin ni Courtney, I acted casual.
Dire-diretso ako patungo sa upuan ko sa tabi ni Enrick. Nakaupo na si Enrick sa upuan niya at hindi ko siya tiningnan sa mata nang naupo ako. Kahit na maingay ang mga kaklase namin ay narinig ko pa rin ang katahimikang namagitan sa amin ni Enrick. Nakakabinging katahimikan.
Lumipas pa ang mga oras. Hanggang sa...
“De Vera! Soledad!”
Napalingon ako sa tumawag sa apelyido ko at sa apelyido ni Enrick. Nakita ko si Mr. Dimaano na nakalapag ang dalawang kamay sa teacher’s table. Nakatuon ang mga mata niya sa aming dalawa ni Enrick.
“Ako po?” tanong ko.
“Kami po?” tanong naman ni Enrick.
Nagkatinginan kami. Sabay pa talaga kaming nagsalita.
“Oo. Kayo ngang dalawa! Pakidala itong mga boxes sa chem lab.” Itinuro ni Mr. Dimaano ang mga box na nakalapag sa semento.
Noong una ay parang ayaw ko pa, pero wala na rin akong nagawa. Sumunod kami sa utos ni Mr. Dimaano at dinala ang mga boxes. Ilang minuto kaming sabay na naglakad ni Enrick hanggang sa nakarating kami sa chem lab. Walang nagsalita sa aming dalawa. Walang imikan.
Walang pinagbago sa itsura ng chem lab. Walang katao-tao. Nandoon pa rin iyong silyang nakaharang sa may pintuan. Sa taas noon ay ang sign na “Pakiusap, huwag itong tatanggalin.”
Hindi ko na pinatagal pa at hinanap ko na ang shelves. Doon ko inilagay ang mga box ni Mr. Dimaano. Gustong-gusto ko nang matapos iyon. Gusto ko nang makabalik sa classroom. At least doon, kahit na katabi ko si Enrick ay hindi kami nag-iisa.
Nang nailagay ko na ang mga box sa shelves ay nagmamadali akong lumayo roon. Nandoon na rin kasi si Enrick sa harap ng shelves at inilagay niya rin ang mga box.
Lumapit na ako sa pintuan ng chem lab. Tuluyan na dapat akong lalabas pero hindi ko nagawa dahil narinig ko ang malamig na boses ni Enrick.
“Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?”
Naghurumentado ang puso ko. God. I missed his voice.
Hinarap ko siya at nagtaas ako ng kilay. “Ano bang gusto mong pag-usapan?”
“I didn’t fool you for my grades... I loved you, I can prove that to you.”
“Shut up,” maagap kong tugon. “Kung iyan lang rin naman ang gusto mong pag-usapan, mas mabuti pang huwag na lang tayong mag-usap.”
At tinalikuran ko siya.
At mula nga sa araw na iyon ay hindi kami nag-usap ni Enrick. At kahit na katabi ko siya sa upuan sa classroom ay itinuring ko siya na para bang hangin. Tuwing lunch break naman ay sumasabay pa rin sa akin si Harold na kumain. Pero hindi na rin kami katulad ng dati, may kaunting awkwardness nang namagitan sa amin.
Even if he didn’t want to admit it, alam ko na nasaktan siya dahil sa huli naming pag-uusap.
Sa sumunod na araw ay nagkaroon kami ng group activity sa PE. Habang gumagawa ng steps ang mga kagrupo ko para sa isasayaw namin ay nilapitan ako ni Janine.
Malungkot siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin o i-react sa harapan niya.
Suminghap siya. “So... hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?”
Nagtiim-bagang ako. Syempre, hindi pa niya alam na break na kami ni Enrick.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...