Yugto 32: I Am So Happy
“Bakit mo siya hinalikan?” galit kong tanong kay Enrick.
“Kasi natitigang ka na? Kasi twelve days mo na akong nililigawan pero hindi pa rin kita sinasagot? Hindi ka makapaghintay sa sagot ko kaya humanap ka na lang ng iba, iyong babaeng katulad ni Leila na hindi ka na pahihirapan, hindi mo na kailangang ligawan kasi sasagutin ka na niya kaagad? Gano’n ba iyon, ha? Hindi mo naman sinabi sa akin na gano’n pala ang hanap mo! Na gusto mo pala ng mabilisan! Na halik lang pala ang gusto mo!”
“Ano... anong halik ang sinasabi mo?” Hinawakan ni Enrick ang siko ko.
“Enrick, alam ko na mas matalino ka kaysa sa akin pero hindi ibig sabihin noon ay mauuto mo na ako!”
“What? Baby, what are you talking about? Hindi kita inuuto.”
“Cut the bull! Nakita ng dalawang mata ko na naghahalikan kayo ni Leila! Kitang-kita ko!”
Umiling siya sa akin at hinapit niya ang aking baywang. “I did not kiss Leila.”
Umiling rin ako sa kanya. Ginamit ko ang natitira kong lakas at tinulak ko siya.
“Niloko mo lang ako! May pa-I-love-you-I-love-you ka pang nalalaman!”
“Beatrix, no. Ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko, ikaw ang liligawan ko. Ikaw lang.”
“I hate you!”
“Look, kung ano man ang nakita mo, maybe, guni-guni mo lang iyon. I didn’t kiss Leila, I would never do that.”
“I hate you,” sabi ko ulit.
Sa pagkakasabi ko noon ay biglang pumasok si Leila sa loob ng comfort room.
Sumunod pa talaga siya.
“Enrick, bakit bigla kang umalis?” she asked.
Pero parang walang narinig si Enrick dahil nakatitig pa rin sa akin ang mokong.
Itinulak ko ulit siya. “Magsama kayo.”
Tumalikod ako at umambang lalabas ng pinto. Pero mabilis akong niyakap ni Enrick galing sa likod. “No, Beatrix. Please don’t hate me. Hindi ko hinalikan si Leila. Believe me, please,” matapang niyang sabi na para bang walang ibang tao.
“Enrick, please din. Huwag mo nang itanggi. Nakita ko! Naghahalikan kayo!” sigaw ko. Kinalas ko ang mga kamay ni Enrick sa baywang ko, pero hindi ko iyon natanggal.
Nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Leila dahil sa sinabi ko.
“Leila, could you please leave us,” mahinang utos ni Enrick kay Leila. Pero nanatili pa ring nakatayo si Leila roon.
“Huwag mong itaboy si Leila, Enrick. If you two want to continue kissing, then I should be the one to leave.”
“No, Beatrix. You got it wrong.” Sa wakas ay nagsalita si Leila. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Enrick.
“Beatrix, I love you. I didn’t kiss Leila.” Nagpatuloy si Enrick sa pagyakap sa akin galing sa likod. Bulong siya nang bulong.
“Mali ang iniisip mo, Beatrix,” pagpapatuloy ni Leila.
“Leave, Leila,” mariing utos ni Enrick.
“Shut up, Rick! Kung gusto mong magkaayos kayong dalawa ni Beatrix, let me tell her the truth! Tinutulungan na nga kita. Don’t worry, aalis ako pagkatapos kong magpaliwanag.”
“Bitiwan mo ako,” sabi ko kay Enrick kahit na mukhang hindi niya gagawin iyon. “Magsama kayong dalawa!”
“Beatrix, calm down,” si Leila. “Kung iniisip mo na niloloko ka lang ni Enrick, then nagkakamali ka. Baliw na baliw iyan sa ‘yo. Kung iniisip mo na magmamahal siya ng iba, mukhang malabo iyon,” mahinahon niyang sabi. “At iyong nakita mo kanina, hindi kami naghahalikan ni Enrick. Mayroon lang akong sinasabi sa kanya... at dahil magkalapit ang mukha namin ay inakala mo nang naghahalikan kami.”
Nanatiling nakakunot ang noo ko. Magkasalubong ang kilay ko at nangingilid ang mga luha.
“Aalis na ako. Huwag na kayong magbangayan.” Tumalikod si Leila sa amin. Pinanood ko kung paano siya lumabas ng CR at lumakad palayo.
“Is she telling the truth?” tanong ko kay Enrick nang hindi siya nililingon.
“Yes.” Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. “I only love you, Beatrix. Siguro nga, marami akong nahalikan na babae, noon. Pero simula nang na-in love ako sa ‘yo, wala na akong ibang gustong halikan kundi ikaw.”
Abot ang tahip ng puso ko dahil sa sinabi niya. Kumalas siya sa yakap at hinarap niya ako.
“Stop crying.” Pinunasan niya ang mga luha ko, pero tinampal ko ang kamay niya.
“May sinasabi lang pala si Leila sa ‘yo. Eh, bakit kailangang magkalapit pa ang mukha ninyo? Akala ko tuloy, naghahalikan kayo!”
“I’m sorry, alright? Sorry dahil magkalapit ang mukha namin. Hindi na mauulit, baby.”
Umirap ako. “Masyado ka kasing malandi!”
“Malandi? What?”
“Oo! Noong grade eleven tayo, araw-araw kitang nakikitang may kasamang babae, paiba-iba! ‘Tapos naghalikan pa nga kayo ni Dana! ‘Tapos noong nag-newspaper dance, masyado kayong malapit ni Hannah! ‘Tapos gusto ka ni Abby, pati ni May! ‘Tapos si Janine Alvarez—”
“Wait...” He licked his lips. “Are you jealous?”
Kainis naman. Kailangan pa ba iyong itanong?
“Oo! Nagseselos ako! Lagi. Sa tuwing may kasama kang iba. Sa tuwing nilalapit-lapitan ka ng mga babae.”
“Bakit ka nagseselos? Mahal mo rin ba ako?”
Natigil ako. Lumakas pa ang pintig ng puso ko at nagbunyi ang mga paru-paro sa aking tiyan.
“Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman?” Tinitigan ko ang mga mata niya. “Sa tingin mo ba, magseselos ako kung hindi kita mahal? Sa tingin mo ba, re-reply-an ko ang mga text mo kung hindi kita mahal? Sa tingin mo ba, nandito ako ngayon sa harapan mo kung hindi kita mahal?” Kinagat ko ang labi ko. “Mahal kita, Enrick.”
Damang-dama ko ang mabilis na pag-indayog ng puso ko sa aking ribcage. Niyakap niya ako nang mahigpit. Parang may mainit na kamay na humawak sa puso ko.
“Ibig sabihin ba nito... sinasagot mo na ako?”
Ang sabi ni Mommy bawal mag-boyfriend. Ang sabi ni Mommy ang pag-ibig ang sisira sa pag-aaral ng kabataan.
“But you know I can wait. Hihintayin ko kung kailan ka magiging handa,” sabi niya nang napansin na hindi ako nakapagsalita. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.
Pwede kayang huwag ko munang isipin ang mga sinabi sa akin ni Mommy? Pwede kayang sundin ko naman ang sarili ko? Ang puso ko?
“Handa na ako...” Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan ko ang mga iyon. “Sinasagot na kita.”
Ilang sandali pa niya akong tinitigan na para bang hindi siya makapaniwala. Ngumiti siya sa akin. “Damn, I am so happy right now.”
Unti-unting bumaba ang titig niya sa mga labi ko. He licked his lips and for a second I think he would kiss me. But I was wrong. Inilapat niya ang kanyang mga labi sa aking noo.
“I love you, Beatrix.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
