"Nakita mo na itong ginawa mo? Nahulog tayong dalawa sa ilog at tinangay!" gigil na sisi ni Sonja kay Lucian. Hindi naman sumagot ang lalaki. Nakatingin lang ito sa kanya na parang isang maamong tupa. Napabuga ulit nang hangin si Sonja at tumingala. Tanya niya ay natangay sila nang malakas na agos ng ilog sa isang kuweba. Tingin niya ay ilang kilometro rin ang lalim nila.
Wala silang ibang daraanan kung hindi sa ilog. Pero hindi kabisado iyon ni Sonja. Hindi niya alam kung saan iyon lalabas. Napabuga ulit siya ng hangin at inis na tiningnan si Lucian.
Lingid sa kaalaman nito ay hindi na niya kayang mag-cast ng spell. Sa tagal at dami nang inilabas niyang enerhiya, hindi pa siya nakakabawi. Galing pa siya sa pagsasanay kanina. Sagad na sagad na siya. Kaya wala siyang magawa kundi ang tumalak ngayon. Ni hindi siya makapag-teleport dahil hindi pa nakaka-recover mula sa inilabas na enerhiya.
"I'm sorry. But we need to talk." malumanay na saad ni Lucian at tumayo.
Napaurong si Sonja. Bigla siyang kinabahan. Nasa katawang tao ulit si Lucian at nakahubad. Napalunok siya nang maaninag ang kakisigan nito. Agad siyang nagiwas nang tingin. Sinikap niyang huwag mapatingin. Huwag magpatukso.
Damn it. Ilang araw ba siyang nagsarili dahil sa matinding pangungulila rito? Hindi na niya mabilang. And he was naked now. It was tempting. But no! Hindi siya dapat mapaapekto!
"You don't even want to look at me." malumanay nitong saad. Natutunaw tuloy ang puso niya.
"Paano mo ako natunton?" malamig at malayo niyang tanong. Sinikap niyang ipakita na hindi siya affected sa kakisigan nito.
Napabuntong hininga ito. "I followed your scent. Two weeks ago, bumalik kami dito sa Pilipinas. Ako na lang ang bumaba ng barko para hanapin ka."
Gulat na napatingala si Sonja. "K-Kasama mo ang grupong pumunta rito?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito. "Suportado nila ang desisyong hanapin ka kaysa ang bumalik sa England."
Napamaang si Sonja. Nalula siya sa effort nito. Muntikan na siyang natangay pero agad din niyang kinontrol ang sarili.
"Hindi mo na ito dapat na ginawa. Buo na ang desisyon ko. I-Isa pa, ayaw na kitang makita! I hate you, Lucian! I despise you!" mariin niyang saad. Nangilid ang luha niya dahil sa sama ng loob.
Nagkaroon nang lambong ang mga mata ni Lucian. "I'm really, really sorry. Noon, sinabi ko na anuman ang sagot at desisyon mo oras na malaman ang totoo, tatanggapin ko. Akala ko, ganoon lang iyon kasimple. But I was so wrong. Hindi ko kayang mawala ka at walang gawin para manatili ka sa tabi ko..."
"L-Lucian..." wala sa sariling ns ni Sonja. Natulala siya sa sinabi nito at hindi agad nag-fuction ang isip niya.
Tumiim ang titig ni Lucian. "Buo na ang desisyon ko. I made a promise, right? I will make your desire come true. I will make you a queen."
Nalito tuloy si Sonja. Alam niya ang capacity nito at impluwensya kay King Socorro. Malaki ang maitutulong nito.
Pero magtitiwala pa ba siya? Hindi ba't ito ang dahilan kung bakit nga siya nagkakaganito ngayon? Ah! Hindi na niya hahayaan bilugin pa nito ang ulo niya!
"Hindi na kita kailangan sa mga plano ko. Wait. Paano mo nalaman iyon?" salubong ang kilay na tanong ni Sonja. Ni minsan ay wala siyang natatandaan naikuwento ang ganoong detalye rito. Wala rin siyang natandaang nangako ito.
"Noong lasing ka. Sinabi mo ang mga plano mo." seryosong saad nito.
Lihim na napamura si Sonja. Wala na pala talaga siyang maitatago rito. Ang hindi na lang nito alam ay ang plan B niya ngayon. Iyon ang pinaka-malupit niyang sikreto. Hinding-hindi na niya hahayaan malaman pa nito!
"At hindi mo ako niliwanag?" inis na usig ni Sonja. Pakiramdam niya ay hindi na niya alam kung hanggang kailan siya nito nabuko. Naiinis at napapahiya siya sa sarili.
"I tried. Hindi ba't nangako ako sa'yo na pagkatapos kong kausapin si Malakai ay maguusap tayo? Pagbalik ko ay sinabi mong pagod ka. Lagi kang wala sa mood. Naghanap ako ng magandang pagkakataon, Sonja. Maniwala ka... nahirapan din ako dahil hindi madali sa akin na sabihin iyon at saktan ka. I care for you..." pagsusumamo nito na muntikan na namang makapagpalambot sa kanya. Damn his eyes. It could be full of desires but it could also be tender, making her heart melts.
Pero nabalewala rin iyon nang maalala niya ang pagkakataong sinasabi ni Lucian. Nainis na naman siya. "Naghanap ng pagkakataon? Laging kayong magkasama ni Ofelia. Pinuntahan ka pa niya sa cabin at pinaalis ako. Pinapunta mo raw siya roon. Wow. Ako pa talaga ang kailangang umalis para mag-adjust?" nabubuwisit na asik niya.
Natigilan si Lucian hanggang sa mahinang natawa. Napasinghap siya ng hapitin nito sa bawyang. "So you're not tired that time. You're jealous."
"Tumigil ka! Lumayo ka nga sa akin!" asik ni Sonja at tinulak si Lucian. Nararamdaman niya ang mahaba nitong sandata at natutukso siyang hawakan iyon. Ibayong pagtitimpi ang ginagawa niya para huwag magpadaig sa sexual vampire desire.
"Now I completely understand. You raped me after that. What you were asking me that time?" tanong ni Lucian. Mayroong maliit na ngiting naglalaro sa labi nito.
Naginit ang mukha ni Sonja. Kasabay noon ay naalala rin niya ang mainit na eksena at naginit ang pakiramdam. Pero agad niyang sinuway ang sarili. Kapag in-entertain niya ang ganoong isipin ay baka malulong siya at hindi makaahon. Magiging bilanggo ulit siya nang pagnanasa kay Lucian.
"Wala. Nakalimutan ko na. Puwede ba? Bitawan mo na ako?" asik niya.
Nawala ang ngiti ni Lucian. "No. That's the least thing I would do. Hinding-hindi kita bibitawan." anito at siniil siya nang halik.
Nanlaki ang mga mata ni Sonja at pumalag. Kinabahan siya. Oras na magtagal sa mga bisig ni Lucian ay baka bumigay siya. Kaya dapat ay makalayo agad siya rito.
But Lucian hugged her tighter. Tuluyang naglapat ang kanilang mga katawan. Hindi rin niya ito magawang tuhurin dahil naikulong nito ang mga hita niya sa malalaki nitong hita. Higit pa itong mas malakas kaysa sa kanya kaya hindi siya makalaban sa lakas.
And Lucian lips started to kiss her softly, tenderly. Nilaro-laro ng labi nito ang labi niya pati na rin ang dila nito. Nakukuryente siya sa mga ginagawa nito. Tinutukso-tukso. Napapaliyad siya. Napapaungol ng hindi sadya. Ah, he was starting to drive her crazy!
"L-Lucian... s-stop..." anas niya sa pagitan ng mga labi nila. Nasa dulo na siya nang pagtitimpi at sana ay tumigil na ito.
Natigilan ang lalaki at tinitigan siya. Napalunok siya na makita ang dilated eyes nito. Agad siyang umiwas para huwag ma-tempt. Her body was reacting now! Kailangan na niyang magtimpi.
"For now, I will stop. Ayokong pilitin ka. Pero hindi ibig sabihin ay susuko na ako. I will do everything, Sonja. Bear that in mind." anas nito at pinakawalan na siya.
Pareho silang napabuntong hininga nito.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
General FictionW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...