27. SONJA VS. TANYA

3.4K 107 1
                                    

"Attack!" sigaw ni Lucian at nagsitalima ang mga lycans. Pinalo rin nito ng ubod lakas ang kabayo at humarurot iyon ng takbo. Kumapit naman si Sonja sa baywang ni Lucian. Kagaya nang nakagawian ay nakabalot siya ng cloak para hindi mamukhaan agad ng mga bampira.

Pagkadaong nila sa Japan ay agad nagpakawala ng crow si Sonja. Hindi nagtagal ay bumalik iyon ay sinabi ang mga kailangang impormasyon at agad sinabi ni Sonja na nasa malapit lang ang grupo ng mga bampira. Dahil doon ay walang sinayang na sandali si Lucian. Agad silang umatake.

"Mga invisible vampires!" sigaw ni Sonja at itinuro ang parte ng gubat na nagpapaulan ng mga pana.

Nagsenyas si Lucian sa gawing iyon at agad namang pinasabog iyon ng mga lycans. Naging ganoon ang gawain ni Sonja sa buong durasyon nang pagatake hanggang sa nasukol nila ang grupo.

"Hindi pa ito ang lahat ng bampira. Shh..." bulong ni Sonja dahil nakikita niya ang dami ng mga bampirang namatay. Nasa singkwenta lang iyon. Ang sabi ng crow ay mahigit sila limang daan kaya nasisiguro niyang kulang ang mga nahuli nila.

"Sir Lucian!" sigaw ni Vladimir.

Napalingon silang dalawa at nagdilim ang mukha ni Sonja nang makitang hawak ni Vladimir si Tanya! Nakatali ito. Sira-sira ang damit at mukhang nakipaglaban pa kay Vladimir bago nahuli.

"Shhhhhh!" asik ni Tanya kay Vladimir nang pabalabag itong binitawan at nadapa sa damuhan.

Biglang naalala ni Sonja ang mga panloloko nito. Dahil doon ay kusang gumalaw ang katawan niya. Dali-dali siyang lumapit at tinadyakan ito sa mukha!

"What the fuck—S-Sonja? Shit... is that really you? ssshhh..." hindi makapaniwalang anas ni Tanya. Naalis kasi ang hood niya kaya nkita siya nito. Labas pa rin ang mga pangil. Saglit lang itong natulala hanggang sa nakakalokong natawa.

"Oh I get it. Tama si General Silas. You're a traitor. Spy ka ng mga lycans! Shhhhhhhhhh!" gigil na asik ni Tanya at sinubukang atakehin si Sonja.

Sinampal nang ubod lakas ni Sonja si Tanya. Nangilid ang luha niya sa sobrang ngitngit. Biglang bumigat ang dibdib niya. "How dare you to accuse me? Matagal mo na akong kilala pero inisip mo pa ring traydor ako!" singhal niya. Nangangatal siya sa galit. Naalala niya ang sandalin pinarusahan siy. Nasaan ito? Wala! Hindi na nga siya tinulungan, niloko na siya pero umaastang parang sino!

"Eh, ano'ng ginagawa mo dito?" nakakalokong tanong nito at suminghot. "You smell like a dog. Hindi pa ba sapat na katibayan ito na nagtraydor ka sa amin?"

"Ikaw ang traydor! Niloko ninyo ako ni Silas! Papaano mo nagawa sa akin ito? Magkaibigan tayo!" luhaang giit ni Sonja.

"Kami ang nagmamahalan! Matagal na niyang sinasabi sa akin na ako ang mahal niya at kakausapin ka! Hindi siya seryoso sa 'yo! Siya mismo ang nagsabing ayaw niya sa isang half breed! For him, you were just an easy lay!" bulyaw nito.

Sobra siyang nainsulto sa narinig. Sa galit niya ay hindi niya magawang makakilos.

"Isa kang traydor na half breed. At bagay lang ang ginawa sa nanay mo! Dapat, pati ikaw ay mamatay!" dagdag ni Tanya. Nanginginig pa ito sa sobrang galit.

Doon na nagdilim ang paningin ni Sonja sa galit. Nabugbog ng oras na iyon ang ego niya. Para itong hindi naging kaibigan ni Sonja kung manakit ng damdamin.

At ngayon din ganap na naiintindihan ni Sonja ang lahat. Nakita niya kung gaano nagalala si Silas noon para iligtas si Tanya. Isang katibayan na iyon na mayroong relasyon ang dalawa.

"Sonja!" awat ni Lucian.

Pumiksi siya at nilapitan si Tanya. Napahiyaw ang babae nang ibaon niya ang matulis na espada sa tuhod nito.

"Nasaan ang ibang bampira? Ituro mo!" gigil niyang tanong. Tuluyan na siyang binalot nang matinding galit. Taas baba ang dibdib niya. Hinihingal siya sa sobrang ngitngit. Sapat na sa kanya ang mga narinig. Mula ngayon, hindi na sila magkaibigan. Isa na lang itong bihag!

"Fuck you! Shhhh..." luhaang angal ni Tanya. Labas ang mga pangil.

Tumayo si Sonja at hinugot ang espada. Hinarap niya si Vladimir. "Kilala niya ang general ng mga bampira. Kayo na ang bahalang magpiga ng impormasyon sa kanya." nagpipigil na saad niya.

"Sonja! Sonja! Walanghiya ka—!" tili ni Tanya pero naging bingi na siya. Pagkatapos na lang ng mga sinabi nito ay magiging malambot pa ba siya? Damn her!

She left the forest. Naiyak na lang si Sonja pagdating sa sariling cabin sa barko.

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon