"Shh..." awat ni Lucian kay Sonja. Natigil silang pareho sa paglalakad. Pabalik na sila sa temporary base pero naantala iyon. Suminghot-singhot si Lucian at biglang nagtiim ang mga bagang. Marahan nitong hinawakan ang espada. Kumabog tuloy ang dibdib ni Sonja. It seems Lucian felt some danger.
Hindi na nagawang makapagsalita ni Sonja dahil ginamit na ni Lucian ang lakas at liksi bilang lycan. Agad itong nawala sa tabi. Napalingon siya sa halamanan dahil gumalaw-galaw iyon hanggang sa nakarinig siya nang malakas na giriin ng mga hayop. Kinabahan lalo si Sonja. Kinuha rin niya ang sariling espada at inilabas iyon. Nagsilabasan ang mga pangil niya at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon kinaringgan nang girian.
"Shit!" gulat na bulalas ni Sonja nang biglang lumabas mula roon si Lucian. Mayroon na itong dalang malaking itim na baboy. Ibinagsak nito iyon sa harapan niya.
"It's still alive. Inumin mo na ang dugo para makabawi ka pa ng lakas." ani Lucian at ginilitan ng leeg ang baboy.
Lihim na napangiti si Sonja. Was he really that concern? Parami na nang parami ang mga nakikita niyang signs na napapalapit na siya rito. Tama. Kasama iyon sa plano. Lihim na natuwa si Sonja.
"You're spoiling me." aniya at lumuhod.
Mahina itong natawa. "Napansin ko lang na nabibitin ka sa mga dugong ibinibigay ko."
"Nagpapalusot ka,"
Mahina itong natawa. "Hindi mo man lang ako palusutin. Go ahead. Drink." anito at tinulungan siyang uminom.
Tumalima na si Sonja. Nagsilabasan ang mga pangil niya at sinipsip ang dugo ng baboy. Agad nadagdagan ang nararamdamang lakas ni Sonja. Para siyang bateryang nai-full charge. Oh she could make another round!
"Ssssssssssh! Hah! haaaaah...." hinihingal na asik ni Sonja matapos mainom ang dugo. Nang makalma ay tuluyang nagbalik sa normal ang itsura niya.
Si Lucian naman ay sinimulang buhatin na ang baboy sa balikat. Matapos ay iniabot nito ang kamay. "Let's go." aya nito.
Ngumiti si Sonja at iniabot ang kamay ni Lucian. They walked holding each other's hand. She loves the feeling of his rough hand against her.
Hindi sinasadyang maglakbay nang ubod layo ang imahinasyon ni Sonja. She imagined Lucian was just a simple man and she was a normal girl holding each other's hand on the way home. Napakasarap sigurong makasama si Lucian bilang asawa. Kaya nitong mag-hunt para makakain sila. Kaya nitong makipaglaban para ipagtanggol siya. She would never be scared again. Ang matindi roon ay hindi siya magiging alipin. Kailanman ay hindi nito pinaramdam iyon.
"Ang lalim yata nang iniisip mo." untag nito.
Agad ipinilig ni Sonja ang ulo. Nang ma-realize na nadadala na naman siya ay pinagsabihan niya ang sarili.
"Iniisip ko lang itong mga ginagawa mo." pagdadahilan ni Sonja. Inisip niyang gamitin na lang ang pagkakataon para kuhanin pang lalo ang loob ni Lucian. Marahan niya itong siniko. "Ginagawa mo rin ba ito sa mga babae mo?"
Natawa nang malakas si Lucian. Napatitig si Sonja. Namangha siya nang makitaan nang kasiglahan. Nawala ang dark aura nito. Parang bigla ay gusto niyang haplusin ang pisngi nito at dutdutin ang dimples. Ngayon lang niya iyon nakita. Oh, he was so cute!
"Mga babae talaga?" naiiling na tanong ni Lucian.
"Bakit? Totoo naman. Ilang beses na kitang nakita. Dala-dalawa ang mga nagiging kaniig mo."
Nakaramdam ng inis si Sonja nang maalala ang dalawang babaeng ibinigay ni Socorro rito. Hinarap niya si Lucian. "Nag-e-enjoy ka talaga kapag marami?"
"It's inborn. Pero hanggang doon lang naman iyon." sinalubong ni Lucian ang mga tingin niya at napalunok siya. "You heard it right. After sex, that's it. Kanya-kanya na kami. Wala na akong ibang babae na sinamahan ng ganito katagal kung hindi ikaw lang."
Natigilan si Sonja. Bigla yatang nilipad sa outer space ang utak niya. Parang tinambol ang dibdib niya at nanayo rin ang mga balahibo. What the hell? Kinikilig siya!
Damn you, Sonja! Huwag kang kiligin! Dapat ay matuwa ka dahil mukhang nakukuha mo na ang loob niya! One step closer ka na sa misyon mo!
Napatikhim si Sonja. Pinilit na iyon ang isaksak sa kukote. Hindi siya dapat kiligin! Damn it! Normal lang ang vampire sexual desires at lusts. Kasama iyon sa plano at iyon ang ginagamit niya para mapalapit kay Lucian. That was it! Nothing more! Nothing less!
"I see." ani Sonja at tumikhim para pakalmahin ang pusong nagwawala.
"I fell in love once, Sonja. Pero pinatay siya ng mga bampira. Ipinangako ko noon sa sarili ko na hindi na ako magmamahal. Inilaan ko ang oras sa pakikipagdigma para makaganti sa lahat ng bampira na pumatay na walang kalabang-labang lycan." anito at tinitigan si Sonja sa mga mata. "Women just come and go. Ngayon lang mayroong babaeng hinayaan kong magtagal."
"Why, Lucian?" pigil hiningang tanong ni Sonja.
He shrugged. "I don't know. Bakit nga ba?" balik nito.
Natawa siya. "Bakit ako ang tinatanong mo?"
"Baka alam mo. Ano ba ang ginawa mo sa akin para hayaan kang manatili ng ganito katagal sa tabi ko?"
Gusto nang sabunutan ni Sonja ang sarili. Talagang inisip din niya ang sagot! And she didn't know why! Nang makita ni Lucian na nangangamote na siyang kakaisip ay natawa na lang ito. Saglit binitawan ang kamay niya at hinaplos ang ulo ni Sonja. For a bit second, she felt something warm on her chest. First time niya iyong naramdaman. Napatingin siya kay Lucian.
And he smiled. Butterflies suddenly flew inside inside her stomach. Parang tumigil din ang sandali. Parang sila na lang ang natira sa mundo. Parang...
Agad ipinilig ni Sonja ang ulo. Tama na nga ang kakaisip niya dahil baka mamaya ay mabaligtad ang sitwasyon.
Baka ma-in love siya kay Lucian at maging complicated ang lahat.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Ficción GeneralW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...