16. HATE

4.4K 141 1
                                    

"Naka-settle ang mga bampira sa Benguet. Malamig ang lugar kaya doon sila nagpunta. Puwede ninyong atakehin ang grupo kahit ano'ng oras." ani Sonja kay Lucian at tuluyang nawala ang na-summon na crow matapos ibalita ang mga nalamang impormasyon tungkol sa mga bampira.

Nang makabawi sa pagod mula sa biyahe sina Lucian ay agad silang pumunta sa Norte kasama ang mga bagong lycans. Bago pasukin ang Benguet ay minabuting magpakawala ni Sonja ulit ng crow para alamin ang kalagayan ng mga bampira.

"Okay. Can you take us there?" malamig nitong tanong.

Umiling si Sonja. "My rift sealing spell has limitation. Kagaya ng paliwanag ko noon ay puwede lang iyon sa mga lugar na napuntahan ko na."

Nakakaintinding tumango si Lucian. "Fine. Then we have to leave." anito at hinarap ang mga kasamahan. Binilinang pupuntiryahin nila ang iba't ibang direksyon. Hindi nagtagal ay nagsipagsakayan na sila sa kabayo. Magkasama sila ni Lucian sa iisang kabayo dahil ayaw nitong magkalayo sila at nagbiyahe. Hindi pa rin kinausap ni Sonja si Lucian. Parang bigla siyang nagtampo. Gusto nang batukan ni Sonja ang sarili. Pinagsabihan niya ang sarili at minabuting ituon ang atensyon sa pagatake.

After long hours, they reached Sto. Tomas mountain. Sa ibaba pa lang ng bundok ay pinaulanan na sila ng mga pana. Agad umilag si Lucian at mabilis siyang inilipat sa likuran. Thanks to his lycan agility and power. Dahil doon ay nagawa nitong makakilos nang mabilis.

"Invisible vampires. Marami sila!" sigaw ni Sonja at itinuro kay Lucian ang mga direksyon nila. Sila ang mga nagpapaulan ng pana.

Agad namang binilinan ni Lucian ang grupo. Nagpakawala ng mga dinamita ang mga lycan sa parteng mayroong mga invisible vampires. Sabog ang mga iyon! Naglalaman ng mga silver nitrate ang mga dinamita na siyang tumutunaw sa mga bampira.

Tumulong din si Sonja. Nagpakawala siya ng mga battle spells at kinalaban ang mga bampira. Nanggigil siya nang makita si Tanya! Thanks to her cloak and hood. Salamat din sa spell na bumabalot sa kanya para hindi maamoy bilang half-breed. Hindi siya nakilala ni Tanya!

"Hey!" gulat na bulalas ni Lucian nang bunutin ni Sonja ang sariling espada at bumaba ng kabayo para sugurin si Tanya. Hindi siya nito agad nalapitan at nahabol dahil umulan ng pana. Agad inatake iyon ni Lucian para hindi siya mapahamak.

Si Sonja naman ay hindi nagpapigil. Inatake niya si Tanya. Ang lakas lang talaga ng loob niya. No match siya sa bilis at lakas nito pero hinarap pa rin niya!

Inundayan niya ito ng espada pero dahil sa bampirang lakas at liksi, kinalmot siya nito. Nagdugo iyon! Napasigaw siya sa sakit.

"Shit!" gigil na asik ni Sonja.

"Tanya!" sigaw ni Silas nang makita nitong aatakehin ito ni Lucian. Sakay ito ng kabayo. Agad nitong nahila si Tanya at naisakay saka tinangay!

Natigilan si Sonja. Bigla siyang nanginig sa galit nang makita ang dalawa kung paano magalala sa bawat isa. Lalo siyang nagngitngit ng hindi pa makapaghilom. Wala siyang ibang magawa kundi ang mag-cast ng spell. Nakapagpakawala siya ng fireball pero hindi natamaan ang dalawa.

"Habulin mo sila! Dali!" utos ni Sonja kay Lucian at itinuro ang papalayong kabayo.

Tumalima si Lucian. He transformed into a lycan and ran like a wind. Si Sonja naman ay hinang napahiga na lang sa damuhan. Hinintay na maghilom ang sarili. Napapamura na lang siya. Mukhang dahil sa paggamit ng mga spells ay naubos ang lakas niya kaya hirap makapaghilom.

Hindi nagtagal ay bumalik si Lucian. Hubad ito. Nakapag-transform na bilang tao. Agad nitong sinugat ang sarili at pinainom siya ng sariling dugo. Hindi nagtagal ay naging mabilis ang kanyang paghilom.

'W-where are they?" pigil hiningang anas ni Sonja. Iniwasan niyang mapatitig sa maganda nitong katawan. Baka makalimot na naman siya. Nasa kaguluhan pa naman sila.

"They escaped." malamig nitong sagot.

"Shit! Shit! Shit!" sigaw ni Sonja at pinagbabayo ang damuhan. Naiyak siya sa sobrang galit.

"We'll get them. Don't worry." malamig na saad ni Lucian.

"I... hate those two..." umiiyak sa galit na anas ni Sonja.

Napabuntong hininga si Lucian. Hindi nagtagal ay hinarap siya nito at niyakap. "I know." anas nito.

Naiyak na lang nang malakas si Sonja. She was so damn mad and angry! Pero hindi bale. Matutunton nila ang mga bampira. Kapag nangyari iyon ay uubusin talaga nila ang mga ito!

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon