Valea Rece, Romania
"They know everything now. They are expecting us." anas ni Lucian at iginala ang paningin. Papasilim na at ubod ng lamig. Napapaligiran sila ng mga snow. Salamat dahil imortal sila at hindi naaepektuhan basta ng lamig. Nakakaya nilang tagalan iyon.
After long hours of travel, they finally reached Romania. At ang Valea Rece ang isa sa mga village na madadaanan bago marating ang Translyvania. Natigil sila dahil kahit makapal ang hamog, kita ng mga lycans ang mga bampirang naghihintay sa kanila. Mahina silang napaungol. Ramdam ang napipintong panganib.
Natigilan si Sonja nang marahang ilagay ni Lucian ang hood sa kanyang ulo. Napalingon siya rito at inilagay nito ang hintuturo sa bibig. Pinatatahimik siya. Marahan siyang umiling. Nagtatanong ang mga mata.
"We are surrounded." anas nito at marahang sinenyasan ang mga kasamahan. Agad nilang pinatay ang mga ilaw.
Nang makapaga-adjust ang paningin ni Sonja ay nahigit niya ang hininga nang makitang maraming invisible vampires din.
Pasimpleng itinuro iyon ni Sonja kay Lucian at sumenyas ito. Ang ilang mga lycan ay humarap sa gawing may invisible vampires. Itinututok ang mga pana at naghintay ng utos.
Iyon marahil ang sinasabi ng isang lycan na 'full potential' kapag pinamunuan ni Lucian. Lahat ay nabibigyan nito ng trabaho at misyon. Na-anticipate ni Lucian ang mg mangyayari kaya nagagawa iyon. Dahil doon ay mas lalo siyang nabilib dito.
"Don't fight. Save your power later. Okay?" mahigpit na bilin ni Lucian.
Tumango si Sonja. Marahan na siyang inilipat ni Lucian sa likuran nito at yumakap lang siya. Dahan-dahan nitong inilabas ang espada. Ganoon din ang mga kasamahan nito. Pare-pareho silang nagpatiktikan at naghintay ng gagawing hakbang ng mga bampira.
Until Sonja saw the invisible vampires made a move. Dahan-dahan silang lumapit sa mga walang kamalay-malay na bampira. Agad iyong sinabi ni Sonja kay Lucian at tuluyan na itong sumigaw at nagbigay ng babala.
They started to fight. Umulan ng apoy mula sa mga long range vampires. Ginamitan sila ng pana na mayroong apoy na bala. They also uses catapult. Agad nagsipuntahan sa ligtas na lugar ang mga lycan.
Pinalo ni Lucian ang kabayo at nagsimulang umatake habang nagsimulang magpaulan din ng panang mayroong apoy na bala ang mga lycans. Napuno ng pagsabog, labanan ng mano-mano at sigawan ang buong gubat. Lucian slays every vampire. He slaughtered the blood suckers like he never slaughtered before.
Tumagal ng ilang oras ang labanan pero hindi sumuko ang mga lycan. May mga namatay pero laban lang sila nang laban. Hindi sila natinag sa dami ng mga bampira. Doon nakita ni Sonja kung gaano katindi ang determinasyon nila at hindi na siya makatiis na walang gawin!
"Arrani!" sigaw ni Sonja at lumipad ang ilang bampira. Bumalandra ang mga iyon sa puno at agad silang pinaglalapa ng mga lycan.
Nang umulan ulit ng apoy ay tumalon si Sonja. Salamat dahil nakatigil sila at abala si Lucian sa pakikipagespadahan. Agad niyang inilapag ang dalang kamay sa damuhan at lumabas ang simbulo para makapag-cast ng spell para makagawa ng barrier. Lumitaw iyon sa ere sa isang iglap. Agad siyang sinuway ni Lucian.
"No! It will drain your power!" singhal nito.
Determinado siyang umiling. "I can manage!" sigaw ni Sonja at hinintay na maging abo ang mga apoy. Agad siyang tumayo at kumuha ng espada. Nagsimula na rin siyang makipaglaban.
Napaungol si Lucian. "Ang kulit!"
Pinatay muna ni Sonja ang kalabang bampira bago hinarap si Lucian. "I want to help. Come on! Sa likod mo!" sigaw niya.
Doon napunta ang atensyon ni Lucian. Nakipagespadahan ito sa paparating na bampira. Dumami iyon kaya hindi na siya napansin. Naging busy din siya sa pakikipaglaban.
Hindi nagtagal, nabawasan na ang mga kalaban. Nagawa nang tapusin iyon ng mga lycan. Agad siyang nilapitan ni Lucian.
"Let's go!" anito at isinakay na siya sa kabayo. Nagsisunuran ang mga lycan. Together, they went to Transylvania.
No one dared to stop. Kaya ilang oras lang ay narating na nila ang harapan ng kaharian. Nakahilera roon ang napakaraming bampira. Nagtiim ang bagang ni Sonja at Lucian nang makita si Silas!
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
General FictionW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...