"WHAT'S UP? Tahimik ka." tanong ni Sonja kay Lucian. Lihim na napabuntong hininga si Lucian dahil hindi na siya nakakapag-concentrate sa digmaan. Laman ng isip niya ang mga sinabi ni Sonja noong lasing ito isang linggo nang nakararaan.
Ngayon alam na niya ang buong katotohanan, doon niya napagtagni ang lahat at hugot nito. Naiintindihan niya ito. Kasabay din noon ang pagbangon ng matinding guilt. Nakokonsensya siya na naging parte nang malaking dagok ng buhay nito. Now, he's doomed. Hindi niya sukat akalaing aabot sa ganoon ang naging simple encounter nila ni Sonja sa gubat noon. Paano niya ngayong sasabihin siya ang dahilan ng lahat?
Lihim napabuntong hininga si Lucian. Nanlulumo siya sa katotohanan na dapat niyang harapin. Habang tumatagal, mas lalo siyang mahihirapang magsabi.
Doon napatunayan ni Lucian na mahalaga si Sonja sa kanya. Hindi siya mapapakali hangga't hindi nasasabi ang totoo. He wanted to be honest to Sonja. Pero paano? Ayaw niya itong saktan. Dadagdag pa siya sa mga bampirang nanakit dito...
"Tell me the truth. May iba ba, Lucian?" malamig na tanong ni Sonja.
Napamaang si Lucian. There were bitterness and envy written in her eyes. She seemed jealous! Oh, his little half-breed. Unconsciously, she was acting like a jealous wife. Kung nalalaman lang nito kung bakit nasisira ang kanyang ulo ngayon, siguradong magagalit ito.
"Sinabi ko na sa'yo noon. Sapat na ako sa'yo. H-Hindi ka ba kuntento sa mga kaya kong gawin?" seryosong dagdag ni Sonja.
"Sonja..." hindi makapaniwalang anas ni Lucian hanggang sa napabuntong hininga. "Walang iba. May iniisip lang ako." simpleng sagot niya at hinaplos ang ulo nito. He loves to do that to her. Pakiramdam niya sa simpleng hagod lang na iyon ay mahahawi na niya ang hinanakit nito.
"Ano ngang iniisip mo?" pilit nito.
Tinitigan ni Lucian si Sonja. Pinakiramdaman niya ito. Iyon na ba ang tamang oras para sabihin niya ang lahat? Ah! He didn't know! It was really killing him! First time in his damn history, ngayon lang siya hindi naging sigurado sa sarili.
"It's about what happened in the forest. Sonja—"
"Sir Lucian! May namataang bampira sa Sapporo! Kailangan nating magmadali!" ani Vladimir at pinagkakatok ang pinto.
Lihim na napamura si Lucian. Napaka-wrong timing. Gayunman, nagdesisyon si Lucian na oras matapos ang labanang iyon ay tatapatin na niya si Sonja. Anuman ang sasabihin nito ay nakahanda siyang tanggapin.
"Sir Lucian!"
"Yes! Susunod na!" malakas na sagot ni Lucian at pinaghanda na si Sonja. Hindi nagtagal ay lumabas na sila. Nangabayo sila hanggang sa nakarating sa Sapporo.
He made sure that Sonja would stay close to him. Hindi niya ito hinahayaang mawala sa paningin. Naka-focus ito sa pagpapakawala ng battle spells at fireballs. Siya naman ay walang sawa sa paguunday ng silver sword sa mga bampira.
"Ofelia!" sigaw ni Mariano—isang matandang lycan—nang itakbo ang anak nitong si Ofelia—isang mandirigmang lycan. Nahuli sa leeg si Ofelia gamit ang lubid at kinaladkad ito ng kabayong mayroong sakay na bampira.
Atas ng pagiging pinuno, hindi nagdalawang isip si Lucian na sumunod. Babalikan na lang niya agad si Sonja. He transformed and ran like hell. Naabutan niya ang kabayo. Pinutol niya ang tali at inatake ang bampira.
Pinaglalapa niya ito. Sumunod si Ofelia. She transformed and attacked those blood suckers. Hindi nagtagal ay binalikan niya si Sonja. Pinaglalapa niya ang mga bampirang balak itong atakehin.
"Dumarami sila!" sigaw ni Malakai.
Naglapat ang mga ngipin ni Lucian. Nagisip siyang maigi paano mapipilayan ang mga bampira hanggang sa kumabog ang dibdib niya.
"Let's keep on fighting! Sisikat na ang araw. Magiging abo silang lahat!"
Naghiyawan ang mga lycans. Hinarap naman ni Lucian si Sonja. "Teleport now. Go back. Pasikat na ang araw. Baka mapaano ka."
"Kaya ko pa naman—"
"No! Go now!" singhal niya. Hindi na nakapagpigil si Lucian dahil nagaalala rin siya rito. Hindi komo half breed ito ay hindi na tatablan ng init ng araw. Ayaw niya itong ipakipagsapalaran.
Nabigla si Sonja. Mukhang hindi inasahan ang pag-alsa ng kanyang boses. Lihim napamura sa sarili si Lucian. He wanted to say sorry but he controls himself. Saka na lang. Kailangang umalis agad ni Sonja.
"Fine." malamig na sagot nito nag-teleport na.
Napabuntong hininga na lang si Lucian. Minabuti na lang niyang harapin ang mga bampira at makipaglaban.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Fiksi UmumW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...