"I heard you want to be a queen." nakangising tanong ni King Socorro kay Sonja. Dahil sa tindi nang natamong damage ay hirap pa rin siyang makapaghilom ng todo. Mahina rin ang pakiramdam niya. Oras na makainom siya ng maraming dugo ay siguradong makaka-recover siya. Pero pinagkait iyon ng mga lycan.
Hinuli ang lahat ng mga kasamahan nilang lycan. Sa ngayon ay nasa kulungan na sila. Siya lang ang dinala sa tore ng hari. Duguan at nangangatog sa panghihina. Nakaluhod siya sa harapan nito.
Nahigit ni Sonja ang hininga nang tumayo ang hari at naglakad palapit. Dumukwang ito at hinawakan ang mukha niya. Napatingala siya rito. Kinabahan siya nang makitaan ito nang kislap nang pagnanasa sa mga mata.
"Para maging reyna, dapat ay mapangasawa mo ako. Right?" nakangisi nitong anas.
Kahit hirap ay umiling si Sonja. "A-Ayoko..."
Nawala ang ngisi sa mukha ng hari at gigil siyang hinaklit. Mukhang hindi nagustuhan ang pagtanggi niya. Pero nanindigan si Sonja.
Determinado niyang tinitigan ang hari. "P-Pakawalan n-na lang ninyo kami. H-Hindi na kami manggugulo..." naluluhang pakiusap niya.
Kung mayroon mang natutunan si Sonja ngayon ay ang bitawan ang anumang pinaglalaban para mabuhay sila. Hindi na iyon mahalaga sa kanya. She was dying to see Lucian! She wanted to get out. Gusto niyang makalayo. Magpakalayo-layo. Manahimik. Huwag nang makialam pa sa digmaan.
She lost her mother. She didn't want to lose Lucian too. Ah, she'll die if that happens. Useless ang lahat kung hindi naman niya ito makakasama.
"Too late for that. Maraming namatay sa mga lycan ko na dapat ay pinadala ko sa Transylvania para umatake sa mga bampira. Kailangan ninyong maparusahan!" galit nitong sigaw.
"Mabuti na lang ay dumating sina Ofelia rito at sinabi ang mga pinaplano ninyo. Bago harapin ang mga bampira, kailangang tanggalin at puksain muna ang mga anay na kagaya ninyo." gigil nitong dagdag.
Nagtiim ang bagang ni Sonja dahil sa kumpirmasyong sina Ofelia ang dahilan ng lahat. Gayunman, wala na rin naman siyang magagawa. Dapat ay makagawa siya nang paraan para makatakas.
Pero paano? Sagad na sagad ang lakas niya. Ni hindi niya kayang mag-cast ng spell. Baka huli na ang lahat kapag naka-recover siya. Ah! She felt frustrated even more.
"If you didn't want to be a queen anymore then there's no use talking to you." anito at sinenyasan ang mga lycan. "Dalhin na 'yan sa kulungan. Mamayang hapon sila sabay-sabay na papatayin." bilin nito.
"No! Maawa ka!" luhaang pagmamakaawa ni Sonja. Pero matigas ang hari. Iwinasiwas lang nito ang kamay at tinaboy siya.
Doon na nagwala si Sonja. Ginamit niya ang natitirang lakas para makawala pero sa huli ay sinuntok na lang siya sa sikmura. Naiyak na lang sa sakit si Sonja at hindi nakalaban.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
General FictionW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...