30. MALAKAI

2.6K 95 1
                                    

"BAKIT WALA pa sina Lucian?" tanong ni Sonja kay Malakai. Hindi na siya makatiis na hindi magtanong. Wala rin si Vladimir at ang grupo ni Lucian. No choice kundi ito ang tanungin niya dahil ang grupo lang nito ang nakabalik. Gustuhin man niyang bumalik ay para hanapin sina Lucian ay hindi niya magawa. Tirik na tirik na ang araw. Ano na kaya ang nangyari kay Lucian? Ano ba talaga ang nangyayari rito? Nagtataka na talaga siya kung bakit kakaiba ang ikinikilos nito. Nasigawan pa siya kanina.

At bakit sobra ka ring magalala? Ano rin ba ang nangyayari sa'yo?

Napabuntong hininga si Sonja. Tama. Bakit ba siya natuturete? Hindi niya kaano-ano si Lucian. Ginagamit lang niya ito kaya hindi siya dapat umaastang sobrang worried. Period!

"Naghiwalay kami. Pagkatapos sa Sapporo ay sinundan naming pareho ang magkahiwalay na rota ng mga bampira. Nagkasundo kaming dito na lang magkita pagkatapos naming mapatay ang mga bampira." malamig nitong sagot saka siya tinitigan na halos ikailang na niya.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?" pigil hiningang tanong ni Sonja.

"I don't trust you." direkta nitong saad. Disgust was in his eyes.

Nainis si Sonja. Kasabay noon ay kinabahan din. Mukhang kailangan niyang magingat dito.

"Kung nabibilog mo ang ulo ng kapatid ko at lahat ng mga lycans dito, ibahin mo ako. I'll be watching you. Grrr..." asik nito. Nagsilabasan pa ang mga pangil dahil sa gigil.

Napabuga na lang ng hangin si Sonja nang tuluyang umalis si Malakai. Parang binabayo ang dibdib niya sa kaba. Aminadong natatakot siya kay Malakai. He seemed ruthless and heartless. Mukhang hindi siya nito sasantuhin.

Gayunman, ilang beses niyang kinumbinsi ang sarili na hindi ito magiging sagabal sa plano niya. Kaya niya itong labanan. Isa pa, kasama niya si Lucian. Sapat na si Lucian para magawa ang plano.

"Sonja."

Napasinghap siya nang marinig si Lucian. Agad siyang lumingon at napangiti nang makita ito. For a brief moment, she didn't think. Kusang kumilos ang katawan niya at tumakbo palapit dito. Sinugod niya nang yakap si Lucian. Oh it feels so damn good to be in his arms again. His manly lovely scent made her shivered.

"What took you so long? Nagalala ako!"

Biglang natigilan si Sonja. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa mga sinabi. Hayun na naman siya. Hindi na naman nakontrol ang damdamin. Damn it!

"Naka-encounter namin si Silas." malamig nitong saad.

Biglang napalayo si Sonja at tinitigan si Lucian. Napalunok siya nang magtama ang kanilang paningin. Kumabog ang dibdib ni Sonja. "A-And?"

"He escaped. But don't worry. Mahuhuli rin natin siya." determinadong pangako nito. There was also sadness in his eyes.

"How's everything?"

Napalingon sila kay Malakai. Hinarap ito ni Lucian kaya napilitang tumabi si Sonja. Nahuli pa niyang pinanliitan siya ng mga mata ni Malakai bago umalis ang dalawa.

Naiwanan tuloy si Sonja na ngitngit na ngitngit. Una ay dahil hindi nahuli si Silas. Pangalawa ay naiirita na siya kay Malakai. He's starting to get into her nerves!

Minabuti niyang umakyat sa upper deck ng barko at nagpahangin. Panay ang buntong hininga niya.

"Kakausapin ko si Lucian. We have to thank him for saving your life."

Napalingon si Sonja sa naguusap. Hindi niya agad nakita iyon dahil mayroong poste sa pagitan nila. Sumilip siya at nakita ang isang may edad na lycan. Kausap nito ang isang babaeng lycan na maganda.

"Yes, dad. Napakabait niya. Kaninang pabalik tayo ay isinakay niya pa ako sa kabayo niya. Gusto ko siya, dad." tahasang saad ng babae. Mayroong kilig sa boses nito.

Marahang natawa ang matanda. "Hindi kita masisisi. Lahat tayo ay tinitingala siya at hinahangaan sa husay. You have my blessing."

"Pero paano si Sonja?" tanong ng babae.

"Anak, she's just a half breed. Kahit lagi silang magkasama ay hindi iyon seseryosohin ni Lucian." anito at inakbayan ang anak. "Let's go. Let's talk to him."

Umalis na ang dalawa. Badtrip na badtrip si Sonja sa mga narinig. Lalo siyang nainis. Kasabay noon ay nasaktan din siya.

Hey! Bakit nasasaktan kang marinig na hindi ka seseryosohi ni Lucian? Ano ba ang inaasahan mo? Ikaw ba ay seryoso sa kanya? Gumising ka, Sonja! Hindi iyan ang plano mo!

Oh fuck. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba siya natuturete na naman?

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon