Hindi mapakali si Sonja. Naging kainip-inip ang isang oras para sa kanya. Pakiramdam niya ay taon na ang nagdaan. Lakad siya nang lakad at panay ang tanong kay Vladimir kung puwede na siyang mag-summon ng ibon para mautusang puntahan sina Lucian.
She really have a bad feeling. Nanlalamig siya. Iyon na ang pangalawang beses na natakot siya nang todo. Una ay noong patayin ang ina niya sa harapan. Pangalawa ay natatakot siya sa puwedeng mangyari kay Lucian. Oo at mahusay ito sa pakikidigma pero hindi niya mapigilang magalala.
"Hindi pa rin ba ako puwedeng mag-summon?" kulit niya kay Vladimir. Kung kinakabahan man ito ay hindi iyon halata. Blangko ang mukha nito habang nakatingin sa karagatan.
But she could feel the tension. Tahimik ang lahat ng lycan. Pare-parehong nakikiramdam. Lahat ay may mga hawak na armas. Mukhang handa na sa digmaan anumang oras.
"Five minutes." malamig na sagot ni Vladimir.
"Shit! Hindi na ako makakapaghintay!" giit ni Sonja at nag-summon ng crow. Hindi na rin siya pinigilan ni Vladimir. Buti naman dahil magwawala na siya kapag ginawa pa nito iyon!
Agad inutusan ni Sonja ang ibon. Nang lumipad iyon ay hindi na naman siya mapakali. Oras ang lumipas bago iyon bumalik.
At nanginig siya nang makitang wala itong nakuhang mensahe mula kay Lucian kundi mayroon lang itong hawak na sunog na kahoy. Kumabog ang dibdib niya sa sobrang pagaalala.
"V-Vladimir..." hindi makahingang anas ni Sonja at ipinakita ang kahoy. Kinuha ni Vladimir iyon at inamoy. Nagsilabasan ng mga pangil nito nang maamoy iyon.
Nagtiim ang bagang ni Vladimir hanggang sa dali-daling pinuntahan ang nagpapatakbo ng barko. Maya-maya ay biglang bumilis ang andar ng barko. Nataranta si Sonja.
"Vladimir! Ano'ng ibig nitong sabihin? Lumalayo tayo. We need to go back!" bulalas niya.
Umiling ito. "Wala na tayong babalikan. Naamoy ko sa kahoy ang mga pulbura ng dinamita, abo at dugo ng lycan. Nasisiguro kong sabog na ang barko. Wala tayong choice kundi ang sundin ang plano ng heneral."
Muntikan nang mapasabunot si Sonja. "Hindi ako naniniwala! Isang parte lang ito ng barko! Tingnan mo!" giit niya at sinubukng mag-teleport. She cast a rift sealing spell but to her shock, walang lumabas na lugar. Blangko lang.
Kinilabutan si Sonja. Naiyak siya dahil doon niya napatunayang tama si Vladimir. The ship was destroyed. Wala siyang babalikang lugar para maka-teleport!
"The general's orders are absolute. Sonja, hindi magiging matagumpay ang mga pakikipaglaban namin noon kung hindi kami nakikinig sa heneral. He knows everything. We trusted him. You should trust him too."
"But I love him! Hindi puwedeng wala tayong gawin ngayon!" luhaang bulalas ni Sonja. Hindi na niya napigilan ang sarili. Wala na siyang pakialam sa plano at sa misyon. All she wanted was to save him!
Paano kung patayin si Lucian? Aanhin pa niya ang posisyon at ideologies kung wala na ito? Aanhin niya ang tahimik na buhay kung hindi na ito kasama? Ah, the idea made her crazy even more.
"Please... nagmamakaawa ako... b-bumalik tayo..." luhaang pagmamakaawa ni Sonja. Wala siyang ibang magawa kundi ang maglumuhod. Niyakap niya ang binti ni Vladimir. Handa siyang gawin ang lahat para lang mapahinuhod ito.
Napabuntong hininga ito at itinayo siya. Mayroong awa sa mga mata ni Vladimir pero nanaig dito ang determinasyon. "I understand but we have to wait. I'm sorry..."
Parang binagsakan ng langit si Sonja nang umalis na si Vladimir. Pinuntahan nito ang mga kasamahan at sinabi ang mga natuklasan. Nagkaroon nang bulung-bulungan ang buong barko pero sa huli ay walang umangal nang sabihin ni Vladimir na magpapatuloy sila sa pagbago ng rota para hindi mahuli.
"We need to wait for the right time. Sa digmaan, hindi puwedeng nagpapadalos-dalos. Mas maraming mamamatay at mapapahamak. Sana ay maintindihan mo." ani Vladimir at tinapik ang balikat ni Sonja.
Lumong-lumo ang pakiramdam ni Sonja nang maiwanan. Hinang napaupo na lang siya sa sahig at naiyak. Tama si Vladimir pero hindi niya mapigilang maiyak sa pagaalala. Parang mababaliw na siya.
At doon napatunayan ni Sonja kung gaano kamahal si Lucian. Magtitiis siya para rito. Kahit gaano kahirap, sisikapin niya. Aasa siya kahit nakakatakot na...
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Narrativa generaleW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...