"Lucian..." hinang anas ni Sonja. Hindi na siya makabangon mula sa maruming sahig ng kulungan. Hindi siya makagalaw dahil nakatali pa rin siya at nanghihina.
Wala siyang ibang gusto kundi ang makita ito. Lubog na siya sa desperasyon at frustrations. Pakiramdam niya ay wala nang mangyayari. Pakiramdam niya ay hanggang doon na lang sila.
"Lucian..." tawag niya ulit. Umaasang anumang oras ay sasagot ito.
"Sonja?"
Natigilan si Sonja nang marinig ang pamilyar na boses nang isang babae. Saglit siyang tumahimik at nakiramdam.
"Sonja?" ulit nito. Mas malakas para maging maliwanag sa pandinig niya.
Napalingon si Sonja sa pinanggalingan ng boses sa harapan at doon niya nakita si Axie. Nakakulong ito. Nakaluluhod at nakahawak sa rehas. Alalang nakatingin ito sa kanya. Hindi nakatakas sa paningin ni Sonja na mayroon itong leather na kuwintas. Malapad iyon at mayroong mga patusok. Iyon ang sa tingin ni Sonja na pumipigil sa transpormasyon nito. Oras na maging lycan ito at lumaki ay masasakal ito at babaon ang mga bakal sa leeg nito.
"A-Axie..." hirap niyang anas at pinilit na makabangon. Hirap man ay nagawa niya.
"Shit. You looked horrible..." naawa nitong anas.
"S-Si Lucian?" alalang tanong ni Sonja.
Napabuga ng hangin si Axie. "Wala siya rito. Pinaghiwalay ang lalaki at mga babae."
"S-Si Chi?" tanong niya.
Natigilan ito at nalungkot. Kumurap ito at pinigilan ang sariling huwag maiyak. "W-Wala na siya. Napatay siya." gigil nitong sagot at napabuga ng hangin.
"I'm sorry to hear that..." pakikisimpatya niya rito. Kahit hindi naging maganda ang samahan nila ay hindi pa rin siya natutuwa sa sinapit ng kaibigan nito.
"Now what? Mamayang hapon na tayo papatayin lahat." anito. Mukhang nawawalan na ng pag-asa.
Honestly ay ganoon din si Sonja. Hindi niya nagawang sumagot dahil hindi rin niya alam ang sasabihin at kung paano bibigyan ito nang pag-asa.
Nanahimik na lang si Sonja at nag-concentrate sa paghilom. At kahit imposible, umasa siyang magkakaroon pa ng himala.
Makalipas ang maraming oras, hindi pa rin magawang makapag-cast ng spell ni Sonja. Gayunman, naghilom na ang ilang pinsala niya. Ang matinding damage na lang sa tadyang ang hindi.
"Ilabas na ang mga iyan at dalhin sa arena!" sigaw ni Malakai. Napaigtad si Sonja nang magsipuntahan na ang mga mandirigma saka sila isa-isang kinuha. Lihim siyang napamura nang kuhanin ni Malakai. "I want to be the one to execute you." angil nito at padarag siyang tinulak.
Tahimik tumalima si Sonja kahit pa ngitngit na ngitngit kay Malakai. Nanatili siyang tahimik at naghihintay nang tamang pagkakataon hanggang sa makarating sila sa arena. Doon niya nakita si Lucian. Nakaluhod ito kahilera ng mga kasamahan. Nakatali sa likuran ang mga kamay at kagaya ni Axie ay mayroon din itong leather na kuwintas. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita siya.
"Lucian!" luhaang sigaw niya at sinubukang tumakbo palapit dito. Parang nagkaroon siya nang lakas nang sandaling iyon.
"Sonja!" sigaw ni Malakai pero hindi nagpaawat si Sonja. Tumakbo siya at nilapitan si Lucian. Pero napasigaw na lang siya nang maabutan ni Malakai. Hinablot nito ang buhok niya at hindi nagawang makapalit.
"Lucian!" luhaang tawag niya. Bigla siyang naawa sa mga sarili nila. Pakiramdam niya ay wala nang mas sasakit pa roon. He's near yet so far. Ang damot nang pagkakataon. Ni hindi man lang niya ito magawang mayakap at mahawakan.
But regardless of everything, she was glad. Mukhang okay naman si Lucian. Kung nagkaroon man ito nang pinsala ay hindi na iyon halata dahil naghilom na. Punit-punit ang damit nito pero wala namang mga galos.
"Sonja! Don't you fucking touch her!" singhal ni Lucian at umakmang aatake kay Malakai. Pero naging maagap ang tagapagbantay. Tinadyakan ang binti ni Lucian kaya napaluhod ito. He groaned in anger. Naglaway si Lucian at nagsilabasan ng mga pangil. His eyes were dilated with pure madness. He was controlling himself to transform but still angry.
"I really hate this bitch. Tingnan mo ang sarili mo, Lucian! Baliw na baliw ka rito!" galit na sigaw ni Malakai at padarag na binitawan siya. Napasubsob siya sa lupa.
"Mother fucker!" galit na singhal ni Lucian. Sa sobrang galit ay naluha na. Parang biniyak ang puso ni Sonja. Ngayon lang niya nakitang ganoon si Lucian.
"That's enough!" sigaw ni King Socorro.
Tumahimik ang lahat. Tila nabitin sa ere ang kanilang mga hininga. Agad na itong kumumpas at halos kinaladkad silang mga bihag. Inilinya silang lahat paharap rito. May mga lycan na pumwesto sa likuran nila at tinutok ang espada sa likuran niya, tapat ng puso.
"Tama na ang drama. Umpisahan na ang pagbabawas ng mga traydor!" galit na sigaw ng hari.
Nangatog sa takot si Sonja. Napatingala siya sa langit. Wala na ba talagang himala? Wala na bang darating na tulong para iligas sila?
"One!" bilang ng isang lycan. Napaigtad si Sonja nang diinan ang espada sa likuran.
Umaasa pa rin siya. Sana, magkaroon ng himala. Sana, matapos na ang lahat. Sana...
At nahigit ni Sonja ang hininga nang makakita ng liwanag sa langit. Paparami iyon nang paparami hanggang sa lumalaki. And before she knew it, she heard a blast. Sunud-sunod na sumabog ang paligid nila at umulan ng bolang apoy!
Nagkaroon nang kaguluhan hanggang sa mamataan niya si Vladimir. Dumating ang ilang grupo nilang nakaligtas at umatake ngayon.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Ficção GeralW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...