"May nakikita kaming paparating na barko." ani Vladimir. Agad iniwanan nila Sonja ang ginagawa at dali-daling nagpunta sa harapan ng barko. Nahigit niya ang hininga nang makita ang limang barko. Tantya nila ay minuto pa ang lilipas bago iyon tuluyang makalapit.
Ginamit ni Lucian ang telescope ni Vladimir at sinilip iyon. Napabuga ito ng hangin. "It's Alaric. I know his battleships. Siya lang ang naglalagay ng pulang flag sa harapan ng barko."
"Sino si Alaric?" usisa ni Sonja.
"Kuya ko. Sumunod kay Malakai." malamig na sagot ni Lucian at napaisip. Kinabahan si Sonja sa pananahimik nito. Magtatanong sana ulit siya nang bigla ulit itong magsalita. "I have a bad feeling about this. Summon your bird. Magpapadala ako ng message sa tatlong barko. I'll tell them to change route."
"Paano tayo?" tanong ni Sonja.
"Sasama ka sa kanila. Magpapakuha ako ng bangkang maghahatid sa inyo nila Vladimir sa kabilang barko. Don't use your energy to teleport. Kakailanganin mo iyon sa mas importanteng oras. Ako at ang mga lycans ang maiiwananang haharap sa kanila para makalayo agad kayo." determinadong sagot ni Lucian.
Nagalala si Sonja. "No! Ayokong maghiwalay tayo. Puwede akong lumaban-"
"We need to be wise! Masisira ang pinaglalaban natin kapag pare-pareho tayong mahuhuli! After an hour, summon your bird to look for us. Kapag nalaman mong walang problema, bumalik kayo. Pero kapag nalaman ninyong nabihag kami, kailangan nating gawin ang plan B. Hintayin ninyong makatakas kami at sabay-sabay tayong aatake." giit ni Lucian.
Lalong nagrebelde ang kalooban ni Sonja. Nagkadailing-iling siya. "Ayoko!"
"Sonja! Listen!" bulyaw ni Lucian at mariing hinawakan ang balikat niya. "We'll end this together, right? Hindi mangyayari iyon kung hindi ka makikipag-cooperate. Nasasayang ang oras!"
Walang nagawa si Sonja kundi ang tumango na lang. Tama ito. Papalapit nang papalapit ang mga barko kaya sa huli ay napilitan siyang tumalima sa mga bilin nito. Nagpadala siyang ng mensahe sa kabilang barko at ilang sandali pa ay sinundo sila ng bangka. Bago sila naghiwalay ni Lucian at hinalikan niya ito nang mariin. Niyakap niya rin ito ng sobrang higpit.
"Take care." bilin ni Lucian.
"You too."
"I love you." anas nito at hinalikan siya sa noo bago tinulak ang bangka. Panay ang kaway niya rito hanggang sa tuluyang makarating sa kabilang barko. Nang makasakay ay agad na silang nagbago nang direksyon.
Doon naiyak si Sonja. Lumbay na lumbay siya. Natatakot din para kay Lucian.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Fiction généraleW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...