60. PLEASE, NO MORE WAR

2.2K 73 1
                                    

"AAAAAAAAAAAAAH! HAH! Haaaaaaaah! Ssssssssssssshhh..." hingal na asik ni Sonja nang tuluyang makuntento sa dami nang nainom na dugo. Napabalikwas pa siya at napatingala sa langit. She could feel her eyes dilated in satisfaction and her power risen up into another level.

Wala na rin siyang nararamdamang anumang sakit ng katawan. Tuluyan din iyong nag-recover. Salamat talaga kay Lucian. Dahil dito ay umayos siya.

"L-Lucian..." anas ni Sonja nang maalala ito. Naiyak siya nang yakapin nito nang mahigpit. Napahagulgol siya nang maramdaman ang init nito. Natunaw ang puso niya nang maamoy ang bango nito. Damn... she terribly missed this man. She didn't want to let him go now.

"Are you okay? Kumusta ang pakiramdam mo?" alalang tanong ni Lucian. Medyo lumayo ito para titigan si Sonja.

Hilam ng luha, natigilan siya. Pansin niyang bahagya itong namutla. Mukhang nagkaroon ng pinsala. "I'm okay. Pero ikaw? N-Namumutla ka. May masakit ba?" alalang tanong ni Sonja.

Natigilan si Lucian hanggang sa mahinang natawa. "I'm okay. Marami lang sigurong nawalang dugo sa akin. This is the first time you drank a lot of blood from me. Baka iyon ang dahilan. Pero huwag kang magalala. Makaka-recover din ako maya-maya."

Biglang nahiya si Sonja. Hindi niya napigilan ang sariling inumin ang mga dugo ni Lucian. Kusang naramdaman ng katawan niya ang matinding kagustuhang makainom ng maraming dugo para makapaghilom.

"It's okay. Don't feel bad about it. Ang mahalaga, naka-recover ka. Hmm?" lambing nito at hinalikan siya.

And she felt suddenly alive. Sobrang na-miss niya ang pagkakataong mahalikan ito kaya sinulit ni Sonja. She kissed him back with so much passion and anticipation. She suddenly felt hot all over. She craved for more.

Pero muli silang nakarinig ng mga pagsabog. Agad silang naghiwalay at iyon ang gumising sa kanilang mga kamalayan.

"We need to go back." ani Lucian.

"P-Paano siya?" tukoy niya kay Malakai.

Napabuntong hininga si Lucian at napatingin sa malayo. "Babalikan natin siya para ilibing. Mahalagang mapuntahan natin ang kulungan ni Silas. Narinig ko na hindi niya kinaya ang pangto-torture kaya sinabi niya kung nasaan si King Alucard."

Tumango si Sonja. "Nasabi ni Malakai na nasa Transylvania sila."

"Okay. We need to see Silas for more details-"

"Lucian." awat ni Sonja nang bubuhatin siya nito.

"Yes?" takang tanong nito.

"I'm sorry." nagi-guilty na saad niya.

"For what?" takang tanong nito.

"Dahil sa akin, pinatay mo ang mga kapatid mo..." malungkot niyang saad. Lalong bumigat ang dibdib ni Sonja nang maalala ang mga nangyayari dahil lang sa kagustuhan niyang baguhin ang lahat.

Tumayo si Lucian at hinarap si Sonja. Nakitaan niya ito ng lungkot pero nandoon din ang hindi maitagong paninindigan. "I have no other choice. Kung hindi ko sila papatayin, ikaw o ako ang papatayin nila. Masakit din ito sa kalooban ko dahil mas gusto pa nila akong patayin kaysa sa intindihin. But I need to make a move. I need to save you. Kung wala ka, paano na ang mga pinaglalaban natin? Paano na ang plano mo? Ititigil natin ang digmaan, hindi ba? Kailangan nating parehong mabuhay para magawa iyon." paliwanag nito.

Naiyak si Sonja at niyakap nang mahigpit si Lucian. "Pero kung ang kapalit naman ng lahat ay mawawala ka, itigil na natin ito. Hindi ko kailangang maging reyna. Ang kailangan ko, ikaw..."

Humigpit lalo ang yakap ni Sonja. "I want to end everything right now. Huwag na tayong magpunta sa Transylvania. Pababayaan na lang natin ang mga bampira. Magpakalayo-layo tayo..." luhaang anas ni Sonja.

"Stop crying. You're shaking, damn it!" worried na awat ni Lucian.

"Mangako ka!" luhaang bulalas ni Sonja at tinitigan si Lucian. "Tama na. Masisiraan ako ng ulo oras na magkahiwalay pa tayo..."

"Shh... okay, okay... just... just don't cry... Damn it, Sonja! I don't want to see you cry..." ani Lucian at pinunasan ang mga luha niya.

"T-Talaga?" maang na tanong niya. Biglang kumabog ang dibdib ni Sonja. Hindi makapaniwalang pagbibigyan nito.

"Yes. Promise. Lalayo tayo. Bumalik tayo sa Pilipinas. Let's live there. Okay ba iyon sa 'yo?" seryoso nitong tanong.

"Lucian! Thank you so much!" luhaang bulalas niya at niyakap ito nang mahigpit. Paulit-ulit siyang nagpasalamat. She was grateful that he listens to her. Ah, she cried in relief.

"Gusto mo bang makita pa si Silas?" nanantyang tanong ni Lucian.

Natigilan si Sonja hanggang sa napabuntong hininga. Iyon na lang ang masasabi niyang unfinished business. "Yes. For the last time, I will avenge my mother."

"I understand. Let's go then." anito at binuhat na siya. Agad siyang napayakap kay Lucian. Tumakbo ito nang matulin hanggang sa nakabalik na sila sa lugar ng mga lycan.

Kasalukuyang inaayos na ang ilang mga lycans na nahuli at nahagip nang paningin ni Sonja ang mag-ama. Biglang tumalim ang tingin ni Ofelia sa kanya. Ngitngit na ngitngit. Sa sobrang gigil ay namula ito.

"Look what you've done to us!" sigaw ni Ofelia at pumalag. Hindi nito magawang magkapag-transform dahil sa belt na nakalagay sa leeg nito. Gayunman, nagawa nitong makalaban sa lycan na nagbabantay dito at sumugod.

Akmang sasampalin siya ng pigilan ito ni Lucian. Nahawakan nito ang kamay ni Ofelia bago pa iyon dumapo sa mukha niya.

"Why? Sinira niya ang samahan ng mga lycan!" singhal ni Ofelia. Nanginginig sa sobrang sama ng loob.

"Shut the fuck up!" singhal ni Lucian sa mukha nito.

Natigagal si Ofelia. Natulala habang hilam ng luha. Napabuga ng hangin si Lucian. "You ruined it. Hindi tayo magkakaganito kung hindi kayo tumakas na mag-ama para magsumubong. May chance na mabago ang lahat dahil kakausapin namin ang hari. But you blew it. You and your father ruined it. Why? Because you can't accept the fact that I love her?" panonopla ni Lucian.

Pahiyang-pahiya ang mag-ama. Natahimik at napayuko. Nagpatuloy si Lucian. "Listen very well. Anuman ang gawin mo o ng kahit na sino para maghiwalay kami ni Sonja, hindi kayo magtatagumpay. We both love each other. We'll fight for our love." determinadong saad nito. Sinenyasan na ni Lucian ang mga kasamahan hanggang sa kinuha na nila sina Ofelia at kinulong.

"Sir Lucian!" tawag ni Vladimir at dali-dali silang nilapitan.

"How's everything?" tanong ni Lucian.

"Nahuli na namin ang lahat ng mandirigma ng hari. Pero mayroon tayong problema." seryoso nitong saad at napatingin kay Sonja. "Nakatakas si Silas. Pagdating namin kanina sa kulungan sa basement, patay na ang dalawang lycans na nagbabantay sa kanya. Tingin ko sa katawan ay ilang oras na iyon patay. Puwedeng bago pa kami dumating ay wala na siya."

"Shit..." gigil na asik ni Lucian at iginala ang paningin. Suminghot-singhot din ito pero dismayadong napailing. "Hindi ko na siya maamoy. Mukhang nakalayo na. Pero huwag tayong mawalan nang pagasa. Magutos ka ng mga lycan na hanapin siya sa loob at labas ng England." utos nito.

Agad tumalima si Vladimir. Naiwanan sila ni Lucian na parehong natahimik.

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon