"Shit!" inis na bulalas ni Sonja nang masimot ang dugo sa bote. Itinapon na niya iyon sa kung saan at pabagsak na nahiga sa damuhan. Sa wakas, narating na rin niya ang gitna ng bundok. Oras ang nilakbay niya bago iyon narating. Nakatakas si Sonja dahil nagawa niyang maabot ang tali at kinagat iyon. Mula noon ay agad niyang inakyat ang bundok.
Saglit siyang nanatili sa posisyon at inisip ang mga gagawin. Wala sa sariling napahawak siya sa labi. She suddenly remembered the kiss. She shivered. Wala sa sariling napakagat sa labi si Sonja. Diniinan niya iyon at napaungol. Ganoon kariin kung angkinin ng lalaki ang labi niya. Pain with pleasure.
Kaya nagtataka tuloy si Sonja. Ano ba ang problema ng lalaking iyon? Bakit nito tinapos basta ang halik? Hindi ba ito nasarapan? Ah! Lalo yatang natadyakan ang ego ni Sonja. Una, si Silas. Tapos ay ito. Ganoon na lang ba talaga siya kadaling talikuran?
Mariing naikuyom ni Sonja ang mga kamao. Makikita ng lalaking iyon. Ipakikita niyang iba siya. Na masarap din siya. Mahalay man ang mga iniisip niya ay handa niyang ipakita iyon. Para sa misyon. Para sa itatayong ego.
Napailing si Sonja. Minabuti niyang mag-cast na lang ng crow at inutusan iyong ikutin ang base ng mga lycan. Makalipas ang maraming minuto ay dumating ang crow niya at ibinulong sa kanya ang mga nakita.
Napangiti si Sonja nang malamang nasa base na ang mga lycan. Agad na siyang nagpunta roon. Inaasahan na niyang maraming bantay kaya minabuti niyang pumuslit hanggang sa marating ang malaking kahoy na bahay sa pinakatuktok ng bundok. Up and down iyon. Nakiramdam muna si Sonja bago dahan-dahang pumasok.
Tahimik ang buong sala. Puro gamit pangdigma ang mga nandoon. Maraming espada, baril at pana. Iginala niya ang paningin hanggang sa napaigtad nang makarinig nang galit na angil ng mabangis na hayop! Napaangat ang tingin niya at nakita niyang nagsilaglagan ang mga nakasabit na espada sa dingding sa second floor!
"Oooooooooooooh! Fuck, Luciaaaaaaaaaaaan! Grrrrrrrr!" sigaw ng isang babaeng parang nilalamog ng lalaking tinawag na Lucian.
"Aaaaaaaaaah! Damn it—!" tili naman ng isang babae. Ibang boses iyon. Parang kinakatay o sinasaktan!
Atas nang instinct, agad umakyat si Sonja para tumulong. Pagbukas niya nang pinto ay nagulat siya nang madatnang nasa mainit na eksena ang tatlo! Nakatuwad ang isang babae na malapit na sa transpormasyon bilang lycan at nakahiga sa ibabaw nito ang isa pang babae na sinisiil ng halik ng lalaking tinatawag na Lucian!
Ang mas lalong nakagulat kay Sonja ay nakilala niya siLucian! Ito ang lalaking na-encounter niya sa gubat!
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Fiksi UmumW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...