"WHERE'S LUCIAN?" tanong ni Sonja kay Vladimir. Magmula nang bumalik sila mula Hokkaido ay binilinan siyang magpahinga muna ni Lucian sa cabin. May kakausapin lang daw ito. Nangako itong kakausapin siya nang masinsinan pagkadating nito.
Pero naiinip na si Sonja kaya minabuti niyang lumabas na at hanapin ito. Gusto niyang usisain si Lucian kung ano'ng nangyari noong mawalan siya nang malay. Nasaan na si Silas? Wala itong sinabing mga impormasyon at nagkakandaletse na ang isip niya. Mas lalo pa siyang natuturete dahil ramdam niya ang pagkakaroon ng pader sa pagitan nila.
"Nasa barko ni Malakai. Ang sabi niya ay paguusapan nila ang tungkol sa mga bampirang nahuli." anito.
Parang binayo ang dibdib ni Sonja. "B-Bampirang nahuli? Nasaan sila?"
Tila nanatya si Vladimir bago sumagot. "Nasa pinakailalim nitong barko."
"Puwede ko ba silang makita?" nagtitimping tanong ni Sonja. Umaasa talaga siyang makita si Silas.
Saglit na nagisip si Vladimir hanggang sa tinitigan siya. "Wala namang ibinilin si Sir Lucian kaya sa tingin ko ay walang problema kung pupuntahan mo sila."
Nakahinga nang maluwag kahit papaano si Sonja. Tumango siya. "Kapag nakita mo si Lucian ay pakisabi na lang na pinuntahan ko sila." bilin niya.
Tumango na si Vladimir. Umalis na Sonja. Agad na siyang bumaba. Halos hindi na siya humihinga habang iniisa-isa ang mga bampirang nakakulong. Nasa beinte ang mga iyon. Na-dismaya siya nang hindi makita si Silas.
"S-Sonja..."
Natigilan si Sonja at napalingon. Nagtiim ang bagang niya nang makita si Jose—kasamahan ni Silas. Maliit lang ito pero matinik din sa pakikipaglaban. Isa ito sa mga bampirang umatake sa kanya noong pagbintangan siyang traydor. Dali-dali niya itong nilapitan. Napahawak na lang siya sa rehas.
"Nasaan si Silas?" nagtitimping tanong ni Sonja.
"Shh..." agad nitong inilagay ang hintuturo sa bibig. Umastang pinatatahimik siya. Natigilan tuloy si Sonja. "H-Huwag kang maingay. N-Nahuli siya pero inihiwalay siya ng barko..."
Nagsalubong ang kilay ni Sonja at kinakabahan. "Saang barko siya dinala?"
"H-Hindi ko alam pero narinig ko ang katotohanan... nagwawala si heneral Silas kanina at sinasabing kasalanan ng heneral ng mga lycan ang lahat..." anito at napayuko. Nakitaan niya itong hiya at matinding pagsisisi. "P-Patawarin mo kami sa pag-atake noon sa 'yo ng walang dahilan..."
Lalong humigpit ang hawak niya sa rehas. Binabayo na ng ubod lakas ang dibdib niya sa antisipasyon. "A-Ano'ng ibig mong sabihin? Liwanagin mo." giit niya.
"Hindi ka totoong nag-traydor. It was general Lucian's fault. Narinig kong isinisigaw iyon ni Silas noong isasakay na siya sa kabilang barko. Mukhang nagtapat si Lucian at galit na galit si Silas. H-He took advantage of you when you were drunk..." anito at sinabi ang nangyari noon sa gubat.
Biglang nanghina si Sonja sa narinig. Kasabay din noon ay doon niya ganap naintindihan ang lahat. Hindi panaginip ang mga nangyari. Totoong mayroong bumuhat sa kanya at buong akala niya ay si Silas!
Bigla ang pagsulak ng galit sa dibdib ni Sonja. Kasabay din noon ay sobra siyang nasaktan. Bakit iyon itinatago ni Lucian sa kanya? Niloloko siya nito! Ah, she was so damn mad. She wanted to kill him!
"P-Pakawalan mo kami at sumama ka sa amin. Sonja!" tawag ni Jose pero hindi nakinig si Sonja. Dali-dali siyang umakyat at hinanap si Vladimir.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Fiksi UmumW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...