"Shhhhhhhhh!" asik ng isang bantay na bampira kay Sonja. Napaigtad siya nang bigla itong sumulpot sa harapan niya at buong lakas na tinadyakan siya sa dibdib. Dumausdos si Sonja sa damuhan at napabuga nang dugo. Nagkadaubo-ubo siya sa sakit.
Hindi pa nakakabawi si Sonja ay agad siyang pinaligiran ng mga sundalong bampira. Nagsisilabasan ang mga pangil at tinututukan siya nang espada.
"A-Ano ito? Argggggggh! Arrkkk... haahhh... shh..." naguguluhang tanong ni Sonja at nagkadaubo ulit. Napangiwi siyang hinaplos ang dibdib. It would take a minute for her to recover.
"Get her!" sigaw ng isang bampira at inatake siya!
Atas nang survival instinct, lumaban siya kahit nahihirapan. Ginamit niya ang natutunang sorcery.
"Arrani!" sigaw ni Sonja at hinawi ang kamay. Nagsiliparan ang mga bampira at bumalandra sa mga puno. It was a witch incantation meaning 'go away' that has a destruction effect in any object her hand point at.
Puwede na siyang mag-cast ng spell dahil natatakan na siya isang linggo nang nakararaan ni Ursula gamit ang bakal na mayroong icon na inverted pentagram sa batok. Nadasalan na nito iyon kaya wala ng problema. Maliit lang iyon kaya hindi pansin dahil na rin sa natatakpan ng buhok. Sign iyon ng isang sorceress na puwedeng mag-cast ng spell kahit walang ritual kit.
Nagulat ang mga bampira sa kapangyarihang pinakita ni Sonja. Taas baba ang dibdib niya. Mas lalo siyang kinabahan nang makitaan ng galit ang mga ito nang makabawi.
"Sorcery! She new some black magic! Hulihin ninyo ang traydor na iyan!" sigaw ng isang bampira at muli siyang inatake.
Naguguluhan man si Sonja sa mga narinig ay lumaban pa rin siya. Ginamit niya ang lahat ng natutunan pero sa huli ay nasukol pa rin. Ang enerhiya bilang bampira ay nasagad din kaya hindi na niya nagawang makalaban. She needed to recover and it would take a minute.
"Ah!" masakit na tili ni Sonja nang sampalin ng ubod lakas. Napadausdos siya sa putikan. Naiyak na lang siya sa kinasasadlakan.
Napasigaw na lang si Sonja nang hawakan ng mariin sa buhok at itinayo. Kinawawa na talaga siya ng husto.
"Umamin ka. Kailan ka pa nagtatraydor?!" sigaw ni Silas at nagsilabasan ang mga pangil. Madilim ang mukha nito at dumurog iyon sa puso ni Sonja. Mukhang nakarating agad dito na pinagtutulungan siya at iyon ang pinaniwalaan nito. Na isa siyang traydor!
"S-Silas! M-Maniwala ka... h-hindi ko alam ang sinasabi nila..." luhaang tanggi ni Sonja.
"Liar!" singhal nito at tinulak siya nang malakas. Hindi pa nakakabawi si Sonja ay agad siya nitong nilapitan at walang awang itinarak ang espada sa kanang kamay niya. Napahiyaw siya sa sakit!
Right there and then, Sonja thought everything. Minahal niya si Silas. Kilala siya nito. Paano nito nagawang akusahan siya? Ito ang may kasalanan sa kanya! Niloko siya nito pero ganoon ang inaasta nito ngayon! Bumangon ang galit sa dibdib ni Sonja dahil na naisip.
"Kahit kailan, hindi ako nagtraydor! Ito ang igaganti mo sa ginawa mong panloloko? Walang hiya ka!" luhaang sumbat ni Sonja. Gigil na gigil sa mga nangyayari.
"You smell like a dog! Lahat kami, amoy na amoy iyon! Hindi mo kami maloloko kaya aminin mo na! Sila rin ba ang nagturo sa'yo ng sorcery? Ha!? magsalita ka—!" sigaw ni Silas at kinagat ang balikat niya.
"Nooooooooooo!" luhaang sigaw ni Sonja nang pilipitin pa ni Silas ang braso niya. Tuluyan na siyang hindi nakalaban. Nakaramdam siya nang panghihina sa kagat nito.
"Sonja!" luhaang sigaw ni Amelia.
Napasinghap si Sonja nang makitang hawak ng mga bampira ang ina. Sapilitang pinaluhod ito at tinutukan ng patalim sa leeg. Nanlaki ang mga mata niya! Idadamay pati ang ina niya!
"Huwag!" luhaang sigaw ni Sonja. Nangilabot siya sa takot. Doon siya biglang nanghina. Ang lakas ng loob at determinasyong ipaglaban ang katotohanan ay biglang naglaho. Parang masisira ang ulo ni Sonja sa binabalak ng mga bampira.
"Aamin ka ba o hindi?" gigil na tanong ni Silas.
Tuluyang nagbago ang pagtingin ni Sonja kay Silas. Durog na durog na rin ang puso niya sa kanila. Hindi niya sukat akalaing hahantong sila sa ganoon. Sonja loved him so dearly but what the fuck? Dahil sa maling akusasyon ay magkakamatayan sila.
"P-please... I'm begging you... h-huwag ang nanay ko... S-Silas..." luhaang pagmamakaawa niya. Walang choice si Sonja kundi ang maglumuhod.
"Aamin ka ba o hindi?" malamig na tanong ni Silas.
Napahawak sa buong ulo si Sonja. Natataranta siya sa panggigigipit nito! Pinakiramdam niya ang sarili at lihim napamura nang maramdamang nanghihina pa siya at hindi makapag-cast ng spell. Oh she hated her situation. She wanted to die that moment.
"S-Silas... h-hindi ko talaga alam... maniwala ka naman sa akin..." luhaan at desperadong sagot ni Sonja.
"Fuck it." angil ni Silas at sa isang iglap, nasa tabi na ito ng ina niya. Gumamit ito ng bampirang bilis. Inagaw nito ang patalim at ito mismo ang tumutok sa leeg ng matanda.
"Magmamatigas ka pa ba?" nanggigil na tanong ni Silas.
Luhaang umiling si Sonja. "Wala talaga akong alam sa sinasabi ninyo!"
"You gave me no choice." mariing anas ni Silas at ginilitan ng leeg ang matanda. Pumusitsit ang dugo nito at papadarag na binitawan ni Silas. Hindi pa ito nakuntento, itinarak pa nito ang patalim sa puso ng matanda! Siniguradong mamatay ito! Ang parteng iyon ang kahinaan nilang mga bampira. Bukod doon ay ikamamatay din nila ang sikat ng araw at dead man's blood.
"'Maaaaaa~!" sigaw ni Sonja. Umalingawngaw iyon sa buong base nila. Parang tumigil ang lahat ng sandaling iyon. Nagwala siya sa harapang pagkamatay ng ina.
"Fuck you, Silas! Fuck you—!" nagwalang sigaw ni Sonja. Umabot hanggang langit ang galit niya rito pati na sa buong kalahi. Pumalag-palag siya. Kinagat niya sa braso ang bampirang umawat sa kanya at pinilas ang laman nito. Wala siyang pakialam kung duguan na ang bibig. Napasigaw na lang ito sa sakit.
Dahil sa adrenaline rush ay nagawa niyang makawala. Kinuyog siya ng mga bampira pero gumamit siya ng mga battle spells para makalaban. Nang makahanap ng tiyempo ay tumakas siya. Hinabol siya ng ilang bampira pero sa huli ay nagawa niyang makalayo.
Nang wala nang humahabol kay Sonja ay doon lang siya hinang napaupo sa damuhan. Nagiiyak siya sa pagkamatay ng ina at pagkamatay ng puso. She was so damn mad and angry. She felt betrayed. Ikinagalit niya ng husto ang pakiramdam na iniwanan siya sa ere ng sariling kalahi.
Oh, she wants to get even. At gagawin niya ang lahat para magtagumpay. Sumusumpa siya. Babalikan niya ang mga iyon. Bibigyan niya nang katarungan ang pagkamatay ng ina. Bubuwagin niya ang sistemang alipin para wala nang matulad sa kanya. Life should be equal!
Ah, she would really do that. Gagawin niya ang lahat para ma-achieve iyon kahit na kailangan pa niyang makipagsabwatan sa mga lycan. Naikuyom ni Sonja ang mga kamao. Naningkit ang mga mata niya sa nabubuong plano...
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
General FictionW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...