23. TOUCHED

3.1K 116 1
                                    

"SIR, NAKIKITA naming may papadating na mga barko." imporma ni Vladimir paglabas ni Lucian ng tent. Agad nilingon ni Lucian ang pampang at nakitang paparating na ang anim na naglalakihang barko. Lumilipad din sa itaas noon ang ibon ni Sonjan. Tinapunan ng tingin ni Lucian si Sonja. Nakahiga ito at nakatalikod sa bukana ng tent. Minabuti niya itong hindi tawagin para makapagpahinga. Isa pa ay tirik ang araw. Hindi ito puwedeng ma-expose at baka maging abo.

Lumabas na si Lucian. Sumunod si Vladimir sa kanya. Tumigil sila sa tabing dagat at hinintay na dumaong ang mga war ships. Hindi nagtagal ay dumaong ang mga iyon at bumaba si Malakai—ang panganay na kapatid ni Lucian—sa unang barko kung saan sila nakatapat. Mas matanda ito ng sampung taon sa kanya. Kasunod nito ang mga lycans na bagong dating. Ang ibon naman ni Sonja ay dumiretso sa tent. Mukhang magbibigay ng impormasyon.

"How's everything?" tanong nito at kinamayan si Lucian.

"Trapped. Ikaw pala ang nalapitan ng ibon." ani Lucian.

Umiling ito. "It was Loco. Nasalubong namin ang ibon. Papunta na rin kami rito dahil inutusan kami ng hari. He wants us to assists you." si Loco ang lycan na assistant nito.

"Okay." nakahingang maluwag si Lucian.

"I want to see your bitch. Where's she?" anito at iginala ang paningin.

Sa kung anumang kadahilanan ay nakaramdam ng init ng ulo si Lucian. Kilala niya si Malakai na brutally frank at bastos magsalita. Nasasakyan niya ito pero hindi sa pagkakataong iyon.

"Don't call her that way." nagtitimping saad ni Lucian. Nagiinit pati ang dibdib niya sa inis. That was first time in his damn history. Ngayon lang niya hindi magawang mapalampas ang pangit na salita mula sa kapatid.

Napatingin si Malakai kay Lucian. "Whoa! Are you mad?" hindi makapaniwalang tanong nito at hinarap siya ng husto. Hinagod nang tingin ni Malakai ang kapatid. "Now, I am really curious. Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon para makuha ang loob ni Socorro? At ikaw? What happened to you? Nakalimutan mo na ba si Margarita? Nakalimutan mo na ba na bampira ang pumatay sa kanya kaya nagaalaga ka na rin ng bampira?"

"She's half breed." giit ni Lucian.

"Whatever." naiiling ni Malakai at hinawakan nang mariin ang mga balikat ni Lucian. Kita niya ang disappointment sa mga mata nito. "Don't get too attached. You know what I mean." anito at lumayo. Nilapitan na nito ang mga kasamahan at kinausap.

Hirap pahupain ni Lucian ang pakiramdam. Nagiinit pa rin talaga ang ulo niya sa kapatid. Gayunman, sinubukan pa rin niyang kalmahin ang sarili. Naging rasyonal at lohikal siya. Inisip niyang mayroong punto ito.

Bakit ba naman kasi siya naiinis? Dati naman nitong tinatawag na 'bitch' ang mga babaeng dumadaan sa buhay nila pero wala siyang pakialam. Ano nga ba ang nangyayari sa kanya at hindi na niya naiisip si Margarita? Tuluyan na ba talaga niya itong nakalimutan?

Dahil ba kay Sonja? Sa loob ng ilang araw lang? Posible ba iyon?

He must admit they were sexually compatible. He loves new things he discovered and experience. Hindi niya sukat akalaing doon magle-lead ang plano niyang obserbahan ang babae. Nage-enjoy siya sa pakikipagniig sa kalabang lahi. He even loves her scent! He likes the way she screamed and cried in pleasure. He was thrilled every time he felt her soft flesh surrounds his thick manhood. He has experiences yet he felt it was so new to him.

He sighed. Naguguluhan na rin si Lucian sa nararamdaman. Sa tuwing nakikita ni Lucian ang galit at hinanakit ni Sonja kay Silas, parang tinatadyakan ang dibdib niya. Mayroon na siyang hula kung sino ito sa buhay ni Sonja dahil noon pa man ay naririnig na niya ang pangalan ni Silas dito. Noon pa man din ay hindi na magaan iyon sa kanyang pakiramdam.

"Sir Lucian." tawag ni Vladimir.

Napalingon si Lucian sa kaibigan. "Napadaan ako sa tent. Pinapatawag ka ni Sonja." anito.

Tumango na si Lucian at pinuntahan ang babae. Bumangon ulit ang hindi maipaliwanag na excitement sa dibdib niya. Damn. Bakit nga ba? Ah, hindi niya alam ang sagot!

"I heard the war ships came. Okay na?" nakangiti nitong tanong. She looked excited.

Tumango si Lucian. "Yes. Kapag hindi na masakit sa balat ang araw, maglalayag na tayo."

Ngumitinang matamis ang babae. "You really care for me." anito at malambing nahinaplos ang balbas niya. Nangilabot si Lucian sa ginawa nito. Damn this woman.She really knew how to touch him! Tinitigasan tuloy siya. 

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon