"WE JUST discovered this. Hindi lang pagkain natin ang itinapon nila sa dagat kundi pati na rin dugo na nakaimbak para kay Sonja." napapailing na imporma ni Vladimir. Nasa likuran nito si Diego, ang mandirigmang lycan na in charged sa mga pagkain.
May bakas sa bintana ang mga pagkain kaya hula nila ay doon iyon itinapon. Sira na rin ang bintana. Mukhang pinuwersa dahil wasak ang takip noon. Tingin ni Lucian ay nagmamadali ang magama sa ginawa kaya hindi nalinis ang trabaho.
"I'm really sorry, sir. Hindi ko alam na ganoon ang gagawin nila noong puntahan nila ako. Nang malingat ako, may pumukpok sa ulo ko at nawalan ako ng malay. Kanina lang ako nagising. Hindi ko sila napigilan." hinging paumanhin nito.
Hinawakan ni Lucian ang balikat ni Diego at pinisil. "I understand. Kukuha tayo ng pagkain sa isla na madaraanan. Don't worry." nakakaunawang saad niya.
"Sige na. Linisin mo na lang itong kuwarto." bilin ni Vladimir.
"Let's check everything thoroughly. Baka hindi lang ito ang ginawa nang mag-ama." mahigpit niyang bilin.
Tumango si Vladimir at agad na silang tumalima. Deep inside, Lucian was blaming himself too. He didn't saw this coming. Lagi siyang advance mag-isip. Pero dahil tiwala siya sa mag-ama at umaasang hindi pepersonalin ang lahat, hindi niya inisip na gagawin nila ito. Lihim siyang napabuntong hininga.
Inikot nila ang buong barko at nagpasalamat siya dahil wala na silang natuklasang kalokohan ng magama. Nang masigurong wala ng problema ay binilinan niya si Vladimir na utusang dumaong sa malapit na isla para makapaghuli ng mga hayop. Agad naman itong tumalima.
Naglakad pabalik ng kwarto si Lucian. Doon umalon ang dibdib niya. Ah, he was excited. Naalala niya ang pangako ni Sonja. Naalala rin niya ang pangako rito. He was planning something erotic for her.
Bumilis ang tibok ang puso ni Lucian. Tuluyan na talaga niyang minahal si Sonja. Lahat, gagawin niya rito. Wala na siyang pakialam kahit isang pagtatraydor ang kanyang ginawa. Ang mahalaga, matapos na nila ang digmaan at tuluyang matahimik nang magkasama.
Napuno nang matinding antisipasyon ang dibdib ni Lucian nang makita ang pinto ng kwarto. Malalaki ang hakbang na nilakad niya iyon kaya ilang segundo lang, nabuksan na niya iyon. At nabigla siya sa nakita!
"Who did this to you?" alalang tanong ni Lucian nang makitang nakatali ang dalawang kamay ni Sonja. Nakahubad din ito. Oh, damn. Her voluptuous body was exposed! Naginit ang ulo niya sa gumawa noon dito! Agad niya itong nilapitan at akmang kakalagan ito nang bigla itong tumanggi. Napamaang siya rito.
Napahagikgik ito. "I did this to myself! Ano ka ba? Bakit ka nagagalit?"
"What the-paano mo ito ginawa?" takang tanong niya.
"Tinali ko ang sarili ko. Madali lang naman. I used my mouth and teeth. Higpitan mo na lang. Sige na." anito at inilapit ang dalawang kamay na magkadikit.
Tinitigan ito ni Lucian. "Are you sure about this?"
"Yes!" nakangising sagot nito at lumuhod sa kama. Pinalambong nito ang mga mata. Damn. He suddenly felt hot all over. "I'm your slave. Gawin mo ang lahat nang gusto mo sa akin."
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
General FictionW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...